Demo Site

Wednesday, May 14, 2008

just GAGGING!

Suplado akong tao. Paminsan-minsan seryoso. Madalas nakatikom ang bibig at nakakunot ang noo. Kaya hindi ako nakakaligtas sa pamimintas ng ilang kaibigan at mga kakilala. Para daw nagmimenopause, katapusan ng mundo. Na kesyo bigo ba daw ako, na don ako sa bundok kung saan walang taong makikipag-usap sa akin.

'Yan ang other side ko kaya napahanga ako sa dati kong bisor nong sabihin nya na and I qoute "Oo, mabait 'yan pero wicked din yan."

Pero sa likod ng ganyang katangian ko, masayahin akong tao. Mababaw lang ang kaligayahan ko pati luha ko. Napakahilig ko sa mga gag shows. Grabe ako kung tumawa kaya kung minsan si misis ay nahahawaan na din sa kakatawa hindi dahil da palabas kundi dahil don sa bungisngis ko. 'Yon bang naiyak na sa katatawa. 'Yong tawa na parang wala ng bukas. Pak! Kaya nga din mabentang mabenta sa akin ang mga stand-up comedians na 'yan, 'yong mga jokla na kung mang-okray ng kapwa akala nila e sila lang ang anak ng Dyos.

Kaya ngayon, habang nakikipagbonding kay Manong Youtube at sa kakahanap ng guesting ni Charice Pempengco sa Oprah, eto ang nakita ko, ilan sa mga prank videos. Mga videos na dahil sa kapipigil ng tawa, ako'y nautot.








6 comments:

PoPoY said...

waaah sobrang pareho tayo kuya george. mababaw akong tao pero masungit at suplado ako. hahaha. pero i can make a crowd laugh sa isang punchline lang.

komikero din kasi ako.

natutuwa din ako sa mga stand up comedian, mabenta din sa akin yan.

hindi ko makakalimutan yung line dati ng isang Stand up Comedian

SC 1 : Tignan mo yang paa mo ang panget.

SC 2 : Hoy bakla, wag kang ganyan, NINE WEST yan...

SC 1: Wow Sosyal NINE WEST

SC 2: OO NINE WEST


....

SC 2: NINE WEST, SIZE NINE SM WEST. hahaha

at syempre nakakatuwa yan dahil sa mga action at kalandian ng dalawang stand up comedian :)

gillboard said...

panalo yung unang video... meron ako nung game na yun... hahaha

ponCHONG said...

@popoy..kainggit nga sila poy kasi ang galing magpatawa.

@gillboard..kahit nga saan ako pag naalala ko ang video na yan natatawa ako.

Anonymous said...

sabi nga nila ang mga ganyang tao ay gwapo.. nakz.. na curious tuloy ako.. :)

Anonymous said...

trip ko comedy bar.kahit na minsan nakakapikon na ma-okray. :)

ponCHONG said...

@jennifer..naku, pag nakita mo ako siguradong maglalaway ka..sa inis.

@kuri..sa totoo lang di pa ako napasok sa comedy bar. mahal ang talent ng mga bakla e tapos mang-ookray lang ng kapwa.