Demo Site

Sunday, April 20, 2008

LEFT handed


Ano ba ang dapat -- kaliwa o kanan?

Ako lamang ay nagtataka kung bakit may ilang mga tao na napaka-particular sa kung anong side ng kamay ang dapat na gamitin. Nasa demokrasyang bansa naman tayo nabubuhay at palaging itinuturo sa atin ang kalayaan para mamili -- walang sapilitan. Kanya kanyang opinyon, dapat i-respeto.

Hindi ko maalala kung ano ang pinili ko -- maging kaliwete ba o kananite. Hindi ko din maalala kung nagbigay ba si nanay ko ng choices sa akin o kaya wala na akong choice kundi sundin ang choice niya.

------------------------

Noong maliit pa ako (hanggang ngayon maliit pa rin), habang nagpaparaktis pa lang magsulat gamit ang malaking MONGOL na binibili ng nanay namin, ang naalala ko ay pinapatik ng nanay ko ang aking kamay kapag namali ako ng hawak ng mongol. Dapat ay laging nasa kanan. Kailangan magsulat ka gamit ang kanang kamay. Bobo ka daw kasi 'pag kaliwete ka at kabaligtaran naman kapag kananite. Kaya tuloy pakiramdam ko para naka-acquire ako ng 99.9% solomonic wisdom dahil kananite ako. Napaka-astig ko at malimit mahirap ko maging kaibigan ang mga kaliwete.

------------------------

By nature kaliwete ako, as in kaliwang kamay ang madalas kong gamitin. 'Pag kumain, pag humawak ng kung anong bagay, pag nagpunas ng pwet, pag nangulangot at pag nagdya.....dyaran...text. (Haha..) Hindi ko alam kong nasa angkan din ba namin ito at kung isa ako sa mga nagmana nito. Mas malakas ang kaliwa kong kamay kesa sa kanan kaya madalas ito rin ang nababaldado. Maliban sa isang bagay. Kananite ako pag nagsulat. Kaya safe ako sa t'wing mag-aarange si Mam noon ng seat plan. Maliban sa maliit ako kaya lagi din ako nasa row 1. Parang umeepekto din sa akin ang tinuro sa akin ng nanay ko. Kasi siguro naniniwala ako. Hehe..ibang level ka kasi pag row 2 o row 3 ka na. Pero nabago ang perception ko sa ganitong bagay ng lumipat na ako sa elementary hanggang sa maghigh school. Gustong gusto ko tignan ang taong kaliwete pag nagsulat lalo na kapag babae. Pakiramdam ko mas astig ang ganon. Mas may arrive. Kahit hanggang ngayon gustong gusto ko tignan ang taong kaliwete masulat. Hehe..napakatalino tignan. Parang karespe-respeto. Parang lang sabi ko. Kaya nagpraktis din akong magsulat sa kaliwa kong kamay.

Hindi pala lahat ng pinaniniwalaan natin ay tama. Kung minsan ay isinasara natin ang ating sa sarili sa mga paniniwalang katulad ng ganito kung kaya hindi nakikita at naaapreciate ang kagandahan ng iba pang bagay. ('sus..emo-emohan na naman) Pangit din pala na ilagay lang natin ang sarili natin sa parang isang kahon.

At eto ang ilan sa mga sikat na kaliwete:

  • Brad Pitt

  • Tom Cruise

  • Bill Clinton

  • Osama Bin Laden

  • Fidel Castro

  • Jim Carey

  • More...

Okay ang kaliwete, 'wag lang nangangaliwa.



5 comments:

Anonymous said...

weee! ako nanaman una. ahihihih!!

dahil di ako magpapatalo sasabihin kong ambidextrous ako...

rawrr, nakakatuwa ang mga kaliwete, madaling ma-kopyahan ang papel nila kapag may test. ahihihi!! hindi sa nangongopya ako pero from what i've heard ganun nga daw. ahahaha!!

si oprah din kaliwete. ahihih! lalang.

ponCHONG said...

@tisay..honor roll ka talaga lagi sa blog ko. wow! ambidextrous ka? in born ba or something learned'

Anonymous said...

tama!

ok ng kaliwete, basta hindi mangangaliwa.

kaliwete ako. hindi naman ako bobo. :)

haha. nice one.



link ex?

Anonymous said...

di ba si pacman kaliwete din? anung sabi mo nga...."ok ng kaliwete wag lang...? (jokes lang pacman kung mabasa mo ito hehehe)

ponCHONG said...

@walkinginthefields..sana di ka rin nangangaliwa. ex links? why not coconut.

@madbong..marunong din ba magbasa si pacman? di kaya puro suntok lang ang alam non? JOKE!