Demo Site

Wednesday, January 28, 2009

UFO on Obama Inauguration

Just heared it over the news yesterday. Sort of interesting but I don't know if you will believe in it.

At dahil certified lurker ako, nakiisyuso na rin sa google.


Please check this video out:







Believe it or not.




Read more...

Monday, January 26, 2009

HULA

Happy Chinese New Year.

Sa lahat ng mga kapatid nating intsik at sa mga nag-iintsik-intsikan. Sana ay maabutan ninyo ako kahit tikoy man lang kahit na hindi ko ito gusto ay pipilitin kong kumain, swertehin lamang.



Sa pagpasok pa lang ng taon sa English calendar, kaliwa't kanan na ang mga gumagawa ng mga prediksyon at nanghuhula ng kapalaran at swerte ng isang tao. Mula sa mga pipitsuging tagabasa ng palad hanggang sa nangangarir ng feng shui na kung paniniwalaan mo ay maaring magdulot sa iyo ng pangamba. Kung kaya merong mga kung anong anik-anik na nagawa para pangotra nga malas, bad energies at bad vibes. Kung tutuusin kaechusan lamang mga ito at nagawa pa tuloy na pagkakakitaan ng ilan sa mga vibes reader.



Naniniwala ka ba sa swerte?



Minsan kong narinig sa dating barbero ko na wala daw na bagay na tinatawag na swerte. Di ko alam ang ibig niyang sabihin pero kadalasan ito ang inaasahan ng marami lalo sa ating mga Pinoy. Inaasa ang kahihitnan ng buhay sa maaring swerte na sasapitin na kahit malas na ang nangyari ay sasabihin pa ring:



"...kung 'yan ang swerte nya."



Sa mga prediksyon na ginagawa, mayroong mga nagsasabi na swerte ang ganitong zodiac sa ngayong taon, na swerte ang mga kulay na ganito sa ngayong taon etc..etc..Hindi ko alam pero kailanman ay hindi ako nakukumbinsing maniwala sa mga ganitong kalokohan lalo na kung isang katulad ni Madam Auring ang nagsasabi nito. Sa coincidence siguro pwede pa. Kung kaya hindi rin maiiwasang may mga taong mag-antay na lamang na dumating ang grasya sa kanila kahit na walang ginagawa kasi sabi ng mga manghuhula, suswertehin daw sila. Umaasang mananalo sa lotto gayong hindi naman sya tumataya, nag-iexpect na mapromote gayong madalas naman di pumapasok, gustong magka-jowa na di naman nanliligaw. Umaasa talaga sa swerte na sinasabi sa hula.


Ang swerte ng tao ay hindi dumadating ng kusa. Pinaghihirapan pa din ito para makamit. Ang mga oportunidad na dumadating sa tao na tinatrabaho ay siguradong may swerte at kapag pinalagpas, katangahan na 'yon. Kaya nga lahat ng ito ay puro prediksyon at hula lamang dahil kung ang lahat ng mga "hula" na ito ay nagkakatotoo, sana taun-taon na lang magpapahula. Huwag nating seryusohin bagkus, gawin lamang nating gabay sa araw-araw na buhay.


Bottom line is, nasa atin pa ring mga kamay nakasalalay ang pagbabago ng ating buhay at ito ay di hinuhulaan kundi pinagtatrabahuhan.





kung hei fat choi!





Read more...

Sunday, January 25, 2009

SUICIDE | Re-Entry


Live or die?

Kadalasang bukambibig ng karamihan sa atin ang kagustuhang mamatay kapag dumadanas ang isang tao ng matinding kalungkutan at depresyon sa buhay dala ng pagkawala ng isang minamahal sa buhay, matinding kahirapan, kabiguan sa pag-ibig kawalan ng pera, pagkabangag sa droga at kung minsan dahil lamang sa simpleng selos. Bukambibig lang ba ito o talagang may halong seryosong intensyon.

Sa panahon ngayon, mahirap na ang magsabing:


"Gusto ko ng magpakamatay!"


dahil pwedeng pwede mo ng gawin ito at kung gusto mo pa ay meron ka pang instruction kung papano gawin na para ka ring manganganak, although di ko pa naranasan ang manganak, normal ba o painless.

Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng antas ng pagkamatay lalo na dito sa Europa ang pagpapatiwakal o suicide. Ayon kay Aling Wiki, ito ay ang pagkitil ng sariling buhay ng isang tao na maaring dulot ng maraming bagay tulad ng depresyon, kahihiyan o anumang di kanais nais sa buhay ng isang tao. At dito nga sa Europa ay mabilis ang pagtaas ng bilang dito na kadalang ginagawa ng mga kabataan mula 15 pataas. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng kaunlaran ng sibilisasyon sa kabihasnang ito, mayroon pa rin ganitong mga pangyayari at mga kabataan pa ang gumagawa. Ito ba ay trip - trip lang o sadyang mayroong malalim na dahilan.

Naalala ko, laman ng mga pahayagan noong mga nakaraang buwan ang ganitong uri ng insidente na nangyari sa UK. Sa murang edad nila, di ko maiwasang magtanong.


"Bakit?"


Sagana naman sila sa lahat. Pwede naman silang magkaroon ng kung anuman ang gugustuhin nila. Pwede naman silang magdrugs ng lantaran. Hindi naman bawal ang makipagtalik sa kanila basta alam mo kung papano kontrolin. Hindi naman sila nagrereklamo ng hirap sa buhay. May kulang pa ba sa buhay nila?

Ang sabi ng karamihan ng may alam sa mga kasong ganito dito sa Geneva, dahil daw sa depresyon. Ayan ha. Nakakadepress tumira sa Europe. Pabor lang ito sa mga bata na wala pang alam sa mga gimikan at mga "tanders" na nagpipension. Pero pag nasa prime age ka, magliwaliw ka sa ibang lugar. Ganyan sila mag-isip.

Sa Pilipinas ay meron din naitala na mga kaso ng pagpapatiwakal at kadalasan kabataan din ang gumagawa mula 15 pataas. Ito ayon sa datus ng WHO, Geneva as of 1993 updated on 2004. Nakakaalarma at hindi rin dapat pinapawalang bahala. Ibig sabihin ba nito nakikiuso na rin ang mga kabataang Pinoy. Ano to i-pod? Di na ao magtataka na darating ang panahon kung kelan ordinaryong usapan na lang ang pagpapatiwakal. Yong tipong ganito:


"Busy ka ba? Pakilaslas mo naman tong pulso ko."


O di kaya:


"Manong, pabiling lubid. 'Yong matibay na pambigti."


O makikita mo na lang na nagtutusukan ng bar-b-q stick sa mata na parang naglalaro lang ng jackstone. Para bang walang kakwenta kwenta ang buhay sa kanila.

Ang daming nagsisikap para mabuhay. Nagtitiis ng hirap dahil umaasang giginhawa at nagpipilit bumangon mula sa pagkadapa para mabigyan at mapagtanto ang tunay na pakahulugan ng buhay sa kanila at kung ano ang layunin nila sa buhay. Bakit sinasayang ng iba ito? Matapang kang duwag. Alam mo na yon kung bakit.

Bakit ko naisip ang mga ito?

Sa pagsisimula kasi ng linggong ito, isang balita ang natanggap ko. Nagbigti daw ang asawa ng pinsan kong nasa HongKong. Nagulat ako at nakaramdam ng galit kahit dedo na ang asawa ng pinsan ko dahil sa 3 bata na iniwan niya. Di ko rin magets kung bakit nya nagawa yon at di ko rin kayang ipaliwanag pa kung ano ang naiisip nya nang mga sandaling iyon. Iniimagine ko na lang kung anong hitsura nya sa kabaong na may marka ng lubid sa leeg.

Sa lahat ng ito, isa lang ang tanging reaction ko sa ngayon.


Tsk..tsk..tsk..!




*salamat Manong Google sa photo




Paunawa:


Ito ay bahagi pa rin ng pagsasaayos na nagaganap sa blog na ito.


JoShMaRie said...
live or die? masa masarap pa rin ang mabuhay...
January 22, 2009 3:51 AM


lucas said...
hays...life is so good...natural na yung mga ganun pero it's not enough para magpatiwakal..hehe..pero minsan naisip ko din yan..haha
January 22, 2009 6:01 AM


Abou said...
gusto ko din maka hiligan yang suicide. kasi baka mag reincarnate akong mayaman.yun lang.
January 22, 2009 11:52 AM


ZsaZsa said...
natatawa ako sa comment ni abou. naisip ko tuloy ngayon, sana ako din ma reincarnate na mayaman. so sad naman, i send my deepest condolences to your cousin and the rest of your family. kawawa nga naman mga anak nya.

minsan kuya ponchong, may mga panahon talaga sa buhay na nanaisin mong magpakamatay. nangyari yan sakin, kamakailan lang. mga three months ago. pero salamat kay Lord dahil may control pa ko sa buhay at pagiisip ko. dahil naisip ko, problema lang yun, marami pa kong hindi nagagawa sa buhay bakit ako magpapakamatay dahil sa problema?chaka na ko magpa-pakamatay kapag guguho na ang mundo.

nami-miss ko mag-comment dito, nagbabasa naman talaga ako ng blog mo, sa bloglines nga lang, kaya di ako nakapag comment. ehehehe.bubuksan ko na rin blog ko. balang araw. mmwahugsz.
January 22, 2009 7:11 PM


yin said...
minsan may mga dumadating sa buhay na mapapaisip ka ng ganyan, swerte kung maisip mong uminom ng kape o extra joss sa mga oras na yun at magising utak mo.. lakas ng loob.
January 23, 2009 8:05 AM


palagpat said...
patay kung patay... tutal law-ay. wehehe
January 23, 2009 6:40 PM


Nebz said...
we are born to be alive!yokong ipsycho-analyze ung mga suicides. pero lahat naman ng tao me suicidal tendency.kaya abou, kapag nag-reincarnate kang mayaman, remember me...ha...







Read more...

Saturday, January 24, 2009

HARD days NIGHT | Re-Entry|

Mabigat sa dibdib.


Oo, at akala mo naman meron akong gapakwan na hinaharap? Normal lang akong tao at hindi ako naghahangad ng mala-watermelon na dibdib. Tama na sa akin ang magkaroon ng malamunggo na nipple. Ipaubaya na natin ang malapapayang kwan na yan kay Keana. At binanggit ko talaga.

Anyway, bago ako magclosing remarks, gusto ko sanang batiin kayo ng belated happy everything. Alam kong long overdue na ang batian ngayon pero kasi naniniwala ako sa kasabihan na better late than never and I'm alwayas late so I'm better. (in na in ako ngayon). Pasensya na, ganyan talaga ako kapag bagong gising.

Imbis na gumawa ako ng traditional na listahan ng new year's resolution na kadalasan hindi naman nasusunod at paulit-ulit lang naman ito kada taon, mas minabuti ko na manahimik na lamang kasi naniniwala ako sa kasabihan na less talk, less mistake, no talk baka pipi. (corny alert!) In fact, di nga kami nagcelebrate ng new year. Nakicelebrate lang sa ibang nagsicelebrate. Sa awa ni bathala, ayon, nakaraos naman.




Pero this past week, I experienced something that made me realize how lucky I am and how I miss my million miles away loved ones and friends. Ayan na naman, akala mo super lalim but it's true. Konting current events lang. Until now, patuloy pa rin ang bakbakan between these Israelis and militant Hamas sa Gaza. The war had affected not only the Israelis and the Palestines kundi pati na rin sa lahat ng nakapaligid dito. Killing a lot including children and women and also civilians. Mas lumalala ang epekto nito habang tumatagal at habang naghahanap ng posibleng solusyon ang mga concerned leaders. Thinking of this situation makes me feel luckier. Mahirap siguro ito marealize lao na't hindi mo naexperience first hand. Ewan ko sayo, pero ako yon ang feel ko.




Maliban kay Mamma Mia, ang isa pang nagpabigat ng dibdib ko ay si Angelina Jolie. I watched A Mighty Heart last week. Nakakawindang ang ang istorya to think na based on a true story ito. Sa palagay ko, learning to be strong in difficult times ang gustong ituro ng pelikulang ito. After watching it, punta ako kay Manong Google para hanapin si Daniel Pearl. Oo, bilib talaga ako sa kanya kasi kahit nawawalang baka pwedeng mong itanong kay Manong Google. Gusto ko lang sanang malaman ang kayang brief biography at nagulat ako na meron palang thread ng mismong beheading ng isa pang biktima at meron pang iba. Hindi ko natagalan ang napanood ko. Para kang nanood ng Hostel ni Tarantino. Parang manok lang kung katayin ang tao. Hanggang ngayon, bumabalik balik sa isipan ko ang nakita kung iyon at di ko na sinubukan uling balikan nag thread na iyon. Kung gusto mong subukan, umpisahan mong hanapin si Daniel Pearl.




And last night, pinanood namin ang Kite Runner. A story about friendship na ibang level. Nakakaantig din ang istorya lalo pa't may mga batang involved at ang paghahanap sa nawawalang mahal sa buhay sa gitna ng karahasan at giyera. Pinatutunayan lamang na sa giyera walang panalo, parehong talo. Inaamin ko, ayoko sa mga kapatid nating Arab dahil na rin ito siguro sa naging karanasan ng pamilya namin at dahil siguro sa kakaibang kultura nila at ibang paniniwala kung kaya medyo nanunuri ako sa kanila. Ayoko ko din silang lahatin dahil sa totoo lang meron ding akong kaibigang Iraqi ang although Arab sila pero we share the same views and opinions as to these wars are concerned at totoo rin kasi ang pakikipagkaibigan ng kanilang pamilya.


Hindi ko ito sinasabi para lamang may maisulat ako pero dahil sa mga napagtanto kong ito, try mo ring panoorin.





*thanks google for the images

At dahil sa kagustuhan kong maisaayos at maibalik sa normal ang ayos ng blog kong ito, isinalba ko ang mga komento ng ilan sa mga pinagpipitagang blogista sa lathalang ito.




The Gasoline Dude said...
May mga narinig akong bad reviews about the film adaptation of The Kite Runner. Kung hindi ka naman masyadong busy, try mo din basahin 'yung libro.Nakapanood na ko ng video ng pinupugutan ng ulo. Hanggang ngayon naiisip ko pa din siya. Ahuhuhu.
January 14, 2009 9:49 AM

ponCHONG said...
di talaga maiwasan ikumpara ang film adaptation sa libro nito pero as far as the film is concerned, panalo sya sa akin.hahanapin ko sa kermesse ang libro ni hosseine na yan.talagang nakakapanlambot ang eksenang pugutan.wow! una ka talaga!
January 14, 2009 10:06 AM

Fjordan Allego said...
hindi ko na rin yata kakayanin na manood ng mga karumaldumal na pagpatay lalo na yang sinasabi mong parang manok lang kung patayin. baka hindi na ako makatulog sa gabi tsk tsl.. at yung giyera sa Gaza, sana nga'y matapos na rin yun.. ang iniisip ko talaga ay yung mga taong walang kinalaman na nadadamay..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com
January 14, 2009 10:35 AM

Abou said...
gusto ko ako lagi ang huli mag comment. pero dahil tinamad na ako maghintay kaya eto na lang.gusto ko mang panoorin ang mga ibinibida mong pelikula e wala akong makita dito sa bentahan ng piniratang dbd. paki burn na lang. wala, burn mo lang haha.patawarin mo na ang mga arabo. wag magalit sa buong lahi nila. ang kasalanan ng isa e hindi kasalanan ng lahat. o ayan ha seryus yan hahacge bye na at baka maging isang entry pa ang post na ito
January 14, 2009 1:52 PM

lucas said...
it's cool that you're finally back :)nagdaan ako sa video city at nakita ko nga tong almighty heart. hindi ko xa nirent. at dahil sayo hihiramin ko yun pagbalik ko..hehe!i agree. hindi rin ako naniniwala sa new year's resolution. pwede kang magbago anytime. just have the heart to mean it.
January 14, 2009 3:49 PM

madjik said...
kahit naka witness nako ng pugutan dito sa saudi that's one thing na ayoko na maulit sa buhay ko.. tama ka mabigat sa dibdib..haven't read the book or seen the film bout kite runner but i was able to read one of khaled hosseini's novels and i would say he's one novelist i would like to read more of..
January 15, 2009 12:22 AM

ponCHONG said...
fjordz .. at di ka rin makakain. wow! sana mag volunteer ka sa IRC.abou .. o sige padalhan kita binurn na dvd as in puro abu talaga. salamat ta kahaba ang litanya iya. hahaha
January 15, 2009 8:30 AM

ponCHONG said...
lucas.. talagang super cool. naku try mong panoorin pero wag mo nang hanapin si daniel pearl.madjik .. buti di ka binangungot? ngayon ko narealize na di ko kayang panooring ang ganyan sa totoong buhay.
January 15, 2009 8:33 AM

palagpat said...
ok lang ang the kiterunner. daw nakita ko na ang story on some film. you want something good? watch children of heaven from iran. happy new year.
January 15, 2009 9:04 PM

Nebz said...
Naku, nightmare aabutin ko pag pinanood ko ang Mighty Heart. Kahit nga ung The Kite Flyer, gusto ko nang bitawan sa unang 50 pages p lang ng libro dahil parang wala akong makitang redeeming value (nasa ending pala). natapos ko ring basahin pero hindi ako na-excite panoorin.Pero dahil rekomendado mo ung 2 films, ipapahanap ko sa kaibigan kong pirata d2 sa saudi. magdadasal n lang ako bago ma2log para d ako bangungutin.
January 17, 2009 9:16 AM

ced said...
gusto rin panurin yan. sinuggest din yang A Mighty Heart at Kite Runner. makabili na ng popcorn! hhihi
January 19, 2009 12:44 PM



Read more...