Demo Site

Monday, February 02, 2009

T T Mo!

At dapat "T T Mo" na rin ako.

'Di ko alam kng paano masimulang magkwento sa inyo pagkatapos ng napakaiksing weekend ng walang halos tulog dahil sa pag-aalala sa karamdaman ng anak ko. Pero sana nga tuloy tuloy na ang pagbuti ng karamdaman niya. Akala mo naman sobrang ganun kalubha pero kahit ubo at sipon lang 'to, iba pa rin syempre na walang sakit.

Ang OA alam ko pero sinasabi ko sayo, try mo lang magkaanak at kapag nasa point ka na ganito, daig mo pa ang hitsura ni Bangkay after 3 days na walang masyadong tulog. Super OA uli. Anuba! Ubo nga lang yan e.

Sa ilang araw ng pananatili ko sa bahay, na sana wala ng extension pa dahil wala na akong kita at nag-aantay na naman ang mga resibo sa corkboard ko, nagkaroon ako ng oras na maalala ang mga taong ewan ko kung inaalala rin nila ako. 'Di talaga halata na wala akong pagkasenti at pure nag-u-OA lang ako pero looking at those old photos na talagang naging bahagi ng paglalakbay ko papunta rito, ako'y napapangiti at naalala ko ang mga epal na pagmumukha ng mga taong ito.



Syetness na memory lane to. Naalala ko sila. Ayaw bati. Anlakas mang-asaran. Walang araw na hindi mo marinig na hindi nagpipintasan -- sa kulay ng balat, sa istayl ng gupit -- na kahit saan mo naman tingnan ay halatang magkaiba. Dalawang taong minsang tunay na magkalapit sa isa't isa at sa puso ko rin. Tampulan pa ng tuksuhan ng barkada. Baka balang araw sila ay magkakatuluyan dahil sa asaran. Syempre, napakalakas na NEVER in capital letters ang sagot at ang tanging sagot uli sa kanilang dalawa, "the more you hate, the more you love."

Pero sinubok ng pagkakataon ang samahan na humantong sa seryosong pagkakagalit ng dalawang puso na dati'y nag-aasaran lamang. Mahirap talaga kapag may mga kapamilya ng nasasangkot. Ito ay dahil lamang sa mga "akalang" hindi nabigyan ng linaw dahil hindi na pinag-usapan dahilan para maging sarado ang mga isipan nila sa posibleng estado ng pag-aayos. Sayang pero lahat kaming mga nagmamahal sa kanila umaasa na maayos din ito -- sa tamang panahon.

Ang hirap malagay sa sitwasyon na kailangan mo lang maging balanse. Shock absorber -- ganun na lang at walang problema yon. Lagi akong /kaming makinig sa inyong mga hinaing at sama ng loob ninyong dalawa. Sa ngalan ng pagkakaibigan.


T T Mo!



Isa pa.



T T Mo!

Alam kong di ninyo maintindihan pero sana isipin ninyo ang mga pagkakataon na sana'y nagkasama tayo para lamang mamulutan ng mani at boy bawang sa gitna ng paulit ulit na kwentuhan at tawanan. Hindi ganitong pareho kayong nag-iiwasan. Sasabihin ko uli to, bidrs of the same feathers are the same birds. Ayusin na natin 'to para lahat happy.

T T Mo!



Oo.



It's TIME TO MOVE ON.








17 comments:

Nebz said...

Hahahaha!

Naunawaan ko ang senti mo tungkol sa anak mo. Wala akong anak pero alam ko kung gaano kabigat ang pakiramdam kapag ang kapamilya (at kapuso) ay may karamdaman. Kung pwede lang akuin ang sakit, aakuin natin, huwag lang sila mahirapan.

Pero hahahaha talaga sa TT Mo. Papraktisin ko ang T...(d ko n itutuloy at pangit pakinggan).

kuri said...

ako yan ang motto ko eh

TT MO!

MAg-TT MO taung lahat!

my-so-called-Quest said...

mag TTMO na rin ako! hehehe

nga pla kuya, oks na ba si anak?

ingats dyan palagi!=p

helene said...

TT Mo? Wow..hehehe you are right, lets all TT Mo. How i wish I also have a baby to show him/her how much i care for him/her specially if he/she is not feeling well...Your son is so lucky for having you as his Dad.

Tell ur friends to forget whatever misunderstandings they have. For old times sake. Sayang lang ang mga pinagsamahang naging bahagi na ng buhay natin..

I enjoyed reading your blog...keep it up friend.

madbong said...

pareng ponchong, musta ka na? tagal ko di nadalaw ang site mo. honga mahirap pag maysakit ang anak lakas maka-stress. buti na lang dito sa opis namin maunawain sila pagdating sa mga ganitong pagkakataon.

ponCHONG said...

nebz .. wag mo na lang pakiggan. internalize mo na lang ang mensahe

ponCHONG said...

kuri .. mabuhay ang mga mag TTMo!

ced .. ok naman na sya ced. kaya lang kailangan talaga tuloy tuloy ang antibiotic.

TTMo!

ponCHONG said...

helene .. sana may picture ka para kunyari close tayo.

salamat.

ponCHONG said...

madbong ... winter pa din dito. nakakasawa na ang ginaw. buti at may mga ganyang privileges kayo. ako pag maysakit anak ko, cancel ang trabaho.

sarap ng bakasyon mo a.

utoysaves said...

kunsabagay, kahit si God, yan din ang sinasabi nya sa mga nakakabit sa nakaraan nila: TT MO! Time To Move On!ü

kamusta ang kabundukan ng Suiso?ü

madjik said...

o siya time to move on na nga rin hehehe...

ganyan talaga pag daddy.. kaw na lang magkasakit wag lang si anak.

karmi said...

TT Mo! salamat sa payo kuya :D hehehe.

Roland said...

haha, akala ko kung ano...
it is indeed the best thing to do...
but lets accept the fact na hind ganun kadali yun...
kung malalim ang sugat na naiwan, it takes time to heal...
then only time can tell.

msta na parekoy!

nobodysgurl said...

I totally and definitely agree na dapat people should learn how and when mag TT MO!!! a very healthy motto.. TT MO!

_ice_ said...

wahhh kala ko kung ano na..

mahirap talaga.. yon nga ang mahirap after break up eh ang moving on kasi di mo alam kung san ka mag umpisa..
it's like starting all over agen..

back to zero..

anyway time will come makapagmove on din ang isang tao kaya its TT mo

duke said...

TT mo ampots!

-lomi- said...

"Hello po!(^^;).. I stumble on your site through your followers..

I don't know if you have heard of the "Honest Scrap" award। But if you haven't, I would like to present it to you as I know that you specially deserve it। Check out my site for further details nalang po." hehe.. ge po,happy blogging!!!(^^;)