Alas dose na ng madaling araw. Pinipigil ko ang antok ko. Nakahilata na sa kama ang mag-ina ko na hindi naman ako masyadon naiinggit kasi sarap sarap silang kayakap ang mga unan habang balot ng makapal na kumot (duvet 'yan sa french) . Palibhasa, winter pa din. Whewww....nakakasawa na ang lamig. Naglalabasan na ang mga rayuma ko at paminsan minsan arthritis. Pero sigurado ako, 'di lang ako ang may ganitong nararamdaman dito.
Wala akong kinita ngayon. Walang trabaho. Parang dyipni drayber na 'di umabot ng bawnderi ang kinita. Nakilaban pa sa lamig sa labas. Pero sige lang, magbabakasakali uli bukas pagkatapos kung mag-ulam kanina ng ginataang munggo na may kasamang bagoong na hipon. Hmmm...ewan lang sa rayuma. Para lang makatipid. Sayang din 'yon pandagdag sa paggawa g haligi ng silungan namin. Kaya , kalimutan muna ang wine at cheese, sardinas na muna tsaka bagoong ang uulamin.
Sa totoo lang, wala naman akong interesting na isusulat ngayon (lagi naman e) pero trip ko lang tumipa. Pandagdag sa posting. Umaasang may magbasa din ng blog ko. Yay!
Tahimik akong tao. Sentimental. Seryoso. Pero 'di naman laging bad trip. Sabi nga ng asawa ko minana daw ata ng anak namin ang ugali kong ito maliban pa sa hugis ng ulo. Kadalasan, nakikitawa lang (ng malakas), 'pag may topak, ngiti lang para 'di magmukhang suplado. Mahilig kumain kaya madalas tagaluto.
Tatlong taon na din ako dito sa Geneva, pero maliban sa mga kamag-anak ni Ningning, (na talagang marami), at mangilan ngilan na taga-amin, wala pa talaga akong kabarkadang Pinoy dito. Sabi nila, noong una (mga 80s) kukonti pa lang ang Pinoy dito kaya kung may makasabay ka man sa sakayan ng bus at ten o di kaya sa bilihan ng isda, hindi maputol putol na usapan maibsan lamang ang pangungulila. Iba na ngayon. 'Pag nakasalubong ka ng kababayanng Pinoy saan mang sulok dito, tipid na "hi" na may kasamang iwas ang ibibigay sa'yo. Kaya ako nagtataka. Ewan? Makaresearch nga.
O ayan, mag-aala una na.
Salamat sa pakikisama.
Kita tayo sa uli.
No comments:
Post a Comment