Demo Site

Thursday, January 05, 2012

Happy 2012

Ang aking pagbati sa lahat ng isang mapagpalang 2012 !!!

Di ko lang din sigurado sa ngayon kung meron pang nakikibasa nito pero kung isa ka sa mga nagsasayang ng oras para basahin ito, aba'y kamusta ka naman.

Labinwalong buwan na din ang lumipas ng huli kong mabisita 'tong bahay ko. Puno ng agiw. Pagpag dito, pagpag doon. katatapos lang magbagong taon pero mukhang Halloween ulit.

Andaming nangyari for the past 18 months. At syempre, wala naman akong balak magyear-end review. Pangit man o maganda, ang mahalaga lahat 'yon may naging bahagi sa atin.

Namiss ko lang 'to pero sa ngayon manganagmusta na lang muna si ako. Sa susunod, pramis, mahaba habang kwentuhan at pramis ulit, 'di na 'yon aabutin ng next year.

Ciao mon amis! A bientot!

Read more...

Thursday, July 01, 2010

Pila

At nangyari na nga ang hinihintay ng mga Pilipino -- ang panunumpa ng bagong halal na pangulo ng republika. Lahat ay excited, parang araw ng sweldo. Lahat nagkukumahog. Lahat ay masaya kasi holiday with pay. Sigurado, kapag ganitong holiday, may isang imporatanteng pangyayari hindi mawawala ang maraming dagsa ng tao. Akala mo magsasaboy ng balde baldeng kagandahan ang Diyos na lahat nag-aabang umaga pa lang. Siksikan dito, tulakan dito, pati amoy sa singit maamoy mo na at kulang na lang magkapalit kayo ng mukha. Panigurado, ang mga ganitong eksena ay muling naranasan kanina.

Eto ay pinakaayaw ko sa lahat -- ang pila. Magpapapicture, pipila. Iihi, pipila. Kakain, pipila.Di ko alam pero hindi ako masaya kapag nasa pila. Awang awa ako sa sarili na hindi ko mawari. Parang pinaparamdam sa akin na isa talaga akong indio. Lalo na kapag hindi ito gumagalaw at halo halo na ang nararamdaman ko sa katawan -- naiihi na natatae na nagugutom na nauuhaw. Tapos may maniningit pa. Habang ang pinipilahan mo ay nakuha pang magtanggal ng engrone sa kuko habang pinapafill-up kayo sa form. Tama ba? Sa engrone talaga ang kuko? Basta, yun yon.

Pero saan ba madalas ang pila? Sige nga. Maliban sa kumonyon sa simbahan ang ATM Machines tuwing araw ng sweldo at holiday, sinasabing merong dalawang sa mundo ang madalas box office ang pila. Ang takilya at CR ng mga babae. Sa takilya the more na mahaba ang pila, the more na malaki ang kita. Masaya yon. Sa CR ng mga babae, the more na mahaba ang pila, the na more na umaalingasaw ang amoy. Di ko rin alam kung anong meron sa CR nila at ang tagal nilang lumabas.

Sa panuntunan talaga ng buhay, laging kailangan ang pila. Ito ay para mas maayos at mas mabilis ang serbisyo na gusto nating makuha. Gustuhin man natin o hindi, kailangang sumunod tayo dahil iyon ang sistema. Ay ewan ko lang sa sistema na yan.

Basta, ayokong pumila.


Read more...

Monday, June 28, 2010

kamusta?

Wer na U? Dito na me.

Lumang jologs, ni hinidi man lang ako umabot sa lebel ng pagiging jejemon. Ibig sabihin, talagang walang ipinagbago.

Labinlimang buwan na pala yon at kung hindi dahil sa pagmamakaawa ni Ferberto (kulang na lang halikan nya ang mga paa ko) hindi ko na maisip siliping muli ang lugar kong ito. So di ba syempre, matagal ng hindi nagkaanuhan kaya dapat unang-una me ano yan.....kamustahan? Sa makabagong lipunan, pag nagsabi kang "kamusta?" me kasabay na beso. Ang beso sa Pinoy naging "bisous" sa Pranse. parang ako lang, bisaya. At dito sa Geneva, not one, not two but three time kang bibisou. As in like this...

"Hi!"

"├žava?"

sabay mwah..mwah..mwah! kaya't kung bagong salta sa geneva ang kausap mo, mangangawit ang leeg mo sa kaaantay ng tatlong magkakasunod ng kiskisan ng pisngi. Tuloy, ang simpleng seryosong tanda ng pagtanggap sa isang tao ay nagiging katawatawa. Nawawala tuloy ang sense.

Bakit nga ba kamusta ang una nating binibitiwang salita kapag may nakasalubong tayong kakilala? Sinasabi lang ba ito kasi wala na tayong ibang maiisip na itanong o para lang may masabi tayo. At ano naman ang ini-expect nating sagot?

Inaasahan nating sagutin tayo ng " Okay lang","Ayos naman" kahit na halatang meron itong pinagdadaanan. Halata ko lang, tayong mga Pinoy ang malimit gumanon. parang nahihirapan tayong ipaalam sa iba ang nararamdaman natin gayong alam naman nating gustong gusto naman nating pinag-uusapan ang mga bagay bagay na nangyayari sa atin.

At kadalasan, meron pa yang kasunod. "Kamusta ka na? Ang ganda mo ngayon a!" Ang saya nya at di sya nakakaoffend. A so kahapon pala pangit ako. Kung minsan, sa kagustuhan nating i-flatter (oo tunog pinggan) ang kapwa natin, mas lalo pa ngang nakakainsulto ang kinalabasan.

Pwede rin ba kayang baguhin? Parang ganito. Imbis na kamusta...

"Virgin ka pa?"

"Tuli ka na?"

Para mas malaman kaagad ang kasunod na usapan. Uso na yan ngayon. Diretsahan ikanga.

Oo naman siguro, demokrasya naman tayo. Kanya kanyang trip lang yan basta igalang din natin ang opinyon ng iba at sisiguraduhin lang natin na walang maaapakan at masasaktan sa gagawin natin.

Ito ay isa lamang kuro kuro at pala-palagay. Nasa lipunan tayo na merong mga standards, at puno ng alituntunin. At kahit gasgas na ang linyang "kamusta?", mas madali pa ring itong mararamdaman ng ating kapwa basta ito ay puno ang sensiridad at galing sa puso.

Mula dito sa tahanan ng tsokolate at keso, kamusta na ka-blog?!






Read more...

Thursday, April 08, 2010

test-ING

At kamusta naman yon?


Natatawa lang ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong nangyari ngayong araw na ito at kung bakit naisipan kong guluhin ang matagal ko ng nailigpit na gamit ko dito sa mundo ng blogging. Basta ang naisip ko lang kanina dahil marahil sa umay na umay na ako sa trabaho kong paulit-ulit at para naman magkaroon ng ibang silbi ang PC ko sa bahay, bisitahin ko kaya uli 'to at guluhin.

At ito nga, gulong gulo.

Hindi ko nasustain ang pressure sa pagbablog kung kaya ako tumigil at namahinga ng isang taon. (at talagang may pressure akong nalalaman) Hindi ako sigurado kung may babalikan ako sa aking pagbabalik, pero di bale, kung dito muli ako sasaya, lulubusin ko na.

Kaya sige, kwentuhan uli tayo.


Read more...

Friday, March 13, 2009

friday the 13TH

When the going gets tough, the tough gets going.

May mga kwento ako. Problema ko lang kung papano isulat. Feeling manunulat naman daw ako sa lagay na 'to. Pero habang tinitigan ko ang screen ng monitor, nawawala ang focus ko sa lakas ng hilik ng anak ko. Parang ako kung humilik. Parang sobrang lasing na naging unconscious bigla. At sa halip na ang kamalasan ko ngayong araw ang magiging paksa ko ay ang hilik nya na lang sana.


Hindi ko alam na friday the 13th ngayon. Petsa at araw na ang sabi nila ay malas daw sa kung anong kadahilanan ay hindi naman nila maipaliwanag. Petsa at araw na kinatatakutan dahil daw lumalakas ang kapangyarihan ng kasamaan. Kung anuman ang totoo, nasa iyong paniniwala 'yon.


Laging kaming pinapaalahan ng nanay namin sa kahit anong gawain na mag-ingat. Mas mabuti na daw ang ganoon. Pero syempre, hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa ingat per se bagkus, ang tamang pagdidesisyon sa mga bagay bagay ay maaring magawa kung talagang nag-iingat tayo.

Friday the 13th ng matanggap ako sa dati kong trabaho. Di ko inakala na ganon kabilis ang mangyayari. Konting interview tapos basa lang news item aba'y bigla na akong pinagsalita sa mikropono at simula na daw ng two weeks training ko iyon. Swerte at malas din. Pamasahe lang ang dala ko ng umalis ako ng bahay hoping na makakauwi pa ako after ng interview. Walang dalang ekstrang damit kasama na underwears. Kung kaya almost one week din akong nakitulog at nakikain sa ilang mga kakilala at kaibigan at nakihiram ng maisusuot at nagtiis sa iisang brip. Hindi pa kasi kami ganon ka-close ni abou kaya nakakahiyang sa kanyang ako magpa-ampon. Walang kamalay-malay ang mga magulang ko kung ano ang pinaggagawa ko sa loob ng mahigit isang linggo. Swerte uli kasi doon ako nakilala at malas pa rin kasi di ko masyado nakasundo ang manager namin kung kaya ako nagresign after 11 months.

Friday the 13th noong nakaraang buwan nang wala akong maisip na pa-epek para sa misis ko para sa araw ng mga puso kinabukasan. Malas kasi wala akong pera. Mahirap na ring subukin kung magkano ang presyo ng mga bulaklak kapag ganitong araw kasi sobra pa ito sa presyo ng isang kilong manok. Feeling ko tuloy napaka-unromantic ko na asawa. In fairness to me naman, inaya ko rin si misis na manood ng sine, sagot nya nga lang muna. Pero sabi n'ya, parang mas gusto daw nyang magstay at home na lang kami at manood ng DVD. Mas lalong game ako kung kaya ang ipangtreat sana sa sine, pinambili na lang namin ng para dito:

It was splendid.

Friday the 13th kanina. Hindi na talaga maganda ang nangyari sa amin sa linggong ito. Miyerkules ng muling magkainfection ang anak ko dala ng ubo at ipon dahil sa pagpalit ng season. Kung kaya ganon na lang siguro s'ya kung humilik. Ang lagay ba e, anak lang ang pwedeng magkasakit? Namaga ang paa ko. At dahil masakit ilapat at kumikirot minabuti ko ng huwag nang pumasok. Kamusta naman kaya ang sahod ko non? Asa pa e di bokya. Kaya tuloy wala pa kaming pambayad sa kuryente at telepono. Pero kani, pinilit kong pumasok dala ko ang anak ko dahil sa pag-aalala sa kikitain kung kaya kahit medyo masakit ang paa sige pa din. Kailangan kong dalhin sa doktor ang anak ko pagkatapos ng trabaho kung kaya ko sya dala dala. Kailangan relax ako. Mahirap ma-i-stress baka mawala ko anak ko. Swerte at malas. Masyadong cooperative ang anak ko kung kaya maagang ko naapos ang trabaho ko at malas dahil nawala ang punpon ng susi ko ng umuwi kami sa bahay. Hindi ko alam kung papano ko sisimulang i-analyze kung papanong nawala ang mga susi ko. Nadukutan kaya ako, pero sarado naman ang backpak o sadyang tanga lang ako at kung saan ko natapon iyon. May paglalagyan ako nito kay misis mamya. Kinalkula ko na kung magkano ang gagastusin ko para magpaduplicate ng mga iyon. Kung kaya kahit masakit ang paa, muli naming inikot ang Geneva para kunin ang spare na susi ke misis at saka ko na iisipin ang nawala. Swerte uli kasi nagtext ang amo ko na may naghatid daw ng susi ko sa apartment nila at malas kasi muling sumakit ang maga kong paa.

Ang mga malas at swerte na ito ay pawang nagkataon lamang. Hindi ako naniwala sa dalawang konseptong ito kasi kung nagkataon siguro hanggang ngayon, nag-aantay pa rin ako ng swerte at nagtataboy ng malas. Hindi ko minamasama ang may kasalungat na paniniwala. Nasa demokratikong bansa naman tayo. Parehong pinagtatrabahuhan ang dalawang ito. Nasa nagdadala lang yan. Sa konsepto ng malas at swerte pinaniwalaan ko ang sabi ng nanay ko, mag-ingat at 'wag kang tatanga tanga! Walang kinalaman ang friday the 13th.

Read more...

Monday, March 09, 2009

HOME-coming

Mahirap pala talaga iwanan ang isang bagay na matagal ng nakasanayan. Kahit saan ka man dalhin ng mga pagkakataon, ilang bago man ang maaring tikman, iba pa rin talaga ang dating ng nakagawian na at paulit-ulit itong hahanapin. Anlupit! Tunog komersyal.

Akala ko di na ako babalik. Para kasing naa-adopt ko na ang pagiging lurker. Parang mas okay yong nanahimik pero kapag pala talaga mahal mo ang isang bagay, mahirap pakawalan. Hindi ako nagbabagong anyo. Hindi kaya ng cheekbone ko.


Isa ito sa maaring mahirap na dadanasin ko. Wala rin kasing kasiguruhan na sa muling pagbalik ay meron pa akong babalikan. Pumila yata ang sandamakmak kong mga tagahanga sa burol ni Master Rapper kung kaya walang natira. Take note "mga tagahanga". Pero since kristiyano naman ako, magbabahagi syempre ako at isa pa, 'yon na lang ang tanging maibibigay ko kay Francis M. Pasalamat ko na din siguro dahil pangyayaring Francis M. ay naisipan kong magblog.


Hindi ko na rin ididetalye pa kung ano ang pinaggagawa ko sa loob ng isang buwan at mahigit na pagkawala pero yon na rin siguro ang isa sa mga boring days ko dito sa Geneva. Aside from sexlife, mostly inactive na at dahil don, para na akong butete ngayon na di mawalan walan ng hangin sa katawan. Hindi umobra ang soup diet at kung ano pang kaek-ekan para lang pumayat. Pero hindi pa naman ako hopeless na soon my fat belly will turn into a six-pack abs. Matatameme si abou ben kapag nakita niya ito.


And since blogista na uli ako, sa ngalan ng fat-belly-soon-to-be-abs ko, susubukan kong magblog ng may saysay.



Muni muni:


Paano kaya natitiis ng mga kababayan natin ang pumila ng kung gaano katagal at kahaba para lamang masulyapan si Master Rapper? Hindi rin ako sigurado kung si Francis M ba talaga ang pakay nila o nakikiusyuso lang din. Hindi rin ako sigurado kung may napapala ba sila sa pagpila at pagsulyap o kung meron ding nagrereklamo. Pero kung ako ang tatanungin, parang mali na yata. Nagtitiyaga sila pumila, nakikipagsiksikan para lang din usyusuhin at kung minsan okrayin ang itsura ng patay. Dispensa, pero ako kasi ang tao na walang patience pumila. Ewan ko ba. Pero kung talagang gustong nating alalahanin ang idolo natin kagaya ni Kiko, I would agree doon sa sinabi ng napakamartir na overworked kong kaibigan -- "mas gusto ko s'ya maalala as the king of rap kesa sa leukemia victim.." Very well said.






Read more...

Monday, February 02, 2009

T T Mo!

At dapat "T T Mo" na rin ako.

'Di ko alam kng paano masimulang magkwento sa inyo pagkatapos ng napakaiksing weekend ng walang halos tulog dahil sa pag-aalala sa karamdaman ng anak ko. Pero sana nga tuloy tuloy na ang pagbuti ng karamdaman niya. Akala mo naman sobrang ganun kalubha pero kahit ubo at sipon lang 'to, iba pa rin syempre na walang sakit.

Ang OA alam ko pero sinasabi ko sayo, try mo lang magkaanak at kapag nasa point ka na ganito, daig mo pa ang hitsura ni Bangkay after 3 days na walang masyadong tulog. Super OA uli. Anuba! Ubo nga lang yan e.

Sa ilang araw ng pananatili ko sa bahay, na sana wala ng extension pa dahil wala na akong kita at nag-aantay na naman ang mga resibo sa corkboard ko, nagkaroon ako ng oras na maalala ang mga taong ewan ko kung inaalala rin nila ako. 'Di talaga halata na wala akong pagkasenti at pure nag-u-OA lang ako pero looking at those old photos na talagang naging bahagi ng paglalakbay ko papunta rito, ako'y napapangiti at naalala ko ang mga epal na pagmumukha ng mga taong ito.



Syetness na memory lane to. Naalala ko sila. Ayaw bati. Anlakas mang-asaran. Walang araw na hindi mo marinig na hindi nagpipintasan -- sa kulay ng balat, sa istayl ng gupit -- na kahit saan mo naman tingnan ay halatang magkaiba. Dalawang taong minsang tunay na magkalapit sa isa't isa at sa puso ko rin. Tampulan pa ng tuksuhan ng barkada. Baka balang araw sila ay magkakatuluyan dahil sa asaran. Syempre, napakalakas na NEVER in capital letters ang sagot at ang tanging sagot uli sa kanilang dalawa, "the more you hate, the more you love."

Pero sinubok ng pagkakataon ang samahan na humantong sa seryosong pagkakagalit ng dalawang puso na dati'y nag-aasaran lamang. Mahirap talaga kapag may mga kapamilya ng nasasangkot. Ito ay dahil lamang sa mga "akalang" hindi nabigyan ng linaw dahil hindi na pinag-usapan dahilan para maging sarado ang mga isipan nila sa posibleng estado ng pag-aayos. Sayang pero lahat kaming mga nagmamahal sa kanila umaasa na maayos din ito -- sa tamang panahon.

Ang hirap malagay sa sitwasyon na kailangan mo lang maging balanse. Shock absorber -- ganun na lang at walang problema yon. Lagi akong /kaming makinig sa inyong mga hinaing at sama ng loob ninyong dalawa. Sa ngalan ng pagkakaibigan.


T T Mo!



Isa pa.



T T Mo!

Alam kong di ninyo maintindihan pero sana isipin ninyo ang mga pagkakataon na sana'y nagkasama tayo para lamang mamulutan ng mani at boy bawang sa gitna ng paulit ulit na kwentuhan at tawanan. Hindi ganitong pareho kayong nag-iiwasan. Sasabihin ko uli to, bidrs of the same feathers are the same birds. Ayusin na natin 'to para lahat happy.

T T Mo!



Oo.



It's TIME TO MOVE ON.









Read more...

Wednesday, January 28, 2009

UFO on Obama Inauguration

Just heared it over the news yesterday. Sort of interesting but I don't know if you will believe in it.

At dahil certified lurker ako, nakiisyuso na rin sa google.


Please check this video out:







Believe it or not.




Read more...

Monday, January 26, 2009

HULA

Happy Chinese New Year.

Sa lahat ng mga kapatid nating intsik at sa mga nag-iintsik-intsikan. Sana ay maabutan ninyo ako kahit tikoy man lang kahit na hindi ko ito gusto ay pipilitin kong kumain, swertehin lamang.



Sa pagpasok pa lang ng taon sa English calendar, kaliwa't kanan na ang mga gumagawa ng mga prediksyon at nanghuhula ng kapalaran at swerte ng isang tao. Mula sa mga pipitsuging tagabasa ng palad hanggang sa nangangarir ng feng shui na kung paniniwalaan mo ay maaring magdulot sa iyo ng pangamba. Kung kaya merong mga kung anong anik-anik na nagawa para pangotra nga malas, bad energies at bad vibes. Kung tutuusin kaechusan lamang mga ito at nagawa pa tuloy na pagkakakitaan ng ilan sa mga vibes reader.



Naniniwala ka ba sa swerte?



Minsan kong narinig sa dating barbero ko na wala daw na bagay na tinatawag na swerte. Di ko alam ang ibig niyang sabihin pero kadalasan ito ang inaasahan ng marami lalo sa ating mga Pinoy. Inaasa ang kahihitnan ng buhay sa maaring swerte na sasapitin na kahit malas na ang nangyari ay sasabihin pa ring:



"...kung 'yan ang swerte nya."



Sa mga prediksyon na ginagawa, mayroong mga nagsasabi na swerte ang ganitong zodiac sa ngayong taon, na swerte ang mga kulay na ganito sa ngayong taon etc..etc..Hindi ko alam pero kailanman ay hindi ako nakukumbinsing maniwala sa mga ganitong kalokohan lalo na kung isang katulad ni Madam Auring ang nagsasabi nito. Sa coincidence siguro pwede pa. Kung kaya hindi rin maiiwasang may mga taong mag-antay na lamang na dumating ang grasya sa kanila kahit na walang ginagawa kasi sabi ng mga manghuhula, suswertehin daw sila. Umaasang mananalo sa lotto gayong hindi naman sya tumataya, nag-iexpect na mapromote gayong madalas naman di pumapasok, gustong magka-jowa na di naman nanliligaw. Umaasa talaga sa swerte na sinasabi sa hula.


Ang swerte ng tao ay hindi dumadating ng kusa. Pinaghihirapan pa din ito para makamit. Ang mga oportunidad na dumadating sa tao na tinatrabaho ay siguradong may swerte at kapag pinalagpas, katangahan na 'yon. Kaya nga lahat ng ito ay puro prediksyon at hula lamang dahil kung ang lahat ng mga "hula" na ito ay nagkakatotoo, sana taun-taon na lang magpapahula. Huwag nating seryusohin bagkus, gawin lamang nating gabay sa araw-araw na buhay.


Bottom line is, nasa atin pa ring mga kamay nakasalalay ang pagbabago ng ating buhay at ito ay di hinuhulaan kundi pinagtatrabahuhan.





kung hei fat choi!





Read more...

Sunday, January 25, 2009

SUICIDE | Re-Entry


Live or die?

Kadalasang bukambibig ng karamihan sa atin ang kagustuhang mamatay kapag dumadanas ang isang tao ng matinding kalungkutan at depresyon sa buhay dala ng pagkawala ng isang minamahal sa buhay, matinding kahirapan, kabiguan sa pag-ibig kawalan ng pera, pagkabangag sa droga at kung minsan dahil lamang sa simpleng selos. Bukambibig lang ba ito o talagang may halong seryosong intensyon.

Sa panahon ngayon, mahirap na ang magsabing:


"Gusto ko ng magpakamatay!"


dahil pwedeng pwede mo ng gawin ito at kung gusto mo pa ay meron ka pang instruction kung papano gawin na para ka ring manganganak, although di ko pa naranasan ang manganak, normal ba o painless.

Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng antas ng pagkamatay lalo na dito sa Europa ang pagpapatiwakal o suicide. Ayon kay Aling Wiki, ito ay ang pagkitil ng sariling buhay ng isang tao na maaring dulot ng maraming bagay tulad ng depresyon, kahihiyan o anumang di kanais nais sa buhay ng isang tao. At dito nga sa Europa ay mabilis ang pagtaas ng bilang dito na kadalang ginagawa ng mga kabataan mula 15 pataas. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng kaunlaran ng sibilisasyon sa kabihasnang ito, mayroon pa rin ganitong mga pangyayari at mga kabataan pa ang gumagawa. Ito ba ay trip - trip lang o sadyang mayroong malalim na dahilan.

Naalala ko, laman ng mga pahayagan noong mga nakaraang buwan ang ganitong uri ng insidente na nangyari sa UK. Sa murang edad nila, di ko maiwasang magtanong.


"Bakit?"


Sagana naman sila sa lahat. Pwede naman silang magkaroon ng kung anuman ang gugustuhin nila. Pwede naman silang magdrugs ng lantaran. Hindi naman bawal ang makipagtalik sa kanila basta alam mo kung papano kontrolin. Hindi naman sila nagrereklamo ng hirap sa buhay. May kulang pa ba sa buhay nila?

Ang sabi ng karamihan ng may alam sa mga kasong ganito dito sa Geneva, dahil daw sa depresyon. Ayan ha. Nakakadepress tumira sa Europe. Pabor lang ito sa mga bata na wala pang alam sa mga gimikan at mga "tanders" na nagpipension. Pero pag nasa prime age ka, magliwaliw ka sa ibang lugar. Ganyan sila mag-isip.

Sa Pilipinas ay meron din naitala na mga kaso ng pagpapatiwakal at kadalasan kabataan din ang gumagawa mula 15 pataas. Ito ayon sa datus ng WHO, Geneva as of 1993 updated on 2004. Nakakaalarma at hindi rin dapat pinapawalang bahala. Ibig sabihin ba nito nakikiuso na rin ang mga kabataang Pinoy. Ano to i-pod? Di na ao magtataka na darating ang panahon kung kelan ordinaryong usapan na lang ang pagpapatiwakal. Yong tipong ganito:


"Busy ka ba? Pakilaslas mo naman tong pulso ko."


O di kaya:


"Manong, pabiling lubid. 'Yong matibay na pambigti."


O makikita mo na lang na nagtutusukan ng bar-b-q stick sa mata na parang naglalaro lang ng jackstone. Para bang walang kakwenta kwenta ang buhay sa kanila.

Ang daming nagsisikap para mabuhay. Nagtitiis ng hirap dahil umaasang giginhawa at nagpipilit bumangon mula sa pagkadapa para mabigyan at mapagtanto ang tunay na pakahulugan ng buhay sa kanila at kung ano ang layunin nila sa buhay. Bakit sinasayang ng iba ito? Matapang kang duwag. Alam mo na yon kung bakit.

Bakit ko naisip ang mga ito?

Sa pagsisimula kasi ng linggong ito, isang balita ang natanggap ko. Nagbigti daw ang asawa ng pinsan kong nasa HongKong. Nagulat ako at nakaramdam ng galit kahit dedo na ang asawa ng pinsan ko dahil sa 3 bata na iniwan niya. Di ko rin magets kung bakit nya nagawa yon at di ko rin kayang ipaliwanag pa kung ano ang naiisip nya nang mga sandaling iyon. Iniimagine ko na lang kung anong hitsura nya sa kabaong na may marka ng lubid sa leeg.

Sa lahat ng ito, isa lang ang tanging reaction ko sa ngayon.


Tsk..tsk..tsk..!




*salamat Manong Google sa photo




Paunawa:


Ito ay bahagi pa rin ng pagsasaayos na nagaganap sa blog na ito.


JoShMaRie said...
live or die? masa masarap pa rin ang mabuhay...
January 22, 2009 3:51 AM


lucas said...
hays...life is so good...natural na yung mga ganun pero it's not enough para magpatiwakal..hehe..pero minsan naisip ko din yan..haha
January 22, 2009 6:01 AM


Abou said...
gusto ko din maka hiligan yang suicide. kasi baka mag reincarnate akong mayaman.yun lang.
January 22, 2009 11:52 AM


ZsaZsa said...
natatawa ako sa comment ni abou. naisip ko tuloy ngayon, sana ako din ma reincarnate na mayaman. so sad naman, i send my deepest condolences to your cousin and the rest of your family. kawawa nga naman mga anak nya.

minsan kuya ponchong, may mga panahon talaga sa buhay na nanaisin mong magpakamatay. nangyari yan sakin, kamakailan lang. mga three months ago. pero salamat kay Lord dahil may control pa ko sa buhay at pagiisip ko. dahil naisip ko, problema lang yun, marami pa kong hindi nagagawa sa buhay bakit ako magpapakamatay dahil sa problema?chaka na ko magpa-pakamatay kapag guguho na ang mundo.

nami-miss ko mag-comment dito, nagbabasa naman talaga ako ng blog mo, sa bloglines nga lang, kaya di ako nakapag comment. ehehehe.bubuksan ko na rin blog ko. balang araw. mmwahugsz.
January 22, 2009 7:11 PM


yin said...
minsan may mga dumadating sa buhay na mapapaisip ka ng ganyan, swerte kung maisip mong uminom ng kape o extra joss sa mga oras na yun at magising utak mo.. lakas ng loob.
January 23, 2009 8:05 AM


palagpat said...
patay kung patay... tutal law-ay. wehehe
January 23, 2009 6:40 PM


Nebz said...
we are born to be alive!yokong ipsycho-analyze ung mga suicides. pero lahat naman ng tao me suicidal tendency.kaya abou, kapag nag-reincarnate kang mayaman, remember me...ha...







Read more...