Napaka-antukin kong tao. Hindi ko alam kung kanino ko ito namana. Parang kinakailangan ko na namang halukayin kung ano pa ang pwedeng naisaling katangian sa akin ng aking angkan. Alam ko tapos na ang panahon ng pagbibinata ko. Hindi na ako dapat matakaw sa tulog. Pero bakit para akong isang babaeng malandi pagdating sa antukan -- konting himas lang bumibigay, bumubukaka. Konting sandali lang ng pagpikit ng mata, dire-diretso sa hilikan.
Ewan ko kung bakit. Sa iisang pagkakataon lang naman ito nangyayari sa akin -- habang bumibyahe. Dyahe nga talaga kung minsan pero iniisip ko na lang hindi lang ako ang nag-iisang may ganitong ugali sa mundo. Andali kong antukin habang nasa sasakyan mapabus man o train o tram o kahit anong sasakyan kahit bisikleta (kapag ako ay nakaangkas).
Malala. Oo, walang kasing. Walang pinipili ke short distance o long distance man basta't lumapat na ang puwetan ko sa upuan, pakiramdam ko ay nasa kama ako. Kahit na nga nakatayo at nakasandal sa malapit sa pintuan, 'di ko mapigilan ang humilik. Sobra talaga. Kadalasan, nakakadalawa o tatlong lipat ako ng bus bago makarating sa trabaho kaya talagang sobra akong naaadik sa ganitong gawain.
Iba-iba na ang naging karanasan ko dahil sa pagiging antukero at tulugero ko sa sasakyan pero ni minsan ay hindi ako lumampas sa aking paroroonan. 'Yan din ang isang bagay na namaster ko na at 'di ko naman ito pinag-aralan. Minsan nga naaabutan ko ang sarili ko na humihilik, tumutulis ang bibig dahil nananaginip na hinahalikan ko ang anak ko, nalalaglag ang siko ko habang nakapatong sa bintana, malaglag ang hawak kong telepono at tumutulo ang laway sa sobrang sarap ng tulog. Kaya pag may mga pagkakataong ganito, kunya-kunyari lang akong nagtutulugtulugan at dinadaan na lang sa paubo-ubo para kunyari di halata pero kahit ako ay natatawa na din sa sarili ko. Paano kung merong nakakakilala sa akin. Kakahiya. E, sila kaya maantok.
Hindi ko kasi ugali ang makikipag-usap habang bumibyahe. Kaya palaging naaasar ang misis ko kapag nagkakasama kami sa byahe kasi daig pa nya si Lola Basyang kung magkwento ng alamat at pabula na pilit ko naman dineadma lalo na kapag may kasamang tanong at required akong sagutin iyon kaya i-style ko na ipinaparamdam sa kanya na "magkakilala ba tayo?" Kaya din pala niya eto ginagawa para hindi ako antukin. Alam nya kasing in less than 5 minutes pagkaandar ng bus ay magsisimula ng mamungay ang mga mata ko na prone sa sore eyes kaya umpisa na sya sa story telling act niya pero walang epek. Kulang na lang ay kumutan niya ako. Kung magkasya lang siguro ang unan at kumot sa bag ay araw araw ko itong dala.
Pilit ko itong nilalabanan pero the more na gusto kong iwasan mas lalo akong nadadala. Basta ang alam ko wala ako inaagrabyadong tao sa gawain kong. Ngayon kung meron tatawa, salamat naman dahil kahit inaantok o tulog ako, nakakapagpasaya pa din ako ng tao. Pantanggal stress din yon.
A, sigurado bukas mararanasan ko na naman 'to -- puyatin ba kasi ako ng entry na 'to at sana nakaRELATE ka.

11 comments:
rawr! nakakainggit naman. sana ako din madaling makatulog. yey! ako ulet una...
ang boring mo siguro kasama sa roadtrip. ahihihi!
:yawns:
inantok ako bigla.
naexcite naman ako sa title.. BANGBUS kase.. hahaha.. kala ko may kinalaman to sa porn chuvaness.. yun pala tungkol to sa tulog churvah...
zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
makaron eang ako kabalik. uwa ako kapanago sa ym ha. mahinay ang internet sa baeay, indi ako haeos ka log on. natamaran eon ngani ako. pirme ga inuean iya.
hmmp,kala ko din porno na usapan dahil sa taytol. ako din madali makatulog pero hindi pagbumabiyahe.
hmmm... galantaw ka bangbus no. hahaha
@tisay..kaya nga sumasama ako sa hindi boring para hindi boring ang trip. gulo!
@KDR..'di yan dahil sa entry na 'to. puyat ka kasi ng puyat dahil sa lablayp mo
@ferbert..halata talagang wala kang hilig..tsk..tsk..tsk..talagang pamilyar ka sa Bangbus.
@abou..aw a. abi ko hay gainoffline kat ing. o di hay owa eon it summer una sa bora makaron.
madbong..hahaha..napeke ka din. di ko alam ganon pala ang bangbus.
@palagpat..ikaw, galantaw ka man ano kay bal-an mo bangbus. ano na haw?
buti ka pa madli makatulog..ako, nabilang ko na lahat ng tupa pati na din aso..hindi pa din ako makatulog...=)
Me kilala din akong ganon... As in, nakakatulog talaga xa kahit in the middle of an exam... Ganon din katindi... Minsan nga nag-uusap lng kayo, tapos napansin mo, tahimik na, yun pala tulog na... Haiii... Kawawa din,...
kala ko tungkol sa porn yung post mo! Hahahaha! dyuk lang
ay naku, nakaw tulog din ako, sarap kayang matulog. =)
@dra.rio..paulit ulit molang bilangin doc aantukin ka din nyan
@janjie..may mas malala pa pala kesa sa akin
@coldman..dahil marami kayong pareho ang akala, gagawan ko ng part 2.
Post a Comment