Sigurado akong walang hindi gusto ito kahit sinasabi pa nyang bawal sa kanya ang matamis. Sino ba ang makakatanggi sa lakas ng pang-akit nito. Nakaka-arouse ng taste buds at di mo na mamalayan, napatikim ka na tapos isa pa at isa pa at isa pa nga hanggang naubos na ang isang supot at kulang pa.
Sa mga espesyal na panahon malimit na bitbit ito. Pasalubong kadalasan maliban siguro kapag Araw ng mga Patay. At kung sa mga nang-iirog, props din ito para mapasagot ang nililigawan o kung minsan, pampalubag loob kapag halatang guilty. Parehong di ko pa nasubukan ang alinman sa dalawa. At dahil papalapit na ang Pasko, mabentang panregalo ito.
Kapag tsokolate ang pag-uusapan, una sa listahan ang Switzerland. Pinakakilala ito sa mga sikat na brand ng mga chocolates -- Cailler, Frey, Lindt, Toblerone. Iilan lamang ito sa mga nakikita natin sa mga px goods section sa mga department store sa atin pero dito sa Geneva, meron pang nga chocolaterie na neg-iexist na talagang ibang klase ang mga tsokolate. Kung gusto mong may wine, chilli or orange flavored, black or pure, magsasawa ka. Chocolat a la maison. Gawa ng mga expert na chocolate makers. At dahil magpapasko, ito at bumabaha mga chocolat a la maison.
At ang pinakapaborito ko sa lahat, ang Rafaello -- white chocolate na may almond nut sa loob rolled over coconut. Teka, hindi ito Italian chocolate to a.
O ayan, naglalaway ka na ano?
11 comments:
hindi ako mahilsokolate, isang bar lang ata nauubos ko sa isang araw e.. hey, lumipat na nga pala ako.. hehe... bumisita lang ako.. hehe.. ex links tau ulit! hehe.. merry xmas pre.
wala bang golden ticket para matikman lahat yan?
grabe naman. :| TSOKOLATE! waaaaa....
gusto ko ung ferrero ridnoir? hehehe. basta ung black.. saka ung Lindor truffle.. hahaha, na di ko pa rin alam kung tama ba ung ispeling!! :P
Merry Christmas kuya.. ^_^
ung Lindt gusto ko un, ska Lindor truffle,haha! ( pareho pla kami ni Mimay)
takte, bwal sa akin ang matatamis pero kung may magbibigay sakin,why not,chocnut.lols!
kuya, penge naman ng shokoleyts,hehe!
ah ah ah! ang sarahhhp! hahaha
grabe! pics pa lang! hahah
cge balik chocnut muna ko! ahehe
Ferrero lang ang alam ko dyan... pero nakakatakam pa rin!!!
merry christmas ponchie..
@ janus .. wala palang kikitain ang mga chocolaterie sa yo.
meri krismas din.
@ abou .. akala ko ba wala kang cravings sa sweet?
karmi .. di ko alam kung anong klase ng ferrero ang tinutukoy mo ate karmi. mahilig ka din pala sa mga bilog bilog. LOL!
teresa .. bawal pala ha at nanghihingi. meri krismas tere!
ced .. paborito ko din ang chocnut na yan doc. sa totoo lang mahirap hanapin yan dito sa mga asian store.
gillboard .. halatang mahilig ka sa mamahalin. hehehe...
madjik .. happy new year, platits!
hmmnnn.alam mo ba na mahilig din ako sa tsokolate..ika mo nga eh pambalibag dn ng loob.? hehe cnave mu pa..awts..hehe..ganun.? marami palng magagandang chocolates xsa daigdig na di ko pa kelanman natikman..
gusto ko ung tobleron..ung pabilog na tsokolet,,nakalimutan ko kc name nun..haha..ska ung cloud 9..hmmnn..sarap talaga..
bye bye..
tnx for sharing this wonderful topic..
Post a Comment