I have a good weekend. Ramdam ko na talagang nagweekend ngayon kasi usually, we don't own our weekends. They belong to our relatives and some friends kung kaya mararamdaman ko pa din ang pagod. Mamalayan ko na lang, Lunes na bigla. Nakakabitin. Magtatrabaho sana ako pero salamat sa biglang pagsungit ng panahon kung kaya nakapagstay ako ng bahay. Bawas kita pero 'di bale na basta masaya.
Meron kasing mga affairs ngayon na gusto naming puntahan. Kaya, eto ang Sabado Loco ko.
First Stop
Kermesse
St. Jean XXIII
Tatlong taon na ako dito at tatlong taon na din akong pumupunta sa kermesse na ito. Para itong bazaar sa Pilipinas. Parang piyesta pero hindi katulad sa Pilipinas hindi lang ito puro kainan. Oo, meron din kainan at United Nations pa. Malakas ang apetite ko pero hindi ako excited sa pagkain kundi sa mga libro. Dito kami nakakabili ng mga murang books. Oo, mga used na pero hindi ganon kalaspag. This time, kasi parang kompleto na ang collection ko ng Grisham at Ludlum's, children's books ang punterya namin. Excited kami para sa Dodong liit namin, kaya super aga namin para mas maganda ang makuha namin and it was it. Maliban sa mga books, giliw na giliw ako sa mga DVDs and video cassettes. This time -- Sense and Sensibility, Awakening, Coming to America, A Life Less Ordinary, Shakespeare in Love at Before Sunrise ang nadagdag sa collection ko ngayon. Meron na din kasi ako ng mga war movies -- Saving Private Ryan, Blackhawk Down, We Were Soldiers, Behind Enemy Lines, Windtalkers -- ay ilan lamang. Sa halagang 50 Swiss Francs, dalawang shopping bag na puro libro at videos. Solb na solb ako. Sa susunod na summer uli. Pasensya na kasi sa sobrang excitement, hindi nagawang kunan ng letrato ang kermesse ngayon.
Second Stop
Fun with Pokwang
Fun with Pokwang
Ramada Park Hotel
Nasabi ko recently na mababaw ang kaligayahan ko at wala akong kahilig hilig sa mga stand-up comedians. Aliw na aliw ako sa mga taong kinakarir ang pagpapatawa para kumita. At dahil nagbayad ako, kailangang matuwa at tumawa ako. Kaya matagal ko na ring inasam na sana makapanood ako ng mga komedyante. Kaya ngayon, sugod kami ke Pokwang. First time ko ito kaya kailangan dapat nakapostura ako. Kakaibang experience din ito sa halagang 65 Swiss Francs. Napanood ko na din ang ilan sa mga video clippings ni Poki sa kanilang Europe Tour pero iba pa din syempre ang feeling ng first hand experience. At ngayon, di lang ako audience. I have the chance of dancing Poki sa stage. Poking-inang 'yan. Swerte ko lang din at wala akong katalent talent sa pagsayaw kaya hindi ako nangarir. Hahaha... eto ang ebidensya.
(hanapin si ako)
Paminsan minsan lang kami nagbobonding ng tulad nito ni misis at salamat din sa mga pagkakataong tulad nito kasi kahit papano ay nababawasan ang pangungulila ko sa buhay Pinas.
5 comments:
hmmm.... nami na before sunrise para sa mga gusto sang unusual love story. lantaw na namon sang dabarkads... medyo bitin ang ending... namuyayaw kami... gin play dayun ang sequel nga before sunset... para mabal-an ang sugpon.
di ko alam sinabi nya, pero parang naintindihan ko na rin. tama sya, bitin nga yung b4 sunrise, dapat pati yung before sunset bilhin mo. hehehe! nakaka-inlab si ethan hawke. maiisip mo, sana lahat ng cute na makikilala mo habang nagta-travel eh, nakaka-inlab den. hahaha!
ingget me. sana merong ding pilipinong sikat na pumunta dito sa amin. kahit pa ba comedian lang. heheh! nakaka-miss ang pilipinas. rawr.
great weekend kuya george. ayos ang naging weekend mo ha.. :)
enjoy the weekend with the family=)
@ palagpat & tisay..napanood ko na din at last ang before sunrise. ganda ni julie delpy, iba hitsura nya sa 2 days in paris. at medyo nakakarelate ako kasi sa europe ang setting. maganda talaga ang story pero medyo alam ko na wala pang ending ang story kaya hahanapin ko talaga ang sequel nito. what happened after 6 years. nagmo-movie marathon kami. meron kermesse uli this saturday.
@popoy..naku poy talagang c'est la belle weekend talaga. napgtripan ako ni pokwang.
@ dra. rio..thnaks doc. sana maulit uli to.
Post a Comment