Demo Site

Thursday, April 03, 2008

my COKE side of LIFE


I love Coke. Ewan ko kung bakit. Ang sabi sa akin ng nanay ko, lahat daw kami ay pinalaki niya sa pamamagitan ng kanyang natural na gatas at never n'ya kami pinatikim ng ganitong inumin habang meron pa kaming milk teeth as in, never -- jamais. E paano, coke ng mga panahong iyon e kasosyalan na sa amin at nakakatikim lamang kapag me KBL (kasal, binyag libing). Ah, kapag pyesta pa pala. See, luging lugi sa amin ang sopdringks. At isa pa kasi, di naman Coke pinapainom at binibigay sa amin kapag kami ay maysakit -- Royal Tru-Orange at Skyflakes. Bakit kaya ganon? Gumagaling kami kaagad. Kaya gustong-gusto ko noon ang nagkakasakit.

Ganyan kami noon. Palibhasa, namulat sa hindi marangyang buhay, kuntento na kami sa simpleng tubig lang galing sa poso namin. At lumaki naman kami. Pero nang marunong ng mag-explore sa buhay, at lahat ng pwedeng subukan ay sinusubukan, aba'y naging parte na ng buhay ko mala-binong kulay na inuming ito. Parang cellphone. Ayaw ng nahihiwalay sa katawan at pakiramdam ko ay di-kumpleto ang maghapon kapag hindi nakainom nito. Adik. Sugapa. Ganyan nga!

Nagsimula sa maliit na bote, naging kalahating litro, naging isang litro ang pangangailangan ko sa kanya sa loob ng isang araw. Di ko na sinubukan ang super size nito. Biglang may himalang nangyari na magpaparamdam sa akin na "sobra na, tama na, mag-in can ka na lang." Hehe..!

Tumaas ang acid ko sa katawan. 'Di ko lang alam kung anong klaseng acid 'yon. Basta nararamdaman ko na lang lalo na sa umaga. Ang hapdi ng sikmura at nagsusuka. Pramis, 'di ako buntis. May kasabay pang paglalaway. Ang takot ko, 'di kaya nauulol ako. Kahit 'di pa naman kabilugan ng buwan e ganon ang nararamdaman ko (aswang daw kasi taga-Antique,kaya 'wag kayong magkakamali d'yan). At nakumpirma ko ito ng magpasuri ako ng dugo, sabi tuloy sa akin ng medtech, "Madalas ka bang gumamit ng babae?" Huwaat?! Tumataas din pala ang acid level ng tao kapag oversex? Kasi laging nilalabasan, ganon daw. Ewan kung anong paliwanag talaga. Kaya medyo iniwas-iwasan ko na din si Mariang Palad. Hahaha....!

Napanood ko one time ang "Supersize Me", at biglang nangamba din ako sa katotohanang nalaman ko. Ang amount ng sugar na meron ang softdrinks (di lang Coke) at ang posibleng mangyari din sa akin. Natinag ako pero pansamantala lang, balik na naman sa dati pagkalipas ng ilang araw. Meron kami history ng diabetes, heart problem ek..ek..at kung anu-ano pang sosyal na karamdaman. Kaya unti-unti akong nagbago. Unti-unting nagbabawas ng amount ng softdrinks at kung dati araw-araw meron nito ngayon e, every other week na lang. May improvement din. Sanayan lang pala. Sana tuloy tuloy na matanggal.

Iba na ang "motto" (slum book style) ko sa buhay ngayon. "Family First."



10 comments:

Abou said...

umpisa makaron ga comment eon ako. mas gusto ko ro sarsi ag pop cola ha ha. mas barato.

ano ra, ginbayaran ka it coke?

natan aw ko man ro supersize me

ponCHONG said...

sigurado ka nga owa ka it sakit? nakibot ang. mas barato ro pop ang sarsi hay muscuvado ro asukal nga ginagamit. hahaha..

ay a..ginasamad ko ro andang kredibilidad kung kaya ko.

kamusta man du supersize me?

FerBert said...

sus! ingat ingat ka...

matagal na kong di nakakainom ng softdrinks.. 2 months na din ata..
puro fuit juices na lang iniinom ko para healthy.. ang taba ko pa naman. nakakataba lalo ang softdrinks.. :D

www.kokeymonster.com

Anonymous said...

hey bro, greetings from nz. napadaan lang po. pwedeng exchange links? andun ka na sa akin

ponCHONG said...

@ferbert..buti umiepekto pa sa yo ang mga fruit juices

@madbong..salamat sa pagdaan. ayos a, walang problema

Anonymous said...

wah, ganyand din mom ko dati, araw araw nakakaubos ng dalawang litro ng coke. hanggang sa naging diabetic...tas ngayon,parang ikaw din, in-can na lang iniinom nya at yung diet. ahahah!

Dagdag kaalaman:

alam mo kasi, ang coca-cola meron yang component na component din sa cocaine, kaya talagang nakaka-adik. pramises, no joke. hindi sya yung euphoric component ng cocaine, kaya hndi sila pareho ng epek... not that i would know. ahahah! basta tinuro samin yan ng teacher ko sa chem dati.

at alam mo ba na kapag naglagay ka ng penny sa loob ng isang coke bottle madi-dissolve yun in a week yata, tas kapag naghulog ka ng pako sa bote ng coke, madi-dissolve naman yun in a month. ganun ka lakas ang acidity ng softdrinks.

ako sa caffeine lang naman ako naadik, kaya nung nalaman ko yan eh nagkape na lang ako. ubos na pera ko sa starbucks. ahahaha!!

ponCHONG said...

@tisay..oo nag-i-incan na ako at diet pero 3 kaagad. haha..exag naman yon..kaya nga, terible pala epekto talaga ng coke na yan

at perho na din tayo ngayon, nagpapraktis na akong magstarbucks. pasosyal lang. LOL..

Lyzius said...

sa amin men royal at marie biskwit...pag me lagnat yun ang gamot!

Kai Reyes said...

Haha! Ang kulit ng post neto! Apir! Nkkataas pla ng acid ang sex? ;|

ponCHONG said...

@de lyzius..epektib din ba?


@kai..kaya ikaw, wag masyado mag-engage kasi pagdududahan ka din pag acidic ka.