Wala akong balak magpasosyal. Hindi ko ugali 'yon at isa pa wala akong karapatan. Ayaw kong isiksik ang sarili sa isang kaugalian, kung ganito man itong matatawag, na hindi ako komportable dahil magmumukha akong trying hard na tanga. Kaya nga nagkaroon ako ng panuntunan sa buhay na "Ilibing ng buhay ang mga pasosyal!" at kinakanta ko pa 'yon.
Mga dalawang taon ko na ring ginagamit ang mala-ice scraper kong cell phone na Nokia 3250. Mabigat pero cool na cool sa music lalo na kapag finul volume ko ang kanta ni Tuesday Vargas na "Kuya, 'Wag Po." O di ba, jologs na jologs.
Martes noong nakaraang linggo ng naisipan namin ni misis ko na dumaan sa isang mobilezone para magcheck kung ano ang bago nila. Whoaaa...ang dami pala pero 'di ko tinitingnan lahat. Sasakit lang ulo at loob ko kasi 'di ko naman matake home lahat. Iniisip ko na lang "hmmp..mas bago mas komplikado mas maigsi ang lifeline. Ok na yong basta maka-talk and text." Period!
Sa katitingin sabay tanong sa "tindero" kung pwede namin maextend ang existing contract namin, umuo sila, pinamili kami at wala naman kaming binayaran kahit singko, isa pa wala naman akong dalang pera kasi magtatanong nga lang, kaya heto ngayon..dyaran....
Ang bago kong Nokia 6500 Slide dahilan para ako mamulubi ng dalawang taon at kung mamalasin pa baka gagawin kong sinigang ito kapag wala na kaming maulam. O di ba, for a change, sinigang na cellphone.
Pramis, hindi ito ang magiging huli kong telepono. Hehe...akala ko tigil na.
4 comments:
gusto ng former officemate ko yang 3250.
hehehehe.
sige.
sige,
pwede kaming magtrade in. LOL
ang yabang ng cp mo ah.
hmmn..patikim mo nga skin yng sinigang na celphone.
fave ko pa nman ang sinigang.
hehehe...
what a choice of song from Tuesday..hahaha!
@churvah sure..zero cholesterol ang sinigang na celfone..health-friendly..ü
Post a Comment