Demo Site

Tuesday, March 11, 2008

sa isang KAIBIGAN



Dear Abou,


Salamat at natanggap mo na din ang padalang red wine ko kahit na nagdadalawang isip ka pang inumin. Hindi ko alam kong nanghihinayang ka dahil sa presyo o dahil sa sentimental value ng berdeng bote na yan. Alam kong parehong mali ang alinman sa hinala ko.

Pwede namang hindi ako mag-aksaya ng panahon para bumili dahil nagsale, balutin ng dyaryo at plastic at ilagay sa kahon sa pagitan ng mga tsokolate dahil alam kong isa ka ng "totally organic" na tao ngayon pero minabuti ko pa rin na gawin dahil iyon ang gusto ko hindi dahil meron akong gustong patunayan. Para isang bote, 'di ka nyan malalasing. Swerte mo di ko naisip balutin ang isang kahon.

Salamat sa pag-aming ikaw ang utak sa gabi gabi nating pagtatagay ng bilog, lapad o long neck na may kasamang isang malaking lata ng del monte at sa pag-antay sa akin bago ninyo simulan ang magdamagang paglalagok nito sa pagitan ng paulit ulit na kwentuhan at paminsang minsang pag-uusok ng bibig. Kung ako man ang nauunang pumikit at humilik, aba'y dapat lang kasi naman alas kwatro ng madaling araw e nag-uumpisa na akong trabahuhin ang mikropono at kayo ay gisingin. Swerte mo at mahaba ang oras ng pahinga mo kaya kahit ilang litro pa ang tunggain mo e ayos lang.

Alam kong masyado ka ng concious sa mga abs mo ngayon kaya sigurado ako na hindi na muli mangyayari ang mga bagay na 'to katulad noon. Pero kahit gaano mo man i-deny, sigurado rin ako na paminsan-minsan ay tumitira ka. Oo, malay ko sa mga oras na offline ka at nagkukunyariang natutulog, naandon sa ihaw ihawan namumulutan.

Pero sana, malasing ka man n'yan o hindi, isa lang ang gusto kong sabihin. (madami na pala akong nasabi) Higit sa kung ano pa man, isang pasasalamat 'yan sa pagkakaibigan. Sa mga time na pinapalitan mo ang songs ko sa playlist ko, sa mga panahon na pinag-iinitan ako ni mike dahil sa ako'y late dahil sa hang-over at sa mga panahong namamalimos ako sa inyo. Hekhek...kulang pa na pambayad kahit lunurin ka pa namin sa drum ng pinaghalong red wine at tuba ni tatay.

Malayo man ako e mas lalo akong napapalapit sa inyo pati na ang pamilya ko. (lang'ya!..emo ang dating) Kaya hindi ko sinamahan ng pulutan yan e kasi, personal kong dadalhin sa inyo, kung kelan, 'wag mo nang antayin. Sisimutin ko muna swiss francs dito ng maibahagi ko din sa inyo. (an' lupit!).

Hanggang sa muli.

Salamat.


Ponchong

8 comments:

churvah said...

wow!
ang bait mo namng kaibigan..
nabasa q ung about sa wine sa page ni abou.

hehehe..la lang.
chismosa mode.

ponCHONG said...

kung gusto mo kaibiganin mo din ako para may wine ka din. LOL

pasaway mode!

churvah said...

ay may gnun?
hahah..!

wish q lng marunong aqng uminom ng wine..

tamang lambanog lng ang kaya ng lalamunan q..

lolz!

ponCHONG said...

lahat ng bagay e natutunan..ako nga dati sanay din sa inuming kalye (kalye talaga ano)..pag natry mo ang magkakaroon ka ng talent sa pagpili ng swabe sa hindi..hehe

churvah said...

haha..joke lemeng un!
di nga aq umiinom ng alak eh.
sikat lng ung lambanog d2 samin, pero di aq umiinom nun.

san mig light nga, sapilitan pa.
kundi lng kasama ung crush q sa inuman noon di aq mapainom ng san mig light.hehehe!

di ko lng tlga maisip kung anong ikinasarap ng alak at gustong gusto niyo.ang pait kaya.

ponCHONG said...

@churvah..third class na alak ang natikaman mo kaya baka puro suka ang nalasahan mo. once natry mo ang tunay na red wine you will certainly love it..

check mo kung bordeaux ang wine masarap yan. wag mo lang sobrahan..or else singlot ang labas mo!

churvah said...

coming from the expert ba ito?

lolz!

cgeh nga try ko yang red wine na yn..i heard good for the health dw ang red wine eh.

ponCHONG said...

agree ako..may antioxidants daw at nagpapahaba ng .....buhay (depende sa dami ng iinumin mo)LOL