Demo Site

Wednesday, April 16, 2008

BARYA


Mahilig akong mag-ipon ng mga barya. Iyong mga tipo na nakakadyahe ipambayad sa tindahan kasi matagal bilangin. Pero hindi ko naman inilalagay sa alkansya. Masama daw kasi sabi ng isang pamahiin -- palagi daw magkakasakit lalo na kung sa piggy bank inilalagay. Hindi ko rin kasi ugali ang magdala ng coin purse kaya kapag nasa bulsa lang nakalagay ay nagkakalansingan. Masyado tuloy halata na may pera ako -- barya nga lang.

Kadalasan, deadma ang barya sa akin. Lalo na yong mga 5 at 10 cents at 1/2 francs. Masyado kasing maliit. Minabuti ko na lang na ipunin sila sa isang garapon at nangalahati na ito. Sa katunayan, hindi ito ang una kong pag-ipon ng barya. Mga apat na buwan na rin siguro ang nakalipas, nakabili ako ng razor sa buhok dahil sa naipon kung 5 at 10 cents. Kaya hindi ko pinapalagpas kapag may nakita akong barya kahit sa kalsada. Sabi nga, 'di daw mabubuo ang piso kung walang 5 sentimo.

Parang barya din ang buhay ko. Akala ko wala akong silbi, laging nadideadma, lagi na lang ikinakalat at walang mag-aatubiling lingunin at busisiin kung ano ako. Laging second choice. Para akong barya na kupas na ang kulay dahil sa kalumaan. Walang kinang. Sikapin ko mang magpakinang ay laging may nakakasapaw. Nakakasakit na kung minsan. Parang singaw. At akala ko laging ganoon. Mali pala ang akala ko. Laging mali...


Minsan ko ding pinangarap na magkapamilya. 'Yong maging tatay ako. 'Yong may asawang magmamahal at mag-aasikaso sa akin. 'Yong kahit ganito ako ay may pag-aalayan ako at may makakapag-appreciate ng kung ano ang ginagawa. At 'di naman ito ipinagkait sa akin ni Papa Lord. Mainam talaga ang nagpapakabait lalo na kung pangit ka lang din, mas pinapaboran ng langit. Haha...


Dahil sa pamilya ko, mas nagkaroon ako ng purpose. Dito, sa puntong ito ng buhay ko napagtanto na barya man kung ituring ko ang sarili ko ay mahalaga din. Sila ang dahilan kung bakit kahit wala akong kinang ay unti-unting napapansin. Sa kanila ko iaalay ang kung anuman ang bunga ng aking ginagawa at umaasang maapreciate din nila ito. Pero kung minsan, may mga nangyayaring hindi mo inaasahan. Minsan, masisinghalan ka na lang dahil sa lakas ng paggamit mo ng tubig, sa hindi nakaayos na damit sa cupboard, sa tsokolate, sa boxer na nakakalat, sa balbas at bigote, sa pagsasapatos sa sala at kung minsan ay sa pag-aakalang ako ay nanininghal. Ang mas matindi pa nito ay kung may pinagseselosan. Por Dyos, por Santo. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawaging hormonal imbalance ang ganyang pakiramdam ng mga babae o talagang kakambal na yon ng pagiging babae nila. Bakit ba kasi nagseselos? Kelan ba dapat magselos? Ako tuloy ay laging natataranta lalo na kapag kasama ko asawa. Titingin ba ako. Okay lang ba lumingon? Kakausapin ko ba? Hindi ko alam. Kaya smile na lang. Ayon lalong nagselos. Hayy...


Siguro talagang barya ako. Akala ko lang na second choice lang ako, na walang ako halaga pero sadyang napakahalaga ko pala lalo na sa pamilya ko. Ayaw din siguro nila akong mawala sa kanila. Hindi sila buo kapag wala ako. At hindi basta basta pinakakawalan ang isang napakahalagang bagay kasi saka mo malalaman ang silbi nito kapag wala na ito. Ganon din ako sa kanila. Alam kong mahirap pero kaya ko ito. Isinusumpa ko ito sa sore eyes ko....nahawaan ako ng mag-ina ko at sana gumaling na. Kaya pakiusap.....




"barya lang po sa umaga."






11 comments:

Anonymous said...

hihihi! wag ka na lang kasi tumingin kahit kanino, kapag naglalakad kayo tingin ka na lang sa lupa. mas-safe pa yun. =P

har... ingat ka na lang.

Rio said...

hello po..napadaan lang po=) pwede po ba taung ex links? at pwede po bang humingi na din ng barya?lols=)

ponCHONG said...

@tisay..nasa honor roll ka lagi. kung walang liku liko siguro ang dinadaanan ko pwedeng sa lupa ang tingin.

@dra. rio..ex-links? pedeng pede doc. o sige nasa mood ako ngayon e, hatian kita pag napalitan ko na ng notes. LOL..

Abou said...

ro sinsilyo hay gina pilak man lang ron iya. uwa it balor. pang tatsing eang. hay, mga labay labay sa pagpangabuhi a.

ponCHONG said...

@abou..uso pa man gali ro tatsing..makaron gid man abi du pangabuhi, may mga labay labay.

Anonymous said...

barya man din pera pa din. yung mga barya ko parating hinihingi ng mga anak ko.

ponCHONG said...

@madbong..buti anak ko di pa marunong manghingi

Anonymous said...

napadaan lang sa bahay mo sa kaba bloghop...ayus lang ba buhay jan?

PoPoY said...

@kuya george :napakadrama naman ng post mo na to at ayos ang pagkakahalintulad mo sa barya ah?? hehehe :)

Anonymous said...

aysus! napakadrama mo kuya george! EMO ALERT! boo!

anyhoo HINDI AKO BARYA! bank cheque ako minsan tumatalbog. ahihihih :)

ponCHONG said...

@islander..tingin ko ayos lang ako sa bahay ko. tingin mo ayos lang bahay ko? balik ka uli.

@popoy..di ko alam na drama pala to poy. sana di ka naantig.

@ferbert..may konti ka influence sa kaEMOhan ko FB. para ka din palang bola--tumatalbog. LOL