Demo Site

Monday, March 24, 2008

BASTA Abou

Akala ko masaya. Akala ko nag-a-unwind. Akala ko nagrerelease lang ng stress at pressures. Kaya s'ya nawala at nagbakasyon, sinulit ang mainit na panahon ng Mahal na Araw at ako ay umaasang sa muling pagbabalik n'ya ay susorpresahin n'ya hindi lang ako kundi lahat ng mga nagmamahal sa kanyang....BASTA.

Totoo. Nasorpresa talaga ako. As in...Hhhuuuwaaaatttt! At parang hindi makapaniwala na makikita ko iyon. Linggo ng Pagkabuhay pero parang namatayan ako , ng isang mahal sa buhay. Kaya tuloy hindi mawala sa isip ko hanggang sa kami ay matulog kung bakit siya nagpasyang magsara ng "bahay" sa kahit kanino. Nais kung malaman ang kasagutan sa tanong ko galing mismo sa kanya at mukhang pinalad naman ako na makita ko s'yang ...bling..bling..online. Our online conversation was like it was normal and he gave me his reason why he decided to close his blog. Nalungkot s'yempre ako kasi kahit milya man ang layo ko, pakiramdam ko at home pa din ako kasi alam kong naandyan lang s'ya. Basta andyan lang s'ya.

Hindi ko man ito laging sinasabi sa kanya pero s'ya ang dahilan kung bakit nabuhay muli ang interes ko para magblog. Ang isa sa mga dakilang mentor ko.
Kinumbinse ko s'yang bawiin ang sinabi n'ya pero noong huli kong buksan ang URL n'ya, bigo akong makita ang kanyang pagbawi. Nalulungkot man ako kasi naputol ang isang hibla ng bulbol ko..este..isang koneksyong nagdudugtong sa aking mga pinagdaanan pero nirerespeto ko kung anuman ang kanyang pasya. Sana nga lang magbukas s'ya uli ng bagong kuwan...Basta!

Abouben's BASTA...

...this blog is closed...

Sana nga lang hindi matatapos sa blog ang koneksyon namin. Magkikita pa din tayo.


2 comments:

janelleregina said...

Nalungkot at nabigla nga ren ako nung nabasa ko yun sa blog niya.. Ba't ganun? Kalungkot talaga.. =(

ponCHONG said...

@señora janelle..yaan na muna natin s'ya. gusto lang non maghanap ng konting katahimikan. naguguluhan lang siguro..epekto ng wine (baka lang) LOL