Demo Site

Sunday, April 06, 2008

TIME


Masama ang sense of time ko. Pangit man pakinggan pero kailangan kong aminin. Kadalasan akong dumadating ng hindi tama sa oras at sa mga ganitong pagkakataon ay hindi rin ako nauubusan ng dahilan kung bakit. Kesyo naglakad lang ako, kesyo walang masakyan at kung anu-ano pang paek-ek at pagpapacute ang gagawin para lang maiba ang usapan. Ewan ko kung naku-convince naman ang kausap ko sa mga pautot ko na 'to.

Dati 'yon. Noong nasa Maynila pa lang ako at nagtatrabaho dala-dala ko pa din ang ganitong attitude kaya kailangan kong magkaroon ng kaclose para merong magtatakip sa tardiness ko. Ewan kung nakikiayon lang sa akin ang swerte kasi ako ang pinahawak ng DTR na mga empleyado at ang napasukan kong opisina e walang bandy clock. Unlike sa mga dati kong pinapasukan na para na akong maihi na sinasabayan pa ng malakas na kabog ng dibdib sa stress kapag naiipit sa trapik at naiisip na hindi ako makapagpunch sa oras. Parusa talaga. Kasi nga mahirap gumising ng maaga.

Sa San Juan ako nakatira at sa Timog lang din naman ang opisina namin. Alas 9 ang pasok ko kaya alas 9 din ako nagigising kaya malimit na on the go na lang ang breakfast pero kung minsan nakakaya ko pang dumaan sa Jolibee sa Araneta. Pagdating sa opisina, itatago ko muna ang backpack (backpack adik ako) ko sa likod ng pintuan at pasipol sipol na papasok sa room namin at kapag pinansin na kung bakit late ako sabay react na "Kanina pa ako, nasa warehouse lang."

Lagi din akong may deadline at laging kung kelan deadline saka ako mag-aapuhap ng mga data para sa mga reports. Pero syempre naman, pinipilit ko naman ang sarili kong maging propesyunal lalo na pagdating sa oras. Kaya nag-adjust ako ng lifestyle. Bawas gimik na kadalasan wala. Bawas puyat. Bawas sa sex life. At nagkaron naman ito ng magandang bunga kaya minsan ko na ring pinuri ang sarili ko dahil nagawa ko ring magbago kahit slight lang.



In honor of the watch industry, Geneva has a famous clock made from over 6,500 flowers. The Flower Clock is located at the edge of the Jardin Anglais (English Garden) and has been there since 1955.



Ngayon, mas lalo akong natuto. Hindi lang dahil nandito ako sa Suisse. Oo, hindi lang kilala ang Suisse sa chocolates at cheese. Mas lalo silang kilala sa mga relo. Sabi nga nila "Switzerland is associated with three Cs -- chocolates, cheese and CLOCKS." Nasa angkan ng mga Swiso ang mga kilalang watchmakers. Kaya dapat lang din na magkaroon sila ng repuatasyon sa pagiging on time -- bus, train, tram -- lahat dumadating at umaalis sa oras kaya hindi pwede ang babagal-bagal kung ayaw mong magkaletse-letse ang maghapon mo. Chain reaction kumbaga, at maraming beses na rin akong nakaranas ng ganito. Maraming beses na rin akong nakikipaghabulan at nakikipagpatintero para lang hindi mahuli sa pagpasok. At dahil sa ganitong mga pagkakataon, natuto ako mag-adjust kaya ngayon 'di lamang sa oras kundi pati na rin sa kalidad ng trabaho.


Sana ganito rin tayong mga Pilipino. Alam kong hindi maganda ang nagkukumpara kasi wala namang point of comparison. Alam kong magrereact ka na bumabasa nito pero ang sa akin lang e opinyon ko 'yon. Sana ay magkaroon din tayo ng tamang pagpapahalaga lalo na sa oras. Malaking bagay na din ang maitutulong non para sa ating pag-angat.

Sana...sana...

14 comments:

Anonymous said...

pareho pala tayo... madalas alas 10 ang pasok ko sa iskul, at alas 10 din ang gising ko! ahhaha.. kaya yun, hindi nakakapag bfast! hehehe...

sa dami ng beses ko naging late, andami ko na ring naimbentong dahilan. pero minsan hindi na lang ako nagdadahilan kasi kahit totoo, iisipin nila na imbento ko lang yun!

:D

pero siyempre hindi dapat parating ganon! kaya ngayon, slowly but surely, nagbabagong buhay na ako! naks!! sana mapangatawanan ko ang sinabi ko,, lols!

ponCHONG said...

@KDR naks at nakarelate..tenks..pangangatawanan ko din to. ü

Anonymous said...

ui, what a coincidence, kumakain ako ngayon ng Frey, swiss chocolate daw to ah, big time ba to jan?

ahhaha! i know what you mean!! ganyan din d2. wala pa namang taxi na naghihintay ng pasahero kelangan pang tawagan, kaya kapag naiwan ka ng school bus o kahit ng public bus, eh maglakad ka o maghanap ng magda-drive sayo. wah!

first time kong makapaglakad ng milya milya. weeeeeehhhh!! isang beses may baon pa talaga akong gunting habang naglalakad. ahaha!

basta sabi kelangan daw at least 20 minutes ahead of time ka palagi. hay.

ponCHONG said...

@tisay..kakompetinsya ng Lindt ang Frey and I prefer Lindt pero mas gusto ko ang classic na Toblerone.

dito naman lalo na pag Suisse ka-appointment mo u should be at least 10 minutes advance.

KRIS JASPER said...

napuntahan ko na yang clock sa geneva.. it's not as nice as it seems.

anw, d2 sa UK late din lagi staff ko pero max na yung 15 minutes late... at big deal na yun.

Anonymous said...

ang isang galing switzerland na gusto ko ay yung swiss knife. nagkaroon din ako ng mahigit sampu nung araw. ang ginagawa ko kasi kada upgrade ko ay binibigay ko kay erpat yung pinaglumaan ko. pero nung nakarating ako sa europa ay binili ko si erpat nung mamahalin talaga.

ponCHONG said...

@kris jasper..pumunta ka pala dito di ka man lang nagparamdam..(ngek!feeling close).

sign of ineffeciency na yang nali-late. 15 minutes late id sonsidered absent. salamat for dropping by.

@madbong..magandang klase ang swiss kapag don ka mismo bumili sa shop ng mga army stuff. pero di ko alam ang bilihan ng brand new, second lang. mahilig sa ukay-ukay e.

Dakilang Tambay said...

nanay ko galit na galit samin pag nalalate kami tipong 9 ang usapan 8:30 pa lang nandun na kami sa meeting place

Coldman said...

Sana nga lang mabago na natin yung Filipino Time. Iba pa rin pag nasa tamang oras ka. =)

FerBert said...

hahaha.. Pinoy time..hahaha

ayoko ng na lelate ako eh..
lagi akong maaga kung may gimik o pupuntahan pero kung pagpasok sa school lagi naman akong late

ponCHONG said...

@dakilang tambay..me pagka swiss pala nanay mo.

@coldman..tama ka. ano naman ang silbi ng mga relo natin sa bahay kung lagi man tayo late.

@ferbert..dapat lang na on tine ka sa gimikan, di kasi tinatanggap ang excuse letter don.

Anonymous said...

may kaibigan ako dating vietnamese na nagpa-party, tapos sabi nya 6 daw start kaya andun na ko before six. tanging ako lang ang pilipino na invited at ako lang ang on time.

lahat dumating magse-730 na. haaayy, akalain mo yun, uso pala sa buong asia yun, kelangan lahat fashionably late. ahahha!

Abou said...

time, i've been passing time watching trains go by...
all of my life...

-matueog eot ang. natamaran ako magtan-aw sa ang blog. gintabing ko kaina indi ko mabalik. hin-aga ko lang ayuson a. naugot ako. indi ako ka connect sa ym, grr.

ponCHONG said...

@tisay again..magkakapitabahay lang kasi vietnam tsaka pilipinas kaya siguro nagkahawaan.

@abou..ano ra panami-nami it lay-out ay nga nagapinueaw kat ing. hehe..