Tapos na ang maliligayang araw ng lahat. Balik sa normal ang lahat -- trabaho, eskwela, iskedyul ng bus, at syempre, swelduhan. Sabi nga ng iba "This is reality." Pero iba talaga epekto sa akin ng holiday. Kalimitan, stress. Kaya mas mainam pa na walang holiday. Butas ang bulsa kaya pagkatapos ng pasko at bagong taon para akong lalagnatin kasi walang pambayad sa bills sa bahay kaya kailangan na naman kumayod.
Mga dalawang linggo rin mahigit na medyo ganito ang sitwasyon. Masaya rin rin pero mas nakakapagod. Kunsabagay, sanay na din ako sa paguran.
Hmm..dahil sa dami ng kainan ngayong nakalipas na holiday -- ugali na din talaga ng Pilipino ang lumamon o ako lang -- medyo lumapad ako ng konti, di man masyadong halata kasi slight lang. Hindi ko na din alam kung puro kolesterol ba ang mga 'yon o simpleng organic din.
Kaya ang suma, idaan na lang sa utot. Harhar...
'Lang kwenta talaga.
Bot Nulis Telegram
3 years ago
No comments:
Post a Comment