Happy Chinese New Year.
Sa lahat ng mga kapatid nating intsik at sa mga nag-iintsik-intsikan. Sana ay maabutan ninyo ako kahit tikoy man lang kahit na hindi ko ito gusto ay pipilitin kong kumain, swertehin lamang.
Sa pagpasok pa lang ng taon sa English calendar, kaliwa't kanan na ang mga gumagawa ng mga prediksyon at nanghuhula ng kapalaran at swerte ng isang tao. Mula sa mga pipitsuging tagabasa ng palad hanggang sa nangangarir ng feng shui na kung paniniwalaan mo ay maaring magdulot sa iyo ng pangamba. Kung kaya merong mga kung anong anik-anik na nagawa para pangotra nga malas, bad energies at bad vibes. Kung tutuusin kaechusan lamang mga ito at nagawa pa tuloy na pagkakakitaan ng ilan sa mga vibes reader.
Naniniwala ka ba sa swerte?
Minsan kong narinig sa dating barbero ko na wala daw na bagay na tinatawag na swerte. Di ko alam ang ibig niyang sabihin pero kadalasan ito ang inaasahan ng marami lalo sa ating mga Pinoy. Inaasa ang kahihitnan ng buhay sa maaring swerte na sasapitin na kahit malas na ang nangyari ay sasabihin pa ring:
"...kung 'yan ang swerte nya."
Sa mga prediksyon na ginagawa, mayroong mga nagsasabi na swerte ang ganitong zodiac sa ngayong taon, na swerte ang mga kulay na ganito sa ngayong taon etc..etc..Hindi ko alam pero kailanman ay hindi ako nakukumbinsing maniwala sa mga ganitong kalokohan lalo na kung isang katulad ni Madam Auring ang nagsasabi nito. Sa coincidence siguro pwede pa. Kung kaya hindi rin maiiwasang may mga taong mag-antay na lamang na dumating ang grasya sa kanila kahit na walang ginagawa kasi sabi ng mga manghuhula, suswertehin daw sila. Umaasang mananalo sa lotto gayong hindi naman sya tumataya, nag-iexpect na mapromote gayong madalas naman di pumapasok, gustong magka-jowa na di naman nanliligaw. Umaasa talaga sa swerte na sinasabi sa hula.
Ang swerte ng tao ay hindi dumadating ng kusa. Pinaghihirapan pa din ito para makamit. Ang mga oportunidad na dumadating sa tao na tinatrabaho ay siguradong may swerte at kapag pinalagpas, katangahan na 'yon. Kaya nga lahat ng ito ay puro prediksyon at hula lamang dahil kung ang lahat ng mga "hula" na ito ay nagkakatotoo, sana taun-taon na lang magpapahula. Huwag nating seryusohin bagkus, gawin lamang nating gabay sa araw-araw na buhay.
Bottom line is, nasa atin pa ring mga kamay nakasalalay ang pagbabago ng ating buhay at ito ay di hinuhulaan kundi pinagtatrabahuhan.
kung hei fat choi!
6 comments:
happy chekwa new year!!!
happy chinese new year kuya!
ang dami namang dapat sundin paa swertihin! magastos kaya! haha
kahit year ko na, sabi hindi rin daw ako ganung kaswerte this year.
san ka pa?
iba pa rin yung nagsisipag ka. tingin mko mas may mararating tau dun! hehe
ingats jan kuya. wag magalaga ng sipon!
mas naniniwala ako ke madam auring.
yun lang.
hindi ako naniniwala sa mga ganun.
Everything is ordained by God.
@madjik .. tikoy..tikoy!
@ced .. sa pampaswerte pa lang mamalasin ka na.
kung hei fat choy.
@abou .. obvious kasi pareho kayong may asim pa. LoL!
@lucas .. korek. mas panoiniwalaan ko rin si GOD. see, hindi ako atheist tulad ng sinasabi ng iba.
Post a Comment