Demo Site

Tuesday, May 20, 2008

Happy BIRTHDAY, Geodric Matthieu!

Dahil birthday ng anak namin ngayon, meron kaming nais ipaabot sa kanya sa pamamagitan ng isang liham.


Geodric,


Parang kailan lang. Ang bilis lumipas ng panahon. Ang ibig kong sabihin, ang bilis mong lumaki at para bang pinaparamdam mo sa amin ng mama mo na tumatanda na kami. Two years ago, napaka-fragile mo. Takot kaming hawakan at galawin ka kasi baka magkalasug-lasog ang katawan mo 'pag kinatawan namin 'yon kasi parang ang lambot lambot ng mga buto mo na ngayon ay para kong nakita ang Halley's Comet kapag natamaan ng suntok mo ang mata ko.

Ikaw ang aming kaligayahan. Sobra mong binago ang dating boring na buhay namin ng mama mo. Oo, 'di ako napalundag sa tuwa ng sabihin sa akin ng mama mo na mahigit isang buwan s'yang buntis sa'yo pero nag-uumapaw sa kaligayahan ang puso ko ng mga sandaling iyon dahil sa nalaman kong hindi ako baog. Pasensya na hindi kasi ako masyadong expressive na tao. Ilang buwan ka naming iningatan hanggang sa dumating ang oras ng iyong pagsilang. Dalawang taon iyon ngayong araw. Tandang tanda ko ang oras na iyon -- 2:54 AM at malat na malat ang boses ko dahil sa kaiiri ko. Tama ka. Mas malakas pa ang iri ko kesa sa mama mo. Kitang kita ko kung papano ka lumabas sa kwan ng mama mo at buhok mo ang unang nasilayan ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaiyak ng ikaw ay sa wakas ay lumabas na balot ng dugo. Lakas ng iyak mo pati sipa mo. Ang napakastriking pa, ang itim ng bayag mo. Napakahalata. At para hindi kami makiuso, nabuo ang pangalan mo mula sa pangalan ko at ng mama mo.


Sinasariwa ko lang sa'yo ang mga pangyayari ng ikaw ay ipinanganak ka kasi syempre 'di mo 'yon alam. Maswerte ka nga at naikukuwento sayo. Ang lolo mo 'di ko alam kong nakita n'ya akong iniluwal ng lola mo. Dahil sa'yo, naging kumpleto tayo -- isang pamilya. Ikaw ang tanging yaman namin. Dahil sa'yo naging rewarding ang dating walang ka-challenge challenge na buhay. Hindi matatawaran ng kung ano pa mang yaman sa mundo ang kaligayahan na ibinibigay mo sa amin. Tagapagtanggal ng pagod namin ang mga tawa mo at sa t'wing tinatanong mo kami ng "Aw ayo?" at "Ab labyu!" At kahit minsan, hindi mo kami pinapatulog lalo na kung ikaw ay may dinaramdam na hindi maintindihan, walang anu man yon. Ano pang naging magulang mo kami kung hindi namin kakayanin ang ganong mga pagkakataon.


Pasensya ka kung minsan ay napapagalitan ka. Hindi ibig sabihin no'n ay nababawasan ang pagmamahal namin sa'yo. Iyon din kasi ang dahilan kung bakit ginagawa namin 'yon. At sa mga pagkakataong ikaw ay naiiyak kung napapalakas ang boses ko lalo na kung nauubos ang pasensya ko sa kakulitan mo. Gantihan mo na lang ako 'pag tumanda din akong makulit.


Wala kaming ibang hangad sa'yo kundi ang kaligayahan mo, ang maging mabuti kang tao, ang lumaki kang may takot sa Diyos at marunong lumaban sa hirap ng buhay. Hindi marangya ang buhay natin pero bubusugin ka namin (hanggang magkaimpatso ka) sa pagmamahal. Ikaw ang una sa amin higit sa kuna numan.


Dahil espesyal ka sa amin ng mama mo, gagawin din naming espesyal ang kaarawan mo. Maliban sa kainan at regalo, alay ko din sa iyo ang entring ito sa blog ko.

Maligayang Kaarawan, Anak. Mahal ka namin.



Tanging nagmamahal,


Mama at Papa

May 20, 2008



6 comments:

Anonymous said...

di pa naman siguro ako huli.. happy birthday na rin.. :p

Rio said...

ang cute ng baby mo kuya..mukhang kamukha ng mommy..lols! sympre kamukha mo din...
happy birthday kay baby!!=)

PoPoY said...

kuya george cute pala ni baby mo eh. hindi ko lam kung sino kamukha sa inyo ni esmi kasi hindi ko pa nkikita itsura nyo kahit sa picture lang.

mukhang bibong bata ah?

galing ng damit nya. hindi halatang nasa switzerland kayo hehehe.

AYOS!!! HApi Bday ulit sa baby nyo :)

Anonymous said...

hapi bersday sa anak nyo! marunong ba magtagalog?

Anonymous said...

aww! heheh! happy birthday sa anak mo. :)

ponCHONG said...

@jennifer..talagang di ka huli kasi ikaw ang una.

@doc. rio..sabay bawi ano doc. Lol..salamat.

@popoy..kaya yan cute at bibo kasi isa lang ang pinagmanahan..ang boy ng misis ko (ako yon)

@madbong..oo, tsaka ingles tsaka pranse. di na nga kami minsan magkaintindihan. pero sa totoo lang kasi matatas na magsalita.

@tisay..salamat tisay.