“All that I am, or hope to be, I owe to my angel mother”
-- Abraham Lincoln
-- Abraham Lincoln
Sa aking pinakamamahal asawa at natatanging nanay, salamat sa walang sawa at tunay na pagmamahal. At sa lahat din ng mga natatanging ina sa buong mundo,
Happy MOTHER'S DAY.
**********
Ilang araw din pala akong walang post. Hindi kasi kaya ng oras ko ang magbabad sa harap ng computer at mag-iisip ng maisusulat sa dami ng dapat unahin. Pero sa wakas, muli akong nagbabalik.
**********
Nitong nakaraang linggo, matapos ang ilang panahon na rin ng pagpaplano ng mga dapat gawin ay natapos na rin ang ika-labingwalong kaarawan ng isang kamg-anak namin. Matapos umuwi ng alas-dos na madaling araw kanina at gumising ng walang hang-over, aba'y muli naming inenjoy ang Linggo sa pagbabad sa swimming pool. Oo, mainit na ang panahon dito sa Geneva sa wakas. Goodbye na sa makakapal na winter jacket at kung ano pang mga anik-anik na gingamit sa katawan para lamang uminit ang pakiramdam. Hello naman ngayon sa shorts at tsinelas. Samantalahin na kaagad kasi ilang buwan lang naman ang itatagal ng init. Kung kaya kahit saang sulok ng lungsod ka ngayon mapadako ay parang nasapian ng kung anong ispiritu sa katawan ang mga tao dahil sa init ng araw. Parang laging piyesta.
Muli na namang makikita ang mga kainan at kapehan sa gilid ng daanan. Buhay na naman ang Lac Leman. Muli na namang makikita ang mga nakahubong nilalang sa gilid nito habang ninanamnam ang sikat ng haring araw. (sana naging sikat ng araw na din ako) Uso na naman ang piknikan at bar-b-Q party. Madami na naming kainan. Ibig sabihin mananaba na naman akong muli.
Buhay na buhay na namang muli ang Geneva. Sunod sunod na naman ang mga kasiyahang magaganap. Pinakamalaki na nito ang pagdaraos ng Eurofoot sometime in July. Dahil parang relihiyon na dito ang larong football, naglagay ang mga Suiso ang malaking lobong bola sa itaas ng Jet d'Eau dahilan na rin para mapatulala ang anak ko kapag napapadako kami sa banda roon.
Sa muling pag-init ng panahon, muling pagkabuhay ng lungsod, muling pagkakaroon ng mga kasiyahan, meron pa din akong nadaramang kaunting lungkot sa aking sarili. Ako'y nag-aalala.
Magiging EGOY na naman ako.
Hassshhh...oo, ikinalulungkot ang makita kong unti-unting tumitingkad ang dati ko nang kulay lupang balat. Pasensya na sa mga kalahi ko. Alam ko, black is beautiful pero mas maganda pa din ang kayumanggi.
Ganunpaman, anuman ang kulay mo, tara na sama-sama natin i-enjoy ang summer.
(wala ako sa mood ngayon kaya konti lang pictures na nilagay ko)
************
off topic
[Hindi lang kasi matanggal sa isip ko. Nakakalungkot isipin na nasira ang video camera namin. Ayaw mag-eject ng cassette. Nagpapalit na kaya ng bago 'to? Ibig sabihin kaya nito, mapupurnada ang bago kong cpu? Tsk..tsk..tsk..]
11 comments:
wow, summer na sa inyo. ingget ako ng labis-labis. :)
mag sunblock ka na lang.
cge, a sexy day to you.
postscript:
happy mommy's day sa iyong asawa, ina, tiya, at kapitbahay.
happy mother's day po sa lahat lalo na sa iyong mama at kay wife,,,=)
aba, everyday fiesta na di tani sa aton kay pirme lang init eh no.
sa pihak nga bahin, pati ka na, ginkahisaan sang mga puti ang aton panit, gani proud to be kayumanggi pirme.
happy mother's day.. huli man ang bati.. magaling padin ako.. haha.. ingatz!!!
happy mother's day.. huli man ang bati.. magaling padin ako.. haha.. ingatz!!!
www.superjen.vze.com
www.walongbote.co.nr
happy mothers day kay momi talde ah.
ahahaha. ang cpu. paano na?
@tisay..bakit? winter pa din ba jan sa inyo? LOL..di ata tumatalab sa akin ang sunblock.
salamat sa bati. hapi mom's day na rin sa mommy mo.
@doc. rio..hapi mother's day na din sa mama mo doc.
@palagpat..nahidlaw na ko gani sang matuod nga piyesta.
agree ako sa ginhambal mo amo gani nga kinahanglan brown lang di na mag-uling.
@jennifer..wow..wow..wow..may bago akong bisita. salamat sa dalaw. para akong maysakit, dinadalaw!
@KDR..sir, parang kukuha akong bagong CPU pero sa nangyari, unahin ko pa rin ang CPU.
wow,,, ang sweet mo naman...sa nanay at asawa mo!
summer dyan, tag-ulan na dito!
wag ka mag-alala uso naman ang nognog pag summer eh.
(belated) Happy Mother's day sa wife mo! ;)
@wanderingcommuter..pasipsip kami. LOL
@kurisujae..balita ko nga tapos na ang summer jan e..belated happy mother's day din sa nanay mo at sa asawa mo na din (?)
Post a Comment