Demo Site

Friday, April 11, 2008

BOTHERED

Naranasan mo na bang maglakad dahil kulang lang ng piso ang pamasahe mo pero kinakailangang andon ka sa pupuntahan mo? O di kaya sa halip na siopao e maliit na balot na lang ng mani ang meryenda mo at wala ng pantulak dahil kulang lang ng piso ang pera mo at wala kang choice kasi nanlalabo na ang mata mo at nanginginig ka na sa gutom? Naranasan mo din ba na biglang mapatigil sa kalagitnaan ng kalye habang ikaw ay naglalakad at bigla na lang ay kakapa at dukutin lahat ng bulsa pati pitaka sa pag-asang me mahanap ka na barya para makabuo lamang ng sampung piso? Hmmm...walang lang, napatanong lang ako.

Tatlong araw ng walang tigil ang ulan, ulan na binabae, 'di ulang bakla (wala pa atang ganon), yong tipong 'di naman malakas pero 'yong tipong di titigil. Parang bang magdadalawang-isip ka na magdadala ka ng payong o hindi, kung magjajacket ka ng makapal o manipis lang. Ang hirap magdesisyon kasi nga walang kasiguraduhan. Tuloy pa rin ang trabaho, may ulan o wala, may snow man o wala. Pangangailangan ang tumatatawag at para na rin sa mga kamag-anak sa Pilipinas -- para pambili ng bigas.

Eksakto lang na nakatapos akong magtrabaho ng magsimulang pumatak ang snow. Sa simula, parang rock salt itong itinapon galing sa langit pero ng lumaon e parang mga nagliliparang bulak na sila. Nakakapagtaka. Snowing in spring? Magtatanghalian na non kaya dama ko na parang nagti-tennis na ang aking mga alaga sa tyan pero kaya ko pang tiisin. Ubos na din ang baon kong tubig. Habang nasa bus, inisip kong dumaan na lang sa McDo. Tamang tama kasi malamig. Kaya tsinek ko ang wallet ko kung magkano ang dala kong pera. Wala..wala..wala akong pera, kahit barya, wala talaga. Wala ring laman ang bulsa ko. Sa stress ko, mas lalo kong naramdaman ang gutom. May nakapa ang kamay ko sa maliit na bulsa ng bag ko -- 2 francs. Hindi nito maisasalba ang lunch ko, kulang ito kahit sa kape. Tuloy pa rin ang snow, mas lalong malaks na ngayon. Napadaan ako sa isang tindahan. Tama kasya itong pang-tsokolate, may sukli pa ako. Mairaraos ko din tong tanghalian na to. Ibubuka ko na lang ang bibig ko para sahurin ang nahuhulog na mga snow para pantulak.


Pumwesto sa ako sa pinakagilid ng shed para kainin ang lunch ko. Nasa kalagitnaan na ako ng may babaeng papalapit sa akin. Nasa tamang edad lang sya. Nakatingin sa akin. Umandar ang pagkapraning ko. Ewan ko kung dahil sa gutom. Nakatingin pa rin sya sa akin at papalapit. Hala...me gusto ba 'to sa akin? Ako ba o ang tsokolate ko ang kursunada nito? Hindi pa ako busog. Sa mga oras na iyon hindi ako kristyano. Hindi ko sya bibigyan kung manghingi man sya. Kulang pa nga ito. Sabay subo lahat. Wheww...yon pala magtatanong lang ng oras. "Hello manang, may orasan kaya d'yan sa screen ng schedule ng bus?"

Bakit kaya kung minsan ganyan? May mga panahon na kung kelan walang wala rin tayo e tsaka may mangangailangan sa atin. Nais mo ring magbigay pero wala ikaw nga rin ay wala. Nakakakonsensya kung minsan. Paano kaya kung ang babaeng lumapit sa akin ay talagang manghingi ng tsokolate ko. Paano kung totoong mas gutom pa sya kesa sa akin. Paano din kung kami ay nagkapalit ng kalagayan. Paano kaya? Buti na lang hindi ganon ang sitwasyon. Saka na lang ako mag-isip kung ito man ay magkatotoo. Saka na lang....



7 comments:

Anonymous said...

ui! salamat sa pag-basa ng aking hate letter para kay ben, at oo sya ay isang tae sa ilalim ng tsinelas ko.

hirap ng sitwasyon mo. di pa naman nangyayari sakin yan, cguro laway na lang pantulak mo. buti naman at nabusog ka sa snickers na yun.

next time umiyak ka lang, dadating na ko magdadala ng pagkain. ahahah!! parang fairy god mother. nyorks.

kung ako siguro ikaw at totoo ngang nanghihingi ng pagkain ung babae eh, hati na lang kami, para meron pa rin para sayo. nakatulong ka pa. ahihihi!

hindi pala euro ang pera nyo. ang galing.

ponCHONG said...

@tisay..yon nga din iniisip ko e naunahan mo lang ako. yots!

oo, swiss francs kami at kalevel na sya ngayon ng dollar -- 1:1 na. astig di ba.

Abou said...

mayad ngani agud magniwang ka!

ponCHONG said...

@abou..tadtad na ngani ako sa taebo ag jogging tapos owa pa it pagkaon. kaniniwang ko eon ngani.

Anonymous said...

Whoa! Good thing that didn't happen to me. I make sure kasi na meron talaga akong pera sa bulsa bago ako umaalis ng bahay...

Pero, hindi talaga maiiwasan ang mga gano'ng pangyayari... buti na lang e, madiskarte ka kuya... ahehehe...

nxt tym poh, eh sana ichek mo muna yung pera sa bulsa mo pra d ka mlagay sa alanganin...

Anonymous said...

depende sa manghihingi... alam naman nating lahat na maraming ganyan sa pilipinas...

ponCHONG said...

@janj..problima ko laging walang pera

@KDR..tamang-tama ka. lst trip na to.