Demo Site

Monday, March 09, 2009

HOME-coming

Mahirap pala talaga iwanan ang isang bagay na matagal ng nakasanayan. Kahit saan ka man dalhin ng mga pagkakataon, ilang bago man ang maaring tikman, iba pa rin talaga ang dating ng nakagawian na at paulit-ulit itong hahanapin. Anlupit! Tunog komersyal.

Akala ko di na ako babalik. Para kasing naa-adopt ko na ang pagiging lurker. Parang mas okay yong nanahimik pero kapag pala talaga mahal mo ang isang bagay, mahirap pakawalan. Hindi ako nagbabagong anyo. Hindi kaya ng cheekbone ko.


Isa ito sa maaring mahirap na dadanasin ko. Wala rin kasing kasiguruhan na sa muling pagbalik ay meron pa akong babalikan. Pumila yata ang sandamakmak kong mga tagahanga sa burol ni Master Rapper kung kaya walang natira. Take note "mga tagahanga". Pero since kristiyano naman ako, magbabahagi syempre ako at isa pa, 'yon na lang ang tanging maibibigay ko kay Francis M. Pasalamat ko na din siguro dahil pangyayaring Francis M. ay naisipan kong magblog.


Hindi ko na rin ididetalye pa kung ano ang pinaggagawa ko sa loob ng isang buwan at mahigit na pagkawala pero yon na rin siguro ang isa sa mga boring days ko dito sa Geneva. Aside from sexlife, mostly inactive na at dahil don, para na akong butete ngayon na di mawalan walan ng hangin sa katawan. Hindi umobra ang soup diet at kung ano pang kaek-ekan para lang pumayat. Pero hindi pa naman ako hopeless na soon my fat belly will turn into a six-pack abs. Matatameme si abou ben kapag nakita niya ito.


And since blogista na uli ako, sa ngalan ng fat-belly-soon-to-be-abs ko, susubukan kong magblog ng may saysay.



Muni muni:


Paano kaya natitiis ng mga kababayan natin ang pumila ng kung gaano katagal at kahaba para lamang masulyapan si Master Rapper? Hindi rin ako sigurado kung si Francis M ba talaga ang pakay nila o nakikiusyuso lang din. Hindi rin ako sigurado kung may napapala ba sila sa pagpila at pagsulyap o kung meron ding nagrereklamo. Pero kung ako ang tatanungin, parang mali na yata. Nagtitiyaga sila pumila, nakikipagsiksikan para lang din usyusuhin at kung minsan okrayin ang itsura ng patay. Dispensa, pero ako kasi ang tao na walang patience pumila. Ewan ko ba. Pero kung talagang gustong nating alalahanin ang idolo natin kagaya ni Kiko, I would agree doon sa sinabi ng napakamartir na overworked kong kaibigan -- "mas gusto ko s'ya maalala as the king of rap kesa sa leukemia victim.." Very well said.





16 comments:

yAnaH said...

pinoys will always be pinoys.. hindi na natin maiaalis sa mga pinoy ang pagiing usisero. kahit ako alam ko may angking kachismosahan ako pero iba-ibang level nga lang yan. chismosa ako pero pasimple lang, hindi ako mag exert ng too much too much effort makasagap lang ng chismis. ahihihhihi. sa tingin ko nga ung ibang mga tao na nakikipila dun eh gusto lang makakita ng mga artista kaya nagtitiyaga.. sa aken kase kung talagang iniidolo nila si Francis M. the least they could do is just to pray. pray for his soul na lang. hindi ung pipila ka pa ng pagkahaba-haba para lang ano? para lang makita nila ng ilang minuto? di ko magets ang idea.. hehehe hindi rin akse ako tumitingin sa patay kaya di ko magets ung diea nila...

napadaan lang naman poh...
hehehe

madjik said...

nice abs!! :)

Abou said...

ang ganda ng wristwatch haha

penge relo!

Anonymous said...

At last you're back....namiss ko yung posts mo...=) (certified lurker ako)

Pinoy will always be pinoy...may kanya kanya tayong way to show our support sa iniidolo natin. Meron kasi sa atin na hndi kuntento sa panunood lang sa tv, mas masaya sila kapag makita yung iniidolo nila sa personal (kahit pa RIP na sya), achievement na yun para sa iba.

You've got a big tummy, huh! =)

Dear Hiraya said...

pareho tayo, ayaw na ayaw ko ang mahabang pila.. kaya nga kapag wala akong choice, madaling mag-init ang ulo ko. at mahirap akong paamuhin hahaha!

siguro, ganun lang talaga ang mga Pinoy. choice naman nila yun eh.

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

The Gasoline Dude™ said...

Nyahaha! P're, maliit pa 'yang beer belly mo. Pag nakita mo 'yung akin... = P

my-so-called-Quest said...

natuwa naman ako kay abou! syempre swiss watch yan! hihi


naku mas gusto ko po beer belly kesa sa baby fats ko. heheheh!
unahan tau mawala! hehe

ingats kuya!

lucas said...

Pero hindi pa naman ako hopeless na soon my fat belly will turn into a six-pack abs. Matatameme si abou ben kapag nakita niya ito.---MAGKAKA-ABS DIN TAYO! wahehe!

i agree with you. hindi nga ako sang-ayon na itelevise yung burol niya. i don't know. parang pinagkakitaan siya...hays...

ponCHONG said...

~yanah~ .. so next time try mo na ring tumingin s apatay baka marealize mo kung ano ang idea nila.

daan lang ng daan.

ponCHONG said...

madjik .. naman!

ponCHONG said...

abou .. i-share mo karma mo bigyan kita relo. hehehe...

helene .. ay naku helene,isa lang ang masasabi ko sa sinabi mo, "very well said."

ponCHONG said...

fjordz .. dapat pala lagi kang una sa pila para di uminit ulo mo.

gasul .. ibig sabihin mas malaking butete ka? peace! hehehe..

ponCHONG said...

ced .. aba, kelan ka pa nagkababy fats?

lucas .. fight for that abs. kaya ayoko kong mag-artista, pag namatay ako,pagkakakitaan din ng networks ang burol ko. ang tanong: may pipila ba?

Anonymous said...

parekoy, sinlaki yata tayo ng tiyan ahehehe. binili pa nga ako ni misis ng ab king pro nung isang taon pero di ko pa siya nagagamit hanggang ngayon

ponCHONG said...

madbong .. parang ititigil ko na ng ang ambisyong ko sa abs. di naman pala ako nag-iisa.

Anonymous said...

The King Casino - Herzaman in the Aztec City
The King Casino in Aztec City is the place where septcasino.com you herzamanindir.com/ can find and play for ventureberg.com/ real, gri-go.com real https://jancasino.com/review/merit-casino/ money. Enjoy a memorable stay at this one-of-a-kind casino