When the going gets tough, the tough gets going.
May mga kwento ako. Problema ko lang kung papano isulat. Feeling manunulat naman daw ako sa lagay na 'to. Pero habang tinitigan ko ang screen ng monitor, nawawala ang focus ko sa lakas ng hilik ng anak ko. Parang ako kung humilik. Parang sobrang lasing na naging unconscious bigla. At sa halip na ang kamalasan ko ngayong araw ang magiging paksa ko ay ang hilik nya na lang sana.
Hindi ko alam na friday the 13th ngayon. Petsa at araw na ang sabi nila ay malas daw sa kung anong kadahilanan ay hindi naman nila maipaliwanag. Petsa at araw na kinatatakutan dahil daw lumalakas ang kapangyarihan ng kasamaan. Kung anuman ang totoo, nasa iyong paniniwala 'yon.
Laging kaming pinapaalahan ng nanay namin sa kahit anong gawain na mag-ingat. Mas mabuti na daw ang ganoon. Pero syempre, hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa ingat per se bagkus, ang tamang pagdidesisyon sa mga bagay bagay ay maaring magawa kung talagang nag-iingat tayo.
Friday the 13th ng matanggap ako sa dati kong trabaho. Di ko inakala na ganon kabilis ang mangyayari. Konting
interview tapos basa lang
news item aba'y bigla na akong pinagsalita sa mikropono at simula na daw ng
two weeks training ko iyon. Swerte at malas din. Pamasahe lang ang dala ko ng umalis ako ng bahay
hoping na makakauwi pa ako
after ng
interview. Walang dalang ekstrang damit kasama na
underwears. Kung kaya
almost one week din akong nakitulog at nakikain sa ilang mga kakilala at kaibigan at nakihiram ng maisusuot at nagtiis sa iisang brip. Hindi pa kasi kami ganon ka-
close ni
abou kaya nakakahiyang sa kanyang ako magpa-ampon. Walang kamalay-malay ang mga magulang ko kung ano ang pinaggagawa ko sa loob ng mahigit isang linggo. Swerte uli kasi doon ako nakilala at malas pa rin kasi di ko masyado nakasundo ang manager namin kung kaya ako nag
resign after 11 months.
Friday the 13th noong nakaraang buwan nang wala akong maisip na pa-epek para sa misis ko para sa araw ng mga puso kinabukasan. Malas kasi wala akong pera. Mahirap na ring subukin kung magkano ang presyo ng mga bulaklak kapag ganitong araw kasi sobra pa ito sa presyo ng isang kilong manok. Feeling ko tuloy napaka-unromantic ko na asawa. In fairness to me naman, inaya ko rin si misis na manood ng sine, sagot nya nga lang muna. Pero sabi n'ya, parang mas gusto daw nyang magstay at home na lang kami at manood ng DVD. Mas lalong game ako kung kaya ang ipangtreat sana sa sine, pinambili na lang namin ng para dito:
It was splendid.
Friday the 13th kanina. Hindi na talaga maganda ang nangyari sa amin sa linggong ito. Miyerkules ng muling magkainfection ang anak ko dala ng ubo at ipon dahil sa pagpalit ng season. Kung kaya ganon na lang siguro s'ya kung humilik. Ang lagay ba e, anak lang ang pwedeng magkasakit? Namaga ang paa ko. At dahil masakit ilapat at kumikirot minabuti ko ng huwag nang pumasok. Kamusta naman kaya ang sahod ko non? Asa pa e di bokya. Kaya tuloy wala pa kaming pambayad sa kuryente at telepono. Pero kani, pinilit kong pumasok dala ko ang anak ko dahil sa pag-aalala sa kikitain kung kaya kahit medyo masakit ang paa sige pa din. Kailangan kong dalhin sa doktor ang anak ko pagkatapos ng trabaho kung kaya ko sya dala dala. Kailangan relax ako. Mahirap ma-i-stress baka mawala ko anak ko. Swerte at malas. Masyadong cooperative ang anak ko kung kaya maagang ko naapos ang trabaho ko at malas dahil nawala ang punpon ng susi ko ng umuwi kami sa bahay. Hindi ko alam kung papano ko sisimulang i-analyze kung papanong nawala ang mga susi ko. Nadukutan kaya ako, pero sarado naman ang backpak o sadyang tanga lang ako at kung saan ko natapon iyon. May paglalagyan ako nito kay misis mamya. Kinalkula ko na kung magkano ang gagastusin ko para magpaduplicate ng mga iyon. Kung kaya kahit masakit ang paa, muli naming inikot ang Geneva para kunin ang spare na susi ke misis at saka ko na iisipin ang nawala. Swerte uli kasi nagtext ang amo ko na may naghatid daw ng susi ko sa apartment nila at malas kasi muling sumakit ang maga kong paa.
Ang mga malas at swerte na ito ay pawang nagkataon lamang. Hindi ako naniwala sa dalawang konseptong ito kasi kung nagkataon siguro hanggang ngayon, nag-aantay pa rin ako ng swerte at nagtataboy ng malas. Hindi ko minamasama ang may kasalungat na paniniwala. Nasa demokratikong bansa naman tayo. Parehong pinagtatrabahuhan ang dalawang ito. Nasa nagdadala lang yan. Sa konsepto ng malas at swerte pinaniwalaan ko ang sabi ng nanay ko, mag-ingat at 'wag kang tatanga tanga! Walang kinalaman ang friday the 13th.
Read more...