Demo Site

Wednesday, October 29, 2008

what will I miss when I DIE?

As usual, nagtatanong na naman.

Bigla akong napa-pause sa aking ginagawa ng makita ko ang pamagat ng artikulong ito sa journal na nakakalat sa bookshelves ng amo ko. Emotera din pala ang babaeng ito. Pero sa pagkakasuri ko medyo may kalumaan na din ang article nya na yon at dahil hindi ako likas na tsismoso, mabilisan ko itong binasa. Talagang mabilis lang na hindi ko masyadong naintindihan. My point is, natinag lang ako don sa title.




Hindi dahil malapit na ang Araw ng mg Patay kaya ang senti-senti ko. Hindi nga ito idinidiwang dito kaya ikaw na ang bahala kung saang sulok ka ng bahay magsisiga ng kandila para sa mga dedong mahal sa buhay.



Nagsisimula ang araw ko sa isang tasang kape pagkatapos maligo. Mas masarap kapag espresso pero parang hindi bagay kapag sobrang aga kaya instant na lang kung minsan. Early riser ako kasi nga daw early bird catches the worm. At kahit nagyeyelo sa labas ay kailangang maghanap ng worm. Mag-aantay ng bus, makipagpalitan minsan ng hello sa kapwa Pinoy at kapag hindi masarap ang timpla ng kapeng nainum, pasensya na kung deadma sila kung minsan. Masayahin akong tao. Minsan topakin pero madalas matino mag-isip. (hmmm?) Bobo sa numero pero marunong magbilang. Hindi mahilig mag-excercise pero nakagawian na ang makipaghabulan sa schedule ng bus. Ilan lamang yan sa mga paradox ng buhay ko. 'Yong iba sa akin na yon. Pero kung sanggang dikit tayo, pakiusap, walang laglagan.



Dalawang taon na ang anak ko. Nakikitaan na at nagpapakita ng maraming bagay na maaring ikainis at ikatuwa. Kumbaga sa aso, madaling matuto ng mga bagong tricks and you will certainly love him kapag nagpakitang gilas. Syempre mas magaling sa aso ang anak ko. Hindi pwedeng buo ang umaga ko bago umalis para maghanap ng worm sa maghapon kung hindi ko marinig ang mga linyang:


"Ba-bye Papa. See you later Papa."




Sabay big hug na may kasamang halik. Oaw! Kung hindi ka ba naman gaganahan magtrabaho nyan at maexcite na maging hapon na para sunduin sa créche nya at para ipagluto ng kanyang dinner. At ang bonding time, sasamahan syang manood ng DVD. After this season, we will train him to use the potty. This is the joy of FATHERHOOD.



Minsan ko na ring nai-post ang love story ko dito. Hindi iyon super fantasy na with matching fairy tales o kung anumang pa mang kaeklatan pero I always wanted to remember those things and how I finally win my, now, wife. I have all these standards before na kapag manligaw ako kailangan 'yong mga tipong KC Concepcion and may I say wala sa kalingkingan nya si KC. 'Yon nga lang hindi lang sya kasing "exposed" (in qoutation mark) ni KC. Walang hilig sa kusina pero one thing na sobrang gusto ko sa kanya ay 'yong interest n'ya at karunungan sa paghandle ng bata. Kumbaga, alam n'ya ang mga do's and dont's pagdating sa childcare na kadalasan nawawala sa sistema ng typical na Pinoy. Isama mo pa don syempre ang sarap kapag may lambingan. Usapang matino ito. Kaya naman iba pa rin talaga na may nanay sa bahay. At syempre, yong ibang saya na nararamdaman kasi alam kong sa lahat ng bagay na pagdadaanan sa buhay, hindi ako nag-iisa. This is the joy of being a HUSBAND.



Noong nakaraang dalawang linggo, nagdiwang ng 65th birthday ang tatay. Malas ko nga lang at dahil kais sobrang abala ko sa trabaho nakaligtaan kong tawagan at batiin . Kung kaya sabi nga, huli man daw a magaling ay naihahabol din, kinausap ko sya last weekend at nagkataon din ako sa akas na batiin sya. Sabi ko nga sa nakaraang entries ko dito, masyado marami akong pinagdaanan sa tatay ko na kung babalikan ko pa at isa-isahin kulang ang salitang salamat para sa lahat ng kabutihang ginawa nya sa amin. May mga pagkakataong nagtampo pero sa tuwing naisip ko din ang mga sakripisyo nya para sa aming pamilya nya, yon ang huling dapat kong gawin sa kanya. At sa huling pag-uusap namin, ibang level ang naging usapan. Palitan ng kuro-kuro, pala-palagay at opinyon tungkol sa kasalukuyang pangyayari -- global economic crisis. Oha! Gulat ang kapatid ko ng ibalita ko ito. Baka sa susunod kong tawag, si Jocjoc Bolante naman ang pag-usapan namin. Iba talaga ang may pinagmanahan. Ito lang din ang ipinapasalamat ko, na in a way, at least, I am giving them comfort na hindi nila naranasan noon and I have the chance of doing it habang buhay pa sila. This is the joy of being a SON.



Maliban sa pamilya, malaki ring ang utang na loob ko sa mga taong hindi ko naman kaano-ano pero itinuring nila akong bahagi na rin ng kanilang sarili. Lahat naman tayo, alam ko, lumaki na may itinuturing na bespren o besprens pa nga. Yong kahati mo sa baon, kasabwat sa paninenok ng tsitsirya sa tindahan, kopyahan ng asignment, taga-gawa ng thesis, tagapagpaalam sa magulang kapag sa tingin ay ayaw payagang pumunta sa sayawan kapag si crush ang kasama, tagabitbit ng bag, katagayan sa inuman at kung minsan, pwede mong hiraman ng brip. Sila rin ang mga taong minsang tagabatok sa kin kapag medyo kailangan kong magising at laging naandyan lang kapag feeling ko lahat iniwan ako. Andrama pero ngayon ko din napagtanto kong gaano sila kahalaga sa akin at ganon din pala ako sa kanila. At alam, dahil sa kanila, maswerte din ako. This is the joy of being a FRIEND.



Halata ko na. Hindi talaga ako emotero. Wala sa balat ko yon. Pero since, natinag ako sa tanong na ito, I almost feel like I'm a dying person. Well, di rin ako sigurado kung ganito rin ba ang pag-iisip ng isang malapit ng mamatay. Lahat naman taya doon ang tungo -- sa kamatayan. At ang mahalagang bagay siguro na maaring ituro at matutunan natin sa buhay ay kung paano natin pahalagahan ang kasalukuyan. Sabi nga ng isang madaldal ng talk show host:


"...sometimes, we can only appreciate the value of someone or something when they're gone."


At sa tanong na what will I miss when I die, it will certainly be the things that I miss.




back to the TOP!





16 comments:

Anonymous said...

very touching entry ponch!!!

galeng

na emo tuloy ako

Anonymous said...

made me appreciate people more

Rio said...

hay...galing..

a loving wife
a cute baby
a loyal friends
a supporting family....

astig,,,parang wala ka ng mahihiling pa...=P

happy halloween po

The Gasoline Dude™ said...

Ang pagba-blog, hindi mo mami-miss? Hehe. = P

Kaka-touch ang entry mo, Parekoy. Maswerte ang mga taong nabanggit mo kasi inihahayag mo dito ang appreciation mo sa kanila.

my-so-called-Quest said...

awww!
astig kuya!

ponCHONG said...

@ alex .. nakakahawa ba ang pagiging emo.

@ doc. rio .. kmpleto na yan doc.

Lol..

happy halloween din sayo!

ponCHONG said...

@ gas dude .. mamimiss?..slight!
tama lang din siuro na at one point sa buhay ko/natin maiparating natin s knila how grateful I am / we are having them.

@ ced..awwwrrr!

Dhianz said...

isa ka ren sa magagaling na manunulat nang blog... i luv ur post... like they said itz a very touchin' entry...

totoo nga mnsan maapreciate moh lang ang mga things at tao kapag walah nah...

so y not habang nandi2 sila i-appreciate moh devah... =)

wow tiga-switzerland ka palah... i hope i spelled dat right... hehe... pangarap koh makarating dyan... ganda raw dyan ah... =)

sige hanggang sa muli...

have a nice day!

GODBLESS! -di

p.s. oh yeah sobrang nakakatuwa tlgah ang mga bata specially around dat toddler age.. sobrang cute... nd titignan moh silah ang simple simple nang buhay...

lucas said...

hays...nakakatouch naman... :) naiisip ko din tong mga bagay na to. mamamatay naman kasi tayo una unahan lang. ito yung mga talagang nakakamiss kasi sila yung talagang nagdudulot ng tunay na saya :)

---
nako yung nga yung plano kong bilihin eh! hehe! naaadik ako sa mystery novels dahil kay brown...maganda daw yun...

are you kidding me? sa tuwing nakakakia ako ng painting ng las supper bigla na sang akong mag-eexplain in thin air lalo na sa mga taong hindi aware sa da vinci code. hehehe@!

Anonymous said...

langya, nanikip lalamunan ko sa pagkatouched.ü

may snow na ba dyan, ponch? natunaw na dito samen ang snow pero puti pa rin ang mga bundok.

singit ko lang ang kasabihang ito.

"Early worm is always caught by the early bird." üüü

God bless!

Abou said...

nano ra? may taning ka eon ay?

PoPoY said...

what an entry. one of ur best piece so far. :)

alam ko may pinagdadaanan ka ngayon kuya ponchong.

Dasal lang at manalig ka.

ponCHONG said...

@dhianz .. salamat for appreciating my work. sana mamaintain ko ang impression mo.

pressured!

@ ron.. i now know the title of that other book. "LABYRINTH" pero di ko na gets ang author.

for sure ilang araw ka ring magkakaroon ng angels and demons hang over nya.

ponCHONG said...

@ utoy .. yon ba ang tamang kasabihan? oo, meron na snow dito pero sa alps wala pa dito leman.

@ abou .. premonition to.

@ popoy .. thanks poy.

Anonymous said...

kagabi lang naisip ko nang mamatay dahil nag-away kami ni mr..
at lalo na ngayong autumn, 2pm palng e madilim na,malamig na maulan pa, nakakadepress!..
mas ok pa nga ang winter may snow at puti ang paligid...
..but i was thinking, paano na mga anak ko pag wala n c mommy, mga bata pa cila at mas kelangan nila ako.. cila ang una ko mamimiss...
siguro pag hindi na ako galit sa mr ko cya the next..
pag dito ako abroad mamatay..
ang pinas mamimiss ko din..iba parin sa pinas e, masaya..
congrats pla ponch 3rd placer ka,
galing mo kasi...

Anonymous said...

Akala ko Fic SUre ng EDSA yun mga kandila pala...