December 27.
Tumanda na naman ako ng isang taon pero pakiramdam ko wala namang nabago. Parang isang ordinaryong araw lang ito katulad ng nakarang Pasko. Hayy...
Bente sais pa lang ng Disyembre dito e may mga nagdadatingan ng mga text messages galing Pilipinas para batiin ako. Hmm..unang una sa kanila si
Sir Louie, isa sa mga matalik na kaibigan (kaya Sir kasi titser) pero kelan ko lang din naman na sya natutunang tawaging ganyan. Merong pacorny na messages, merong pacute. Pero at the end of the day, naging emotional akong bigla pagkabasa ko ng text galing sa nanay ko. Saka ko lang na realize na ganon ko na din pala sila kamiss kahit pakiramdam ko kahapon lang ako dito s Suisse.
Walang champagne, walang cake at lalong walang inuman katulad noong nasa Pilipinas ako. Kahit sabihin pang maliit ang sahod pero maski paps, nagpapainom o sadyang wala lang akong katumahan dito. Maghapong nagtrabaho -- yon ang regalo ko sa sarili ko. Sayang ang kikitain, pandagdag na din yon pangtuituion ng kapatid ko. Hehe...
Last year din kasi napilitan lang akong magluto kasi inimbita ng asawa ko ang mga taga sa amin dito sa Geneva kaya, kahit pansit man lang meron bago mag-uwian at ano pa, tatlong cake meron ako.
Pero surprise surprise -- nanlibre asawa ko ng dinner. Matagal na kasi namin balak kumain sa isang Japanese Resto pero di magawa gawa kasi nga pulubi pero tonight, suot ang bagong bili kong jacket na sale, kumain kami sa
Sagano. Sashimi, sushi, maki, tempura at teriyaki -- parang tatlong buwan akong 'di kumain . Talagang sinamantala, masarap talga kapag libre.
Pagkatapos magpakasawa sa sushi, ako naman ang nanlibre.
"The Golden Compass" ang napili naminng panoorin na medyo nasagwaan ang asawa ko sa bibig ni Nicole Kidman, parang ke Pops na kinagat ng langgam.
And before the night ends, me regalo pa pala ako. Haha..kita nyo?
How I wish sana araw araw birthday ko. Salamat pala sa mga bumati through my friendster account. Ke Badet, Celma, ke Ryan, Malen, Chyreen, Delyn (panay babae) Atty. Alagos at sa pamangking Ryan din.
Happy Birthday to me.
Read more...