Demo Site

Tuesday, July 22, 2008

matterHORN

Ito ang makikita sa official logo ng isang sikat na brand ng chocolate at minsan naman sa isang brand ng relo. Isa rin itong "finalist" sa 8th wonder of the world. Ang lugar sa Switzerland kung saan meron pa ring snow kahit summer -- sikat at cool na cool para sa mga skiers. 'Yan ang Matterhorn.




Isang panibagong adventure ito para sa akin na mapasama para makita ang ipinagmamalaking ng Switzerland. Sulit ang pagkagising namin ng maaga para makita itong magnific at majestic na bundok. Makikita ito sa range ng Pennine Alps na naghahati between Switzerland at Italy na man taas na 4478 meters (14, 692 ft.)



Nakakalula ang daan kahit papalapit pa lang kami ng Zermatt. Matatarik na bangin ang dinadaanan ng bus at kinakailangan ding magtrain para maranating ang sentro ng village ng Zermatt. May kalamigan nag hangin kahit summer. Sa sentro ng Zermatt, walang public transport, kaya ideal din talaga ang lugar na ito sa mahilig maghiking. Kalesa ang isang transportasyon nila pero syempre may kamahalan na at kung may sasakyan naman e may mga solar panel sa bubong kaya walang polusyon. At ang mga bahay, mga chalet ang nakapaligid. Sosyal ka pag meron na nito.


(sentro ng Zermatt)

Ang tuktok ng Matterhorn ay tanaw na tanaw mula sa sentro ng kabihasnan pero di ako papaawat. Gusto ko makita ito in closer view kaya kahit may kamahalan (wala naman kayang mura dito) kumuha ako ng isang tiket (isa lang kasi di pwede sumama ang anak ko kaya pati asawa ko nagpaiwan) para sa cable car ride. Nakakamangha. Mapapa-wow ka ta sa makikita mo sa cable car pa lang. Eto na lang, may mga kuha pala ako.

(nakadalawang lipat ako ng cable car)



(Zermatt Village)

(cloudy kasi kaya di kita ang buong Mattehorn)


(forever ang snow dito)


(ang mamang ito pinagtitinginan ng mga tao dito kasi kapal ng mukha, sya lang ang nakaganyang suot at napeke ang ginaw ng paligid at natunaw ang bawat niyebe na madadaanan nya)

Butas man ang bulsa at pagod man ang katawan pagkatapos ng byahe, sulit naman ang naging karanasan. Ganunpaman, ilang beses ko mang makita ang kaharian ng Matterhorn, lagi ko pa ring mamimiss ang burol sa paanan ng bundok kung saan ko pinapastol ang kalabaw namin.


Itutuloy....





26 comments:

Anonymous said...

ang bastos pakinggan pero pwdena...ha ha ha..

libreha man ko b pakadto da!!lols

PoPoY said...

i remember watching "PINOY MEETS WORLD" episode when Susie Entrata and her husband Paolo went in Matterhorn.

The picture of the train is where Paolo and Susie ride. Nahuli pa nga yung staff nilang kasama kasi nga di ba kuya george eh napakahalaga ng oras jan sa Switzerland? Kumain din pala sila sa isa jan sa mga restaurant jan sa may Zermatt Village ba yun? nung parang ibat ibang cheese na tinunaw tas ididip mo yung tinapay, ang sarap, nagutom ako ngayon ehehehe.

Ang ganda at napakarelaxing nang ambiance ng lugar na yan. Nung napanuod ko nga yan parang ang sarap magempake at lumipad agad papunta jan sa lugar na yan. Napakapeaceful, i guess? ahahaha. Ang sarap ng pakiramdam na malapit ka sa nature.

P.S.

Ang asteeg mo kuya kasi ikaw lang ang nakashort yata at tshirt kahit mukhang ang ginaw ginaw kahit summer s lugar na yan hahaha :D

Abou said...

wow family picture gid a.

puro ka eang pahikaw pirme hmmp.

Anonymous said...

astig ang lugar. pero mas astig imo costume. hehehe

The Gasoline Dude™ said...

Huwaw! Mukhang masarap maglibot dyan ah. Dito sa Singapore, meron ding cable cars, pero hindi pa ko nakasakay.

ponCHONG said...

maldito .. wala problema basta bahala ka na sa visa.

LoL...

ponCHONG said...

popoy .. napanood ko din yon one time poy at hinahanap ko uli sa youtube pero hirap ko makita.

sobrang conscious sila sa oras dito. ihing ihi na nga din ako that time pero 4 minutes na lang at aalis na ang train at eksakto yon or else maghihintay ka uli ng 25 minutes for the next trip.

Fondue ang tawag nila nyan dito poy. maamoy yon kasi sa cheese pero masarap. mas maganda gawin yon kapag winter or yong don talaga sa tuktok near matterhorn. may restaurant din don.

iba talaga ang dating ng lugar. once na nasa tuktok ko seeing yong bundok na pero snow at walang humhadlang sa nakikita mo ang sarap mag-isip.

nangangatal na nga ako habang may piktyuran na yan. di ko kinaya ang ginaw kaya takbo ako pababa.

haba ng explanation ko.

ponCHONG said...

abou .. pirme eon don family picture. dumdzûman ko ta si jethro!

ay a. i was thinking of sending an MMS it matterhorn habang sa cable car, pero di ko nagawa kundi nagbakea eang ako it postcard.

ponCHONG said...

palagpat .. astig gid man. nalipat gid ko bal-an kaay abi ko mainit sa bukid gali kay wala nagatunaw ang snow sa zermatt.

mabakal ko tani jacket galing kay mahal. nanugon ko sa ibayad kundi inagwanta ko na lang.

ponCHONG said...

gas dude .. sobrang sarap. tapos ang tahi-tahimik ng lugar.

first ko din tong sumakay ng cable car. di ko to nagawa nong nagHongKong kami.

kagagaling ko lng sa site mo at parang ayos na ayos ka naman a.

Good LUCK sa yo dyan.

churvah said...

wow naman!
asteeg ng view.

natunaw ba ang mga niyebe na nadaanan mo?aus ah..

hindi nman halata sa piktyur na nangangatal ka na sa lamig,hehe!

The Dork One said...

i love the place

† Yods† said...

aba e kay ganda naman ng lugar na yan. gusto ko din makakita ng nyebe at gawing halo halo para itinda. wee!


ahaha, super hot ka siguro kaya natunaw mga nyebe sa pagdaan mo. astig a, nakashorts pa talaga, yan na ba ang usong damit panlamig ngayon? lolz

Anonymous said...

ang swerte mo naman nakapunta ka na dyan.

nakakalula.

Anonymous said...

wow. ang ganda. gusto ko rin pumunta jan. hehehe!

Anonymous said...

matternhornY
saka Penile Alps..
este penine..
whatever..

wala lang..
naaliw lang ako sa pangalan.. hahaha

nagpapastol din ako ng kambing sa probinsya.. pero sa bukid naman.. bwahahaha..

Rio said...

ayos kuya sa japorms ah!! parang hindi nagyeyelo ang paligid...hehe=)

ponCHONG said...

churvah .. syempre ko pinapahalata kahit na ba pati eyeballs ko parang mafrozen na, for the sake of this blog. LoL..

ponCHONG said...

leviuqse .. moi aussi!

ponCHONG said...

yods .. di ko lang sigurado kung pwedeng kaskasin ang mga snow dito para gawing halo halo.

oo, try kong maging trendsetter kung kaya. hahaha...baka maging wakas na yan ng blogging career ko. (hahaha...as in merong career!)

ponCHONG said...

leyn .. mas maswerte sana ako kung libre ang gastos ko pagpunta dito.

talagang nakakalula. kung medyo may diperensya puso mo, di ka pwede dito.

ponCHONG said...

tisay .. di na kailangan tisay. sa disneyland meron silang ganito na pwede mong akyatin kunyari. pero syempre iba pa rin pag hindi kunyari..kaya tara na dito. ilibre mo ako.

ponCHONG said...

FB .. sus, kaya tuloy napgkakamalang manyakis ka kasi ambilis mo sa mga ganyang bagay.

kambing? may horn din yon. hahaha...ewan!

ponCHONG said...

rio .. oo doc. isa pa gusto ko kasing sulitin ang ibinayad ko kaya sugod na lang. di talaga ako nakatagal, bka dumugo ilong ko.

my-so-called-Quest said...

wow ang ganda jan kuya!
pwede ba magbakasyon jan?

pero di ka nilamig? ahehe


ingats kuya!

ponCHONG said...

ced .. anytime ced kung gusto mo.

di umobra ang lamig sa akin. hahaha...langhiya, di ba halatang nangangatal ako.