Sa wakas!
Isang buwan na rin ang matuling lumipas ng huli akong magparamdam dito sa kakaibang mundo ng blogosperyo. Akala ko, hindi na ako babalik. Mamamatay na din yata ito at maglalakbay ang kaluluwa kasama ng lolo at pinsan ko. Para kasing na-trauma ako kapag gumawa ang entry. Baka kung anong pangitain na naman ang magkatotoo at magaganap. Oo, tinatablan din ako ng takot. At dahil don parang ayoko ko nang magsulat. Echus!
Disyembre na naman. (ampangit ng segue!)
Masaya daw ang buwan na ito. Bakit? Dahil daw sa pagdating ng Pasko.
Paparating na ang Pasko. Hanging amihan na ang nararamdaman. May kakaibang lamig na sa umaga na minsang nagdudulot ng ubo't sipon. Pero dito sa Geneva, di lang basta lamig ang nararamdaman namin -- ang ginaw. Magpapasko na nga. At ibig sabihin nito, marami na naman ang grasya at hindi mahirap ang dumilihensya ng pera. Panahon na natatakot akong lumabas. Ito ang panahon na namumulubi ako. Kaya ang lahat ay naghahanda para rito. Ako lang yata ang hindi. Halatang hindi excited. Ano ba ang dapat ihanda para sa pasko?
Since hindi naman masyadong kasing bongga ang pasko dito kesa sa Pilipinas kung kaya hindi mo rin ito mararamdaman. Pero syempre pusong Pinoy tayo kaya paskong Pinoy na rin ang namamayani. Natapos na din naming gawin ang christmas tree dito sa bahay. Naexcite ang anak ko nong umpisahan namin ito last week. At dahil may global economic crisis, payat din ang christmas tree namin ngayon. Lagi naman itong payat kahit walang krisis. Nasobrahan lang ngayon. Ganyan talaga dapat nakikisabay tayo sa uso.
Kaliwa't kanan na naman ang mga Christmas Party. Nag-aalala tuloy ako sa kalusugan ko. Oo kahit papano, concerned pa rin ako sa kalusugan kahit papano. At kakabit ng pyestang handaan ang unti unting pagkakabutas ng bulsa. Dito ako natatakot. Kahit anong kuripot ko talagang mapipilitan akong gumastos at iba ako pag gumastos lalo na kung napapasubo. Nawawala ang takot ko sa asawa. Kung bakit nauuso pa sa atin ang namamasko at kailangang magbigay ka din ng pamasko. Buti sana kung iisa lang e, sandamakmak ang kalilangan mong bigyan. Buti na lang malayo ako sa mga inaanak. Pasensya na mga inaanak. Wala naman akong purong intensyon na pagtaguan kayo. Nagkataon lang.
Isa sa mga namimiss ko pag ganitong papalapit na ang kapaskuhan ang pangangaroling. Oo, minsan din akong parang yagit na may bitbit na tinuhog na pinantay na tansan tsaka lata habang kumakanta ng jingle bells sa harap ng tindahan ng aming kapitbhay kasama ng ilan sa mga kaibigan para mabigyan ng dalawang piso para pambili namin ng coke at tinapay. At syempre merong mga nanggagaya kung kaya nagkakaroon ng kompetensya. At dahil kapayapaan ang mensahe ng pasko, syempre hindi madugo ang diskarte na ginagawa namin para masolo namin ang kita (sindikato talaga). Sinasabuyan lang naman namin sila ng buhangin habang kumakanta. Syempre 'di namin aaminin 'yon pag nagkahulihan.
Exciting din ang paputok. Ito ang pinakahilig ko -- ang magpaputok. Oo, masaya yon. Pinaghahandaan din namin ito tuwing magpapasko. Mula sa simpleng asugi ng posporo hanggang superlolo. Hindi kumpleto ang pasko kapag walang putukan. Pero iba na ngayon. Kahit anong bawal nila sa paputok marami pa rin ang gumagawa. Masarap ang bawal ano ka! Kunsabagay, tama naman yon kaya kahit di na malakas ang putok ng paputok ko ngayon napapaungol naman ako sa sarap.
Ikaw nagpapaputok ka din?
14 comments:
sorry tapos nako magpaputok... ng pimpol anokaba
bakasyon na namna! yey! hehe
sarap siguro gumawa ng snow angel kuya no? ahehe
pwede ba mamasko jan sayo? hehe
after ko magcomment sau tska pa lang magpapautok! nauna na si madjik e. hehe
Onga, bawal magpaptuok dyan, pero wala tayong magagawa... masarap talaga magpaputok...
buti na lang di bawal dito magpaputok!!!
Sino daw ang may putok? Hindi ako. *LOLz*
ibang pagpapa-putok ata ang ginagawa ng mga naunang nag comment,lols!
may paputok rin samin,pero new year, ndi xmas.hehe!
meri x-mas kuya!
gusto ko mangtorotot --este tomorotot -- er...basta torotot! danger yang paputok. baka may matalsikan ha ha
mga kapatid na lalaki ko lang ang nagpapaputok...takot ako,baka maputulan ako ng daliri...
merry christmas,kuya ponchong=}
oo meri xmas kuya ponchi. ubo at sipon lang naman ang ayaw ko tuwing pasko. at eto habang nitatype ko itong comment ko sau eh tumutulo ang sipon ko shets. hahaha
bawal magpaputok ngayon, nakakabuhay! lols
madjik -- siguro kang pimpol lang yan? ngayon ko lang nalaman na pinapaputok ang pimpol.
ced .. buti ka pa may bakasyon. lakasan mo ang putok doc ha.
gillboard .. hehehe, sige putok lang ng putok.
gas dude .. si madjik may putok.
teresa .. normal na sa kanila ang magpaputok tere. meri xmas din. regalo ko?
abou .. mahirap din ang torotot. masakit din sa panga ang pagbublow! hahaha...
rio .. time na din doc para subukan mong magpapaputok. malay natin may talent ka don.
popoy .. higupin mo na lang poy na di halata. bata ka pa nga hehehhe...uhugin!
ang gloomy naman ng xmas dyan,
sana next time sna pag uwi niyo xmas matapat para makapag-paputok naman kayo hehe
payrwerks ang uso dito sa kabundukan eh. ehehe...
antagal ko ring di nakadalaw sa bahay mo. sa snapshot kasi, yung lumang post mo pa ang nag-aappear.ü
buti na lang at babati ako ng merry christmas.ü
God bless you on this season of hope and joy!
Post a Comment