Demo Site

Monday, February 02, 2009

T T Mo!

At dapat "T T Mo" na rin ako.

'Di ko alam kng paano masimulang magkwento sa inyo pagkatapos ng napakaiksing weekend ng walang halos tulog dahil sa pag-aalala sa karamdaman ng anak ko. Pero sana nga tuloy tuloy na ang pagbuti ng karamdaman niya. Akala mo naman sobrang ganun kalubha pero kahit ubo at sipon lang 'to, iba pa rin syempre na walang sakit.

Ang OA alam ko pero sinasabi ko sayo, try mo lang magkaanak at kapag nasa point ka na ganito, daig mo pa ang hitsura ni Bangkay after 3 days na walang masyadong tulog. Super OA uli. Anuba! Ubo nga lang yan e.

Sa ilang araw ng pananatili ko sa bahay, na sana wala ng extension pa dahil wala na akong kita at nag-aantay na naman ang mga resibo sa corkboard ko, nagkaroon ako ng oras na maalala ang mga taong ewan ko kung inaalala rin nila ako. 'Di talaga halata na wala akong pagkasenti at pure nag-u-OA lang ako pero looking at those old photos na talagang naging bahagi ng paglalakbay ko papunta rito, ako'y napapangiti at naalala ko ang mga epal na pagmumukha ng mga taong ito.



Syetness na memory lane to. Naalala ko sila. Ayaw bati. Anlakas mang-asaran. Walang araw na hindi mo marinig na hindi nagpipintasan -- sa kulay ng balat, sa istayl ng gupit -- na kahit saan mo naman tingnan ay halatang magkaiba. Dalawang taong minsang tunay na magkalapit sa isa't isa at sa puso ko rin. Tampulan pa ng tuksuhan ng barkada. Baka balang araw sila ay magkakatuluyan dahil sa asaran. Syempre, napakalakas na NEVER in capital letters ang sagot at ang tanging sagot uli sa kanilang dalawa, "the more you hate, the more you love."

Pero sinubok ng pagkakataon ang samahan na humantong sa seryosong pagkakagalit ng dalawang puso na dati'y nag-aasaran lamang. Mahirap talaga kapag may mga kapamilya ng nasasangkot. Ito ay dahil lamang sa mga "akalang" hindi nabigyan ng linaw dahil hindi na pinag-usapan dahilan para maging sarado ang mga isipan nila sa posibleng estado ng pag-aayos. Sayang pero lahat kaming mga nagmamahal sa kanila umaasa na maayos din ito -- sa tamang panahon.

Ang hirap malagay sa sitwasyon na kailangan mo lang maging balanse. Shock absorber -- ganun na lang at walang problema yon. Lagi akong /kaming makinig sa inyong mga hinaing at sama ng loob ninyong dalawa. Sa ngalan ng pagkakaibigan.


T T Mo!



Isa pa.



T T Mo!

Alam kong di ninyo maintindihan pero sana isipin ninyo ang mga pagkakataon na sana'y nagkasama tayo para lamang mamulutan ng mani at boy bawang sa gitna ng paulit ulit na kwentuhan at tawanan. Hindi ganitong pareho kayong nag-iiwasan. Sasabihin ko uli to, bidrs of the same feathers are the same birds. Ayusin na natin 'to para lahat happy.

T T Mo!



Oo.



It's TIME TO MOVE ON.









Read more...