Naniniwala ako na malaking porsyento ng mga Pilipino na kabilang sa working class ang nagnanais na mangibang bansa dala ng kahirapan at kagustuhang umangat sa buhay. Karamihan kasi ng nakakausap kong mga kaibigan at mga kakilala ay nagsasawa na sa buhay Pinoy sa Pilipinas. Kaya nga, kahit anong paraan na lang, legal man o hindi, batid man niya o hindi, e kinakagat sa higpit ng pangangailangan kapalit ng nakikitang halaga na kikitain sa abroad. Nakakalungkot man isipan na merong mga nabibiktima ng pananamantalang ginagawa ng ibang kapwa nating Pinoy na sa halip na ginhawa ay nauuwi sila sa kapahamakan. Tsk..tsk..kaya nga laking pasalamat ko na kahit papano e maswerte pa din naman ako.
Karamihan din ng mga Pilipino dito sa Geneva ay mga illegal immigrants. Sa layman's term TNT daw. 'Di 'yon pasabog at lalong walang kinalaman sa mga terorista. Hindi lang naman sa Switzerland maraming mga iligal na Pinoy at hindi lang naman mga Pilipino ang nagti-TNT. Mas malaki pa nga porsyento ng mga Latinos. Lahat nakikibahagi sa amoy ng swiss chocolates, swiss watches, wines at hmm..cheese.
Eto ay kwento ng bespren kong si Lawrence. Wala s'ya sa Switzerland pero may katulad na karanasan din sa iba. His one way travel with round trip ticket.
NAIA, Manila Phillipines
Excited na s'yang umalis pero alam nyang walang kasiguruhan kong matutuloy ba s'ya o hindi kasi nga nagbabakasakali lang sila. Pito silang magkakasamang "lilipad" that day at s'ya lang ang walang pares. Maghapon silang bin-rief sa agency ng mga dapat nilang gawin, kesyo dito lang kayo pipila, eto ang pangalan mo etc..etc..'yong katulad ng nangyayari sa TV. Last minute na sila nagcheck-in at hindi sila sabay sabay. Napahuli pa tuloy siya pero hindi man sya nahirapan makapasok kasi meron na kaagad kontak sa loob. Naririnig niya ang PA na boarding na ang eroplano nila. Papunta silang Bangkok. Dahil sa maraming security check sa airport, pinahubad ng sapatos at sinturon at anything na may metal e pinaalis sa katawan. Mabuti na lang at hindi nya suot ang lucky underwear niya -- ang jockey na may metal button. Bagong style. Kaya dahil ayaw n'yang maiwanan ng eroplano, bitbit niya ang kanyang sapatos at sinturon habang hawak naman ng isang kamay at pinipigilan na 'di malaglag ang kanyang pantalon habang tumatakbo. At last, Bangkok, here I come na s'ya.
Bangkok International Airport
Bangkok, ThailandTatlong oras na nasa ere bago dumating sa Bangkok. Mga alas-singko na iyon ng hapon at apat na oras pa daw ang hihintayin pa uli lumipad papuntang Paris. Hindi ito ang unang byahe niya outside Philippines. Eto ay ayon sa pasaporte niya. Doon niya nalaman na advance pala ng isang oras ang Bangkok sa Manila. Ten days lang naman daw silang magtu-tour sa Paris kunyari. Sama-sama pa din naman silang pito kaya lang nagkahiwa-hiwalay sila pagdating sa Bangkok kasi iba naman ang destinasyon ng iba. Tatlo na lang sila ngayong magkakasama pati si "kuyang tagahatid". Boarding time na uli. Pila uli s'ya sa gate at pinili niya linya ng babaeng nagtsi-check sumabay. Smooth na sana lahat ng biglang nakialam ang isang bading na nagtetelepono. Siguro kasi gwapo s'ya, kinursunada ang bespren ko para i-check. Hmm...umaakyat na daw sa lalamunan ang betlogs niya sa kaba at nag-isip na babalik uli sya sa Manila. Hawak ng bading na thailander ang passport at boarding pass niya, may tinawagan ito pero lakas loob pa din ang kaibigan ko. Kukonti na lang ang nasa pila, kaya naisipan niyang magsinuplado.
LG: Excuse me, is there a problem with my passport? (aware s'yang meron)
Bading: Uhmm..is this really you? (habang nakatingin sa litrato niya)
LG: Yes. Why?
Bading: Are you sure? It looks like this is not you? (Pagkatapos ay itinabi sa mukha niya ang nakabukas na paasport at pinaghahambing ang letrato sa mukha niya.) This is not you. (Nilente na naman ang paasport at sinuri ang visa) When was the last time you travel?
LG: A month ago.
Bading: Where?
LG: In San Diego, California. (husss....imbento syempre. May US visa din kasi passport niya e)
Bading: So how long did you travel from Manila?
LG: (nag-isip. 'di naman nya kasi alam e) I don't know and how will I know. I'd been sleeping all throughout the travel time. And why are you asking me? Can't you see, I have my passport and all my visas are genuine. Now if you don't believe that it is me in the picture, it is not my problem but as far as I know, it's me. (basta may maisasagot daw s'ya)
Bading: Ok, I will let you get into that plane but we will hold your passport and you will have it once you've reach your port of destination and you will be responsible to the authorities there and, are you aware that if they prove that you did something wrong, all your visas will be cancelled and you cannot go to Europe your whole life?
LG: I do.
Kaya pinasakay din s'ya ng eroplano pero boarding pass na lang ang hawak niya. S'ya ang pinakahuling pasaherong umakyat. Hopeless na din s'yang makalabas pa ng Paris at paglapag niya dito, alam nyang babalik din s'yang Manila kaagad. Sa tension na nadarama, humingi sya ng tubig sa attendant, hindi masyadong ginanahan sa pagkain at lalong hindi nakatulog sa kakaisip ng diskarteng gagawin pagdating sa Paris. Minsan na syang nakarinig ng mga kwentong pinaghuhubad daw haban sinusuri, kesyo lahat ng gamit iniisa-isa at malamagng 'yon din ang mangyayari sa kanya. At iyon na ang huling sakay niya ng eroplano.
Charles de Gaulle International Airport
France
Pagkatapos ng mahigit sampung oras na byahe, nasa malaking airport na sya ng France. Nagpatihuli na namna s'ya ng baba. Hawak ng steward ang passport niya, sumunod sya dito hanggang sa immigration. Mahaba ang pila pero sumingit ang stewrad at pinatatakan ang passport niya tapos dinala sya sa kung saan niya kukunin ang kanyang luggage. Inabot sa kanya ang passport at ticket niya sabay sabing " Your luggage will arrive in 7 minutes." At umalis. Nauna na ang kaibigan ko sa tatlo niyang kasama. Hawak na niya ang bagahe niya at hinahanap ng mata ang lalaking nagdala sa kanya kanina. Pero wala, hindi na niya nakita. Kaya sinubukan niyang sumabay sa mga taong naglalabasan pero umuaasa saang inaabangan s'ya don sa exit. Pero wala, wala talaga. Nakalabas na sya ng airport at naghanap ng taxi. Kailangan niyang magpunta kaagad sa istasyon ng train. At nakahanap nga. Habang nasa taxi na, para siyang sisigaw sa tuwa. Nagkwentuhan sila ng driver at nalaman niyang Cambodian pala ito na may asawang Pilipina at ang lupit ng sound nya sa loob ng taxi -- kanta nga Asin Band. Mabilis silang nakarating sa Gare de Lyon. Doon nya napansin na ito yong train station sa pelikula ni Matt Damon na Bourne Supremacy ba 'yon. Nauna pa sya sa tatlong kasama niya. At lahat sila, sabay sabay na sumakay ng train papunta Italy. Ngayon relax na s'ya.
Mahirap din ang pinagdaanan niya. Pero lakasan lang daw ng loob at naging maswerte s'ya. Nanaig kasi ang kagustuhan niyang makaalis ng Pilipinas. Nasa Milan na s'ya ngayon at katulad din ibang Pinoy e tinitiis at ninanamnam ang hirap at sarap ng pagiging TNT.
Ang haba nito ano? O s'ya, pagod na 'tong mga daliri ko.
4 comments:
TNT? Wow. super lakasan lang talaga ng loob yan. Madami din ako kilala na TNT, okay lang yun. mggrant din xa ng legal visa. goodluck sa friend nya:)
@kai..ipi-pray over ko nga s'ya e para magkavisa na din.
bro, dito sa nz bihira ang TNT. dahil na din siguro sa isla kami ay mahirap magtago at mahirap makapasok. maliit din masyado yung population (4 million lang tao dito mas marami pa yung baka sa tao)kaya madali sila mag-monitor. mayroon pa ngang palabas dito (Borderline)na tungkol lang sa paghuli nila sa mga illegal overstayer dito
@madbong..balita ko nga istrikto talaga immigration laws d'yan. pinag-iisipan ko kung itutuloy ko application ko jan banda..
Post a Comment