Demo Site

Monday, October 20, 2008

unTITLED

Inaamin ko medyo hindi maganda ang pinagdaanan ko ngayong mga nakaraang araw. Almost three weeks akong tuloy tuloy na nagtatrabaho as in walang weekends kung kaya in fairness sa sandamukal kung mga fans ay pormal akong nagpaalam para lumiban pansamantala at hindi totoo ang tsismis na nadawit ako sa kaso ni Cristy Fermin na napatawan ng supensyon ng ABS-CBN. (ang corny!) Salamat sa mga umunawa.

Talong linggo na halos masakit ang buong katawan ko at kung ilang araw na ring nakaupo sa inodoro habang nagbabasa ng dyaryo ang batang inakala ng ilan na anak ko. Pasensya na po pero katulad nga ng sabi ni MJ as in Manong Jacko: "...but that kid is not my son. (mais ce gamin n'est pas mon fils.)" Oha! Pranse kung pranse! Tila ba ubos na at talagang said na ang lahat ng lakas ko sa katawan. Pero parang hindi ko na ito nararamdaman. Mistulang limang galong epidural (di ko pa naranasan to) ang naiturok sa katawan ko para maging manhid ito sa kahit na anong pakiramdam. Teka, bakit ba ang emo-emo nito? Tapos na ang pakontes nila karmi at komski tungkol dito at ayan o, may badge ako. Third placer ang loko. Salamat Karmi at Komski kung sino man kayo.

Balik sa kaemohan, ang hirap ng buhay naming mga OFW. At aber, sino ba naman ang maniniwala sa amin. Tatlo ang pinag-aaral sa kolehiyo, may pinagawang bahay na dollar-funded na sana meron ako, may regular na allowance na tinatanggap ang mga kamag-anak. Asus! Kulang na lang e pinipitas ang piso sa puno. Pero sa totoo lang ang kakapal na ng kalyo sa kamay ng mga kumakayod na kababayan natin sa ibang bansa para sa naiwang pamilya sa Pilipinas. Lamig, init, banta sa kaligtasan, pagod at kung minsan pa nga gutom ang nararanasan ng mga OFW na kababayan natin ayon na rin sa kwento ng ilan. Lahat nagsasakripisyo, lahat nagtitipid mabigyan lang ng magandang buhay ang mga naiwang mahal sa buhay. Ang tanong: nasusulit naman ba kaya ito?

Nitong mga nakaraang linggo, nagulantang ang buong mundo sa matinding hagupit sa tumama sa pandaigdigang kalakalan. Keber naman ng ibang hindi nakakaintindi! Bagsak ang pandaigdigang ekonomiya. May mga bangkong napilitang magsara dahil sa pagkalugi. Marami ang nawalan ng trabaho at meron pang nangangambang mawalan. Noong nakaraang Biyernes, nagulat ako sa reaksyon ng isa kong employer. Hindi normal sa sistema nya ito pero ang aga nyang pumasok sa trabaho. May mga kliyente daw na hahabulin. Bilis siguro tumakbo. Masama daw kasi ang lagay ng stocks exchange. Ha? Ano may kanser? (corny alert uli) Pero pera na ang pinag-uusapan dito. Napag-iisip tuloy ako, pag nagkataon, matatanggap ko pa ba ang just compensation ko. Naku! Wala pa namang Imbestigador na sumbungan ng bayan daw dito. (corny uli). Naisip rin namin ang ipon namin sa Pilipinas. Sana huwag namang mangyari na bigla na lang maglaho ang pinaghirapan namin. Pero parang panatag naman kasi sila sa Pilipinas kaya kampante naman kami.

Pinatutunayan lang ng mga pangyayaring ito na sadyang mahirap na talaga ang buhay lalo na ang kumita ng pera. Hindi lang ito basta basta napupulot sa daan. Kailangan mong pagtrabahuhan. Kailangan paghirapan at kung minsan, may ilan ngang nagpapaka-alila na sa trabaho para lang kumita. At sa araw-araw na ginawa ng Diyos, umaasang may ginhawang naghihintay balang-araw.

Sa katulad kong OFW, malaking sakripisyo ang iwan ang magandang trabaho at pamilya sa Pilipinas kapalit ng mas malaking kikitain sa abroad. Walang naging madali sa alinman sa mga naging karanasan ko dito pero kung babalikan ko ang lahat mas pipiliin ko pa rin ang naging buhay ko ngayon lalo pa't mas lalo itong naging makabuluhan sa akin. Wala akong hindi kayang tiisin para sa mga hangarin sa buhay. Pagod man ang katawan ko, masigla naman ang puso ko dahil sa dalawang taong laging may pasalubong na ngiti sa aking pag-uwi.






16 comments:

Rio said...

saludo ako sa iyo,kuya..

The Gasoline Dude™ said...

Hay nako Ponchong! Sinabi mo pa! Kaya hindi muna ako mag-aasawa. Baka wala lang ako maipakain sa kanila sa hirap kumita ng pera.

Anonymous said...

hands down ako sa yo ponch!

lucas said...

congratulations! :) ahehehe! kaw pala yun? astig! :)

buti nagbalik ka na sa blogosperyo :)

mahirap nga buhay ngayon. mabuhay ka at ang mga OFW's :)

Anonymous said...

buti ka nga 3 weeks lang. ako 3 years na. hehe.

dumaat at nakibasa...

Anonymous said...

hehehe... antos gamay para sa pamilya... basta may opportunity, grab lang ng grab...

PoPoY said...

awwww. emo nga ang post ni kuya ponchi. wasus nanalo ka lang ng 3rd sa paemohan kontest eh kinakarir mo na talaga ang magpost ng emo hehehe.

pero ayun nga. u have purpose naman. at may bonus ka pang dalawang taong nagmamahal sau. bumabalanse lang ang lahat sa buhay mo kuya :)

yung MAPLE LEAVES ko? hahaha

my-so-called-Quest said...

welcome back kuya!
sobrang kasipagan naman yan. pero para naman sa family dba?

pahipahinga rin ng onti.
mahirap magkasakit ah.

congrats sa pagkapanalo=]

Anonymous said...

i like the irony of working abroad in order to sacrifice for the family, pero tingin ko mamamatay ako sa LUNGKOT.

Nice article. I love your cynicism.

-sarah favila

Chiz said...

Hahaha, galing.. visit my blog rin..


http://pinoykritik.blogspot.com/

ponCHONG said...

@ rio .. talaga ha doc.

@ gas dude .. e kelan ka mag-aasawa? baka lalong wala kang mapakain sa magiging pamilya kng patatagalin mo pa.

ponCHONG said...

@ alex .. itaas mo kamay mo at kakamayan kita.

@ ron .. congrats din sayo. akala ko tuluyan ka nilang i disqualify.

mas mahirap maging OFW kesa sa buhay. teka ano ba ang gulo!

ponCHONG said...

@ joshmarie .. ay salamat at sana bumalik ka. sa susunod may give away ako sa mga first timer.

@ palagpat .. wala ta mahimo kundi mag-antos. hala ti ikaw da antos man.

ponCHONG said...

@ popoy .. nagtatry akong magsave ng maple leaf dito sa bahay pero pag-uwi ko nasa basurahan na. tinatapon ng asawa ko akala basura.

@ ced .. lahat naman ng ginagawa kong ito para sa mga kapamilya, pasensya na kung kapuso ka.

ponCHONG said...

@ sarah .. nakakalungkot talaga lalo na sa umpisa.

@ eagle-eyed .. pwera bisita..pwera bisita...JOKE!

lucas said...

wala kang bagong post. mukhang busing busy ka ha? ehehe!

---

oo kaya! maxadong malikot kasi ang mga imahinasyon ng mga bata. but of the time teir innocence makes enables them to ask the most simplest and fundamental truths. corrupted na kasi tayong matatanda. hehehe!