Makalipas ang ilang araw ng pagmumuni-muni at pag-asang magkaroon muli ako ng sigla para magsulat at mag-update ng idiot board ko na 'to, heto muli ako, muling maglilinis ng mga kumapit na lumot dahil sa katagalan kong hindi nagalaw ang tambayan kong ito. Pagkatapos ng asul at itim na kulay ko dati muli akong nagbibihis at iba na naman ang kulay. Parang banderitas kapag may pyesta. Kunsabagay, katatapos lang ng pista sa amin.
Natawa ako sa nakaraang entry ko. May mga nag-akalang isang kamunduhan ang naisulat kong iyon. Ngayon ko napagtanto na hindi talaga nababawasan ang mga manyakis sa mundo bagkus, datapwat, dumadami pa. At pabata ng pabata. Pati mga batang-isip nakikisali. Epekto ba ito ng climate change o ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng bigas? Tsk..tsk..tsk..
Natawa ako sa nakaraang entry ko. May mga nag-akalang isang kamunduhan ang naisulat kong iyon. Ngayon ko napagtanto na hindi talaga nababawasan ang mga manyakis sa mundo bagkus, datapwat, dumadami pa. At pabata ng pabata. Pati mga batang-isip nakikisali. Epekto ba ito ng climate change o ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng bigas? Tsk..tsk..tsk..
At eto pa ang pangalawang hirit ko. Oo, medyo may pagkabulgar itong aking ipapakita ko sa ngayon pero para dito sa lipunang aking ginagalawan ngayon, ito ay isa lamang sa mga ordinaryong paksa ng usapin.
Siguro mga tatlong linggo na ang nakakalipas, nagkalat dito sa Geneva ang mga bagong "billboards" ng LOVE LIFE STOP AIDS campaign ng Swiss Federal Office of Public Health at Swiss AIDS Federation. Layon nito na hikayatin ang mga tao na protektahan ang sarili nila laban sa nakakahawang sakit na ito at para na rin imulat ang mga tao sa banta ng sakit na AIDS, para magbago sa pananaw sa seks at ang epektibong paggamit ng proteksyon.
Ang mga "billboards" na ito (di gaya sa Maynila na mala-Araneta ang laki) ay eye-level lamang at syempre nakikita ko ito sa tuwing sasakay ako ng bus papasok sa trabaho. Natataon na gising ang ulirat ko kapag nadadaanan ito. Pero ni minsan hindi ako nakakuha ng larawan kiung saan tsaktong nakalagay ang mga ito. Ganunpaman, hindi naman nagtagal ang pagkakabilad ng ad na ito tinanggal nila kaagad.
Napag-isip tuloy ako -- kung ito kaya ang ilagay sa kahabaan ng EDSA ang mala-Araneta ang laki, tatalunin kaya ang bilang ng mamangha kesa sa billboard ni Marian Rivera? Kamusta man kaya ang trapik?
(images from Swiss Federal Office of Public Health website)
O ayan, bulgar na bulgar di ba. Para ka ring nagbabasa ng Playboy.
Ikaw, sa palagay mo, tama lang ba na ibandera ang mga ito? Does the end always justifies the means?
????
3 comments:
hahaha...matatapos na ang summer hindi pa ako nakakapunta sa piyesta...sigh...
kaya mo yan dude. babalik muli ng madalas at magbabasa
@wanderingcommuter..meron namang nagpipyesta kapag tag-ulan, don ka na lang humabol. :-)
salamat sa dalaw kaibigan.
ahaha.ang ganda ng pics..type ko yung nasa cave.lols.
Post a Comment