Sa panahon ngayon, kung saan wala ng mura at hindi na rin uso ang libre, kadalasang naghahanap tayo ng maagarang alternatibo para tugunan ang kung anumang pangangailangan. Sa pagsibol ng kulturang "instant", madali at lalong 'di mahirap sa ating mga Pilipino ang mag-adopt sa ganitong istilo. Kasi daw flexible at elastic tayo, parang lastiko. Kaya tuloy dumami ang mga nagkahilig sa ukay-ukay at made in china.
At speaking of made in China, alam kong kahit anong bagay ngayon ay napipirata, naku-clone, nakokopya -- gaya gaya, puto maya. Kung sa Pilipinas nga e nahirapan si Edu at mga tauhan nitong sugpuin ang talamak na pamimirata ng mga kung anu anong video, music, softwares, at kung anu pang nasasalin sa isang disc, 'di na rin siguro kataka taka kung ito man sa makalabas ng Pilipinas. Iba talaga tayong mga Pinoy.
Actually, wala namang kinalaman sa music o videong pinirata ang ipopost ko ngayon. Pero ito ay magbubuking ng isang sikretong 'di lang naman ako ang gumagawa. At talagang aaminin ko din. Oo, ako ay PAPAYA KING. Mga anim na taon ko na rin sigurong inaalagaan ang sensitibo kung balat sa mukha ng isang papaya soap. Ang akala ko kasi noong una, talagang puputi ako 'pag eto ang ginamit ko at hindi safeguard. Pero hindi pala, 'wa epek sa akin ang pumuti at 'di rin naman pinangarap pa na magmukhang Michael Jackson. Pero sa loob ng mahigit kumulang anim taong paggamit nito naging komportable ang dating balat aso kung mukha, ngayon naging mala-"anghel" na (in " "). Ibig kong sabihin, iba talaga ang nakasanayan. Kaya nong huling ni misis ko sa Pilipins, mga labinlimang piraso ang dala niyang "Likas", baka kasi la nag espasyo para sa mga tuyo at daing.
Pero mag-iisang taon na din yon at ubos na ang stock ko. Matagal na naman bago umuwi sila. Kaya bumili na lang kami sa isang Asian store dito. Indian ang may-ari. Kung sa Pilipinas, Bombay. Kuha kami ng dalawa kaagad. Mga tatlong araw ko narin sigurong ginagamit ng mapansin kong medyo may kakaibang epekto sa angelic face ko ang sabong ito. Instead na kuminis, parang gumagaspang at parang nagmumukhang nahulugan ng langka ang mukha ko at ang hapdi. Anong nangyayari? Kaya tuloy nagduda ako na baka peke itong sabon na ginagamit ko. Buti na lang di sa kakahalungkat ni misis ko ng mga gamit sa kabinet, meron pang natirang galing Pinas. Aware naman ako na meron ngang pirated version ang Likas Papaya. Kaya pinaghambing namin.
Eto ang ilan sa kaibahan ng totoo at pekeng Likas ayon sa akin:

- Mas matingkad ang kulay ng package ng original at pati ang nagrereflect na logo nito.
- Malinaw ang pagkakaprint ng "manufacturing number" ng original.
- Magkaiba ang font style ng pagkakasulat ng teksto ng "award" ng original. Parang times ang original at parang courier naman ang isa.
- Magkaiba ang amoy. Parang amoy mantika ang original at mabango naman ang isa.
- Pag gamit na, mas pino ang texture ng original.
Hindi ito isang ad at lalong walang binyad sa akin ang kompanya ng Likas. Kacheapan man itong masasabi pero may nais lang din akong iparating. Maging mapanuri sana tayo sa produktong ating binibili lalo na kapag may kinalaman ito sa ating kalusugan at syempre, kaligtasan. Hindi porke mura e sunggab na tayo. Sa huli e, ikaw din ang lugi.
Be wise. Gamitin natin utak natin. Sayang. *_*

No comments:
Post a Comment