Demo Site

Sunday, May 04, 2008

ENVY-tology

Bakit kaya may mga inggitero sa mundo?

Kahit ako ay biglang napatigil sa pagpifinger ng keyboard ko pagkatapos kong maisulat ang tanong na ito. Bakit nga ba? Para bang isang palaisipan na ngayon ko lang nalaman at pilit ko na namang pipigain ang utak ko sa kakaisip para sa isang kasagutan na hindi ako sigurado kung tama ba o mali.

Hindi raw maganda ang mainggit sabi ng mahal kong nanay. Dapat daw marunong ako makuntento at pagyamanin sa kung ano ang meron ako. Sabi ko nga, hindi kami ipinanganak na meron. Malimit laging wala ang sagot kapag nanghihingi kami at syempre wala nang reklamo 'yon. Kapag wala, wala. Kaya kung mapapadako man ang tingin ko sa kapitbahay naming kamag-anak na nag-uulam ng adobo at kami ay paksiw, 'di ko maiwasang magtanong, "Why Lord?" Kakatawa pero oo, nainggit ako. Kaya ang pambawi ko na lang, mas higit na masarap ang paksiw kesa adobo kaya siguro naging paborito ko ito.

Totoo. Inggitero din ako at sino ba ang hindi? Parang kakambal na ata ng pagiging tao ang inggit. Kapag nagkasanga sanga na ang sitwasyon, maaring pagmumulan ito ng gulo. Inggitero ako pero hindi ako nanggugulo dahil sa inggit. Kabaklaan yata ang ganon. Ewan pero ginagawa ko ang inggit ko para kalabanin ang sarili, para mas maging mabuti sa buhay, para matutong mangarap na balang-araw mas pa ang maaabot, para maging mas mabuting tao. Constructive enveism. Meron bang ganon?

Pero minsan kung kelan nagmature ka na, kung kelan mo narealize na talagang walang nagagawang mabuti ang inggit, kung kelan natuto ka ng makuntento sa bagay na meron ka, ikaw naman ang kinaiinggitan. Ang tao talaga, pasaway!

Wala akong maipagmamalaki sa buhay. Hindi ako mayaman. Simpleng tao lang ako. May masayang pamilya, may bibong anak at mapagmahal na asawa. Kasalanan ko ba na maliban sa magandang lalaki ako e saksakan pa ako ng talino. O diba hindi halatang mayabang at sinungaling ako? Pero bakit ako kakainggitan? Ano ba ang meron ako? Mga kaibigan lamang meron ako dahil sa kabaitan (?) at pakikisama.

Tunay ngang mahirap i-please ang lahat ng tao. Kahit anong buti ng pakikitungo mong gawin hahanap at hahanapan ka ng kung anong kapintasan para meron silang masabi. Tuloy marami ang nagmumukhang batya dahil sa Orocan na ugali, maraming peke. Maraming kakainis. Mabagal tuloy umasenso ang buhay.

Isang bagay din ang napagtanto ko. Kung ikaw ay inggitero(a), marahil isa ka ring dakilang insecure.

11 comments:

Anonymous said...

no. 1 ulet.

tama, insecure lang ang mga inggetero at mga mahilig manlait ng tao.

kupal talaga mga ibang tao, hindi na lang sila maging masaya sa success mo sa buhay gagawan ka pa ng chismis, dahil lang inggit sila. harrr...

rock on.

Anonymous said...

hindi nga masama ang mainggit kung gagawin mo itong inspirasyon para pagbutihin ang sarili mo. nagiging masama ang inggit kapag hinihila mo na paibaba ang iyong kapwa para paangatin ang sarili mo.

maraming nasisira ang magandang pagsasama dahil sa inggit. diba isa nga ito sa 7 deadly sins? bakit? kasi minsan humahantong ito sa patayan.

kasunod ng inggit, nariyan na ang Orocan na mas kilala nga sa tawag na orocan. hay nako. mga tao nga naman.

Anonymous said...

masama bang mainggit kay KC Concepcion?? hehehe..

Rio said...

ako yang anonymous...kung ano kasi na cliclick ko e..hehe

ponCHONG said...

@tisay..ganyan talaga pag artistahin daming intriga, ibig sabihin sikat ka. LOL

@KDR..sir, seryoso ka uli?

@doc. rio..ano naman kaiinggitan mo kay KC concepcion? sya pa siguro mainggit sayo.

Rio said...

napaisip ako dun ah...oo nga noh! baka sya pa mainggit pag nakita ako..lols!

Anonymous said...

constructive envyism-meron pala nun?

sabagay, kung magiging inspirasyon natin ang inggit pare mas maging maganda ang buhay natin. maganda yan!

inggitero rin ako pagminsan.hehe. ;D

PoPoY said...

kuya george. tama. kabatak na ng mgatao ang INGGIT. Isa sa 7 deadly sins. Ayoko maging plastik dahil minsan inggitero din ako. Lalo na sa kapitbahay na may ganito o si ganito naging ganyan. pero like what uve said, gawin syang inspirasyon para abutin yung gusto mong makuha. Parang "u have to look for the positive side on a negative attitude or situations"(magulo ba??hehehe. parang ganyan. hehehe. pero lately, hindi na masyado. kasi iniisip ko na lang, meron din akong mga bagay na wala sya. ganun. haaayy.. nice entri. :)

ponCHONG said...

@doc. rio..buti ka pa akasi nag-uupdate ng blog, si KC hindi madalang.

@kurisujae..di ko nga rin alam kung merong term na ganon basta yan ang pagkakadescribe ko.

@popoy..isa yan poy sa ayoko ko sa lahat, ang nagpapakaplastik. wala namang masama kung magpakatotoo. salamat sa muling pagbalik.

Anonymous said...

mamatay sa inggit ang mga inggetero

ponCHONG said...

@palagpat..haha..wala ng matira nyan sa mundo.