Wer na U? Dito na me.
Lumang jologs, ni hinidi man lang ako umabot sa lebel ng pagiging jejemon. Ibig sabihin, talagang walang ipinagbago.
Labinlimang buwan na pala yon at kung hindi dahil sa pagmamakaawa ni Ferberto (kulang na lang halikan nya ang mga paa ko) hindi ko na maisip siliping muli ang lugar kong ito. So di ba syempre, matagal ng hindi nagkaanuhan kaya dapat unang-una me ano yan.....kamustahan? Sa makabagong lipunan, pag nagsabi kang "kamusta?" me kasabay na beso. Ang beso sa Pinoy naging "bisous" sa Pranse. parang ako lang, bisaya. At dito sa Geneva, not one, not two but three time kang bibisou. As in like this...
"Hi!"
"çava?"
sabay mwah..mwah..mwah! kaya't kung bagong salta sa geneva ang kausap mo, mangangawit ang leeg mo sa kaaantay ng tatlong magkakasunod ng kiskisan ng pisngi. Tuloy, ang simpleng seryosong tanda ng pagtanggap sa isang tao ay nagiging katawatawa. Nawawala tuloy ang sense.
Bakit nga ba kamusta ang una nating binibitiwang salita kapag may nakasalubong tayong kakilala? Sinasabi lang ba ito kasi wala na tayong ibang maiisip na itanong o para lang may masabi tayo. At ano naman ang ini-expect nating sagot?
Inaasahan nating sagutin tayo ng " Okay lang","Ayos naman" kahit na halatang meron itong pinagdadaanan. Halata ko lang, tayong mga Pinoy ang malimit gumanon. parang nahihirapan tayong ipaalam sa iba ang nararamdaman natin gayong alam naman nating gustong gusto naman nating pinag-uusapan ang mga bagay bagay na nangyayari sa atin.
At kadalasan, meron pa yang kasunod. "Kamusta ka na? Ang ganda mo ngayon a!" Ang saya nya at di sya nakakaoffend. A so kahapon pala pangit ako. Kung minsan, sa kagustuhan nating i-flatter (oo tunog pinggan) ang kapwa natin, mas lalo pa ngang nakakainsulto ang kinalabasan.
Pwede rin ba kayang baguhin? Parang ganito. Imbis na kamusta...
"Virgin ka pa?"
"Tuli ka na?"
Para mas malaman kaagad ang kasunod na usapan. Uso na yan ngayon. Diretsahan ikanga.
Oo naman siguro, demokrasya naman tayo. Kanya kanyang trip lang yan basta igalang din natin ang opinyon ng iba at sisiguraduhin lang natin na walang maaapakan at masasaktan sa gagawin natin.
Ito ay isa lamang kuro kuro at pala-palagay. Nasa lipunan tayo na merong mga standards, at puno ng alituntunin. At kahit gasgas na ang linyang "kamusta?", mas madali pa ring itong mararamdaman ng ating kapwa basta ito ay puno ang sensiridad at galing sa puso.
Mula dito sa tahanan ng tsokolate at keso, kamusta na ka-blog?!
Bot Nulis Telegram
3 years ago
5 comments:
WELCOME BACK! Buti naman at nagbalik-blogging ka na! :)
kuya ponch! WB! :D
welkam back kuya george :)
hehe parang d2 sa Dubai, parang lahat e automated, "how are u agad" tapos pa, ni hindi mo naman din hihintayin ang sagot ng kinumusta mo, madalas ako pag tinanong ako ng ibang lahi ng ganyan, auto-sagot din ako "im good" kahit badtrip ako.. iba ibang lugar, iba-bang kaugalian.. un namang mga arabic, ganyan din beso, pero d2 madaming beso, o kaya naman un mga ilong nila, ang nagbebeso, pag bago ka talaga namang matatawa ka sa itsura nila. anyways...napadaan lang sa lungga mo... just shared.... at wb na din.. pa-add ha.. :)
welkam bak sa ating lahat....nakakamiss ang magcomment!
pasensya na at para kong nangangapa..
Post a Comment