Demo Site

Tuesday, January 29, 2008

iniHOW at maskiPOPS

Alas dose na ng madaling araw. Pinipigil ko ang antok ko. Nakahilata na sa kama ang mag-ina ko na hindi naman ako masyadon naiinggit kasi sarap sarap silang kayakap ang mga unan habang balot ng makapal na kumot (duvet 'yan sa french) . Palibhasa, winter pa din. Whewww....nakakasawa na ang lamig. Naglalabasan na ang mga rayuma ko at paminsan minsan arthritis. Pero sigurado ako, 'di lang ako ang may ganitong nararamdaman dito.

Wala akong kinita ngayon. Walang trabaho. Parang dyipni drayber na 'di umabot ng bawnderi ang kinita. Nakilaban pa sa lamig sa labas. Pero sige lang, magbabakasakali uli bukas pagkatapos kung mag-ulam kanina ng ginataang munggo na may kasamang bagoong na hipon. Hmmm...ewan lang sa rayuma. Para lang makatipid. Sayang din 'yon pandagdag sa paggawa g haligi ng silungan namin. Kaya , kalimutan muna ang wine at cheese, sardinas na muna tsaka bagoong ang uulamin.

Sa totoo lang, wala naman akong interesting na isusulat ngayon (lagi naman e) pero trip ko lang tumipa. Pandagdag sa posting. Umaasang may magbasa din ng blog ko. Yay!

Tahimik akong tao. Sentimental. Seryoso. Pero 'di naman laging bad trip. Sabi nga ng asawa ko minana daw ata ng anak namin ang ugali kong ito maliban pa sa hugis ng ulo. Kadalasan, nakikitawa lang (ng malakas), 'pag may topak, ngiti lang para 'di magmukhang suplado. Mahilig kumain kaya madalas tagaluto.

Tatlong taon na din ako dito sa Geneva, pero maliban sa mga kamag-anak ni Ningning, (na talagang marami), at mangilan ngilan na taga-amin, wala pa talaga akong kabarkadang Pinoy dito. Sabi nila, noong una (mga 80s) kukonti pa lang ang Pinoy dito kaya kung may makasabay ka man sa sakayan ng bus at ten o di kaya sa bilihan ng isda, hindi maputol putol na usapan maibsan lamang ang pangungulila. Iba na ngayon. 'Pag nakasalubong ka ng kababayanng Pinoy saan mang sulok dito, tipid na "hi" na may kasamang iwas ang ibibigay sa'yo. Kaya ako nagtataka. Ewan? Makaresearch nga.

O ayan, mag-aala una na.

Salamat sa pakikisama.

Kita tayo sa uli.

Read more...

Thursday, January 24, 2008

money MAKING

Napuyat ako kagabi updating my blog. Getting addict with these "widgets" whatever kaya excited na naman mabukasan how does it look like ngayon. Pero 'wag muna, I have something to do.
Today is
MY MONEY MAKING PROJECT.
Trabaho muna.
'Gandang morning sa lahat.

Read more...

Wednesday, January 23, 2008

au revoir, Heath..


HEATH LEDGER
(April 4, 1979 - January 22, 2008)

Read more...

i am ONE with YOU

Ako po'y nakikiisa sa panawagan ng isang kaibigan sa lahat ng mga Pandanon at mga Libertadnon na makakita ke Congressman Exequiel Javier at Governor Sally Perez ng Antique "to spit on their face." Because of their political rivalry and so-called "concern" to their constituents, eto ang bunga ng walang tigil nilang alitan.



Sila kaya ibaon dito?

For more infos and photos, please click this.



Read more...

in HER loving memory

Naaalala n'yo pa ba ito? Isa sa mga nakakagulat na balita noon 2001. Ako'y nagtitraining that time sa Star FM sa Kalibo nang biglang pumasok si Mike sa announcer's booth galing na sa siguro'y galing na sa pagkakatulog. And my initial reaction was "deadma" not until the next day na ganon pala ang impact ng insidenteng ito.


Pagkalipas ng mahigit pitong taon, tingnan n'yo, eto na s'ya ngayon:

USS New York

It was built with 24 tons of scrap steel from the World Trade Center. It is the fifth in a new class of warship - designed for missions that include special operations against terrorists. It will carry a crew of 360 sailors and 700 combat-ready Marines to be delivered ashore by helicopters and assault craft. Steel from the World Trade Center was melted down in a foundry in Amite , LA to cast the ship's bow section. When it was poured into the molds on Sept 9, 2003, "those big rough steelworkers treated it with total reverence," recalled Navy Capt. Kevin Wensing, who was there.

"It was a spiritual moment for everybody there." Junior Chavers, foundry operations manager, said that when the trade center steel first arrived, he touched it with his hand and the "hair on my neck stood up." "It had a big meaning to it for all of us," he said. "They knocked us down. They can't keep us down. We're going to be back."

The ship's motto? "Never Forget"

Thanks Kuya Rich.


Read more...

Wednesday, January 09, 2008

holiday HANGOVER

Tapos na ang maliligayang araw ng lahat. Balik sa normal ang lahat -- trabaho, eskwela, iskedyul ng bus, at syempre, swelduhan. Sabi nga ng iba "This is reality." Pero iba talaga epekto sa akin ng holiday. Kalimitan, stress. Kaya mas mainam pa na walang holiday. Butas ang bulsa kaya pagkatapos ng pasko at bagong taon para akong lalagnatin kasi walang pambayad sa bills sa bahay kaya kailangan na naman kumayod.

Mga dalawang linggo rin mahigit na medyo ganito ang sitwasyon. Masaya rin rin pero mas nakakapagod. Kunsabagay, sanay na din ako sa paguran.

Hmm..dahil sa dami ng kainan ngayong nakalipas na holiday -- ugali na din talaga ng Pilipino ang lumamon o ako lang -- medyo lumapad ako ng konti, di man masyadong halata kasi slight lang. Hindi ko na din alam kung puro kolesterol ba ang mga 'yon o simpleng organic din.

Kaya ang suma, idaan na lang sa utot. Harhar...

'Lang kwenta talaga.
Read more...

Tuesday, January 01, 2008

Happy ANNIVERSARY!



"I do."


It's just like yesterday, when Ningning and I made this vow to stay together for the rest of our life no matter how hard life will be. Eversthing started in 2004 when we were first introduced and from then on, after long time of keeping long distance love affair, we finally exchange "I do." in her hometown in Viga, Catanduanes, in the afternoon of New Year of 2005. It was rather very simple but very meaningful for both of US. And now, we are celebrating our third year anniversary, this time with our 18 months son. Time is flying so fast.







Read more...

HAPPY NEW YEAR TO ALL...

Wishing everyone all the best for 2008.

Bonne Seance!!!
Read more...