Demo Site

Wednesday, August 22, 2007

idiotic FEET

I was really fascinated with life. I was now living my life, raising my family in a place far far away from home. My feet were now wandeing in a different soil, breathing the chilly air, sipping wine occasionally and sometimes taking my caramel macchiato at Starbucks here in the city of Geneva. 'Di ko din maimagine na dati I was walking along with my classmates going home from school and just talking about..a..uhmm..having a double wedding and sometimes, revealing our "hula" that I will get married at the age of 32 pero 25 years pa lang ako natali na, and now, a father and happy.

Iba't ibang daanan na din ang naranasan ng aking mga paa. Dati rati, alikabok, putik, bato at kung anu ano pa ang palaging naapakan nito habang nilalakad namin ng mga kaibigan ko ang daan pauwi galing paaralan suot ang pudpod na sapatos na 'di mapalitpalitan kasi walang pambili at kung minsan, lumang tsinelas. Tsk..tsk..tsk..kaya tuloy ang kapal ng mga kalyo nya. But because of this life, I began to dream that someday, my feet will land of a smooth alley, 'yong hindi sya masyadong masasaktan at may mas desenteng suot na. And it was happening now.


Kaya lang, marahil, dahil sa sobrang gamit na din sa kanya, napapagod na din kung minsan at katulad din sa makina e, nagkakatrouble din. Medyo sinusumpong na s'ya ngayon ng sakit. Ganon lang talaga siguro.


My wife would always tease me that I have an ugly feet. Hehe...di na lang ako iimik (halatang takot sa asawa). Ugly na kung ugly pero this is one of a kind sa mundo. And I am very proud of having it. Minana kaya 'to ng anak ko.


Mga kaberks, sometimes, there are moments when we are not sure if we are taking the right way as we are journeying life. Just let your heart decide with mind and your feet will lead you to the right way. Just think GOD.

No comments: