Demo Site

Friday, March 14, 2008

wishing WHEELS

Hindi ako mahilig sa sasakyan. Ewan ko nga din ba? Siguro kasi masyadong maluho ang hilig na ganito, masyadong mahal para sa isang katulad kong isang hamak na tagadampot lamang ng "tae" ng aso. Pero 'di ko iyon ikinakahiya bagkus, iniisip ko na mas maswerte akong di hamak kesa sa iba jan na namamalimos at halos ibenta pati kaluluwa para kumita ng pantawid gutom. Dala na rin siguro ng kung papano kami iminulat sa buhay ng mahal naming magulang kung kaya maksakay lamang ng traysikel e para na rin akong naka-Lexus. Kaya kapag nagtitipon ang mga extraordinary gentlemen at napunta ang usapan sa wheels e bigla akong natatameme at nalolost. Napakatechnical ng mga terms and hindi masyado nadadigest ng kaisipan ko. Kapag kasi nagtitipon kami ng barkada ko dati, di naman kami nag-uusap tungkol sa wheels e kasi naman lahat kami, traysikel at karo lang ang alam. Wheels-less nga ika.



Pero kahapon, since taong bahay na naman ako at meron akong free ticket galing sa magaling kong amo, inaya ko si misis ko (ayaw nyang patawag ng pangga kasi daw parang sa tawagan ng mga tibo) kasama ti Bogoy namin na pumunta sa Geneva International Auto Show, para naman di masayang ang nilibreng ticket. Twice ko na tong naexperience. Masyadong nakakalula, pareho -- ang taong nanonood at ang mga wheels na bagong labas. Andon lahat. And since, naandon na rin lang kami, syempre di mawawala ang obvious na di pagkahilig sa iy*tan este piktyuran. Pretending na kunyari e gusto ko i-take home lahat ng naandon.


Pero meron kaming hinahanap ni misis. Since car show ito at hindi boutique, walang bag at walang choker na pwede namin idagdag sa collection. Hanap nami ang dream car namin (an lupit!) na pwedeng ipapackage katulad ng pinadala kong wine kay Abou. In short, folding na car parang folding bed, folding umbrella at iba pang natutupi para namamaximize ang espeys. Pero wala pa yatang nakakagawa ng ganon. Sana mabasa ito ni Ferrari at maintindihan. (wish ko lang! 'Sus!) Eto ang napagkasunduan namin pag-ipunan. Isang Cayenne na nagkakahalaga ng nakakalulang 140,000 swiss francs, mga 5.3 million pesos..seso..seses lang naman. Mababa pa ang rate ng swiss francs n'yan. Wheww...

Eto pa ang ilan sa mga ebidensya.







O kitam! Libre ukay. Kasi di ko maiuwi lahat kaya eto souvenir na lang.


3 comments:

Anonymous said...

oh!!damnit!!cars car cars!!i love them....too bad they dont love me..lols..gusto ko yng grey na parang kay batman....grr..kakaingit..nakadalo na din ako sa isang car show..nasa baol ko...hukayin mo din if gusto mo...matagal na din yun....puro laway lang ang inabot ko dun...makaipon na din!

ponCHONG said...

@maldito tol, 'yong grey na parang ke batman, haha..it's a toy car pero mas malaki sya kesa sa usual toy car..

sigurado ako vintage na din mga collection..mas mahal ang value non..

ponCHONG said...

a yong ke batman look a like, bagong Mazda Taki..parang anime ang style.