Demo Site

Thursday, August 21, 2008

DARK summer KNIGHT

Halos isang buwan ko din itong inintay.

Alam kong kumbaga sa tinapay ay inaamag na ito sa dahilang masyado ng delay ang pagkakapalabas nito dito sa Geneva. Ganyan kami kabilis pagdating sa mga international films dito. Mabuti pa nga sa Pilipinas, nakakasabay sa mga international screenings. Ang sistema kasi, talagang pinaglalaanan nila ng oras na malagyan ng subtitle ang mga Anglo-audiod na mga films for the benefit of the Frenchmen and the Germans (with "s"...hahaha) and the hearing impaireds (with "s" again...bwahahaha). Masyado kasing spacious ang paglagay ng interpreter na nagsa-sign language na kung minsan masyadong annoying.



So eto, pagkatapos ng halos isang buwang pag-aantay, matutuloy na din ang plano naming mag-asawa ng panoorin ang masyadong pinag-uusapang "The Dark Knight". O ha! Masyadong updated. Actually, naipalabas na din ito sa ilan sa mga sinehan dito pero mas pinili naming huwag manood sa dahilang (A) siguradong daig pa ang distance ng marathon sa haba ng pila, (B) ayaw naming makiuso, at (C) nakaschedule na din itong ipalabas sa mas exciting na venue -- ang Cinelac. At doon kami excited. Every summer kasi dito nagkakaroon ng Cinelac na actually sponsored ng isang sikat na communication network. Nakatayo ang Cinelac sa Port Noir kung saan Lac Leman ang nasa background nito. Ang problema nga lang expose ka sa lamig kapag nagkamali ka ng suot ng damit. Parang ganito sya:


ang ganda ng kuha ko di ba? halatang propesyunal!

And since summer ngayon, hindi pwedeng magsimula ang show ng maaga kasi alas-nuwebe pa ng gabi lumulubog ang araw. We did not anticipate that something frustrating will happen. Syempre nangarir kami sa pamustura para naman hindi halata ang pagiging hardinero ko with matching paperfume na daig pa ang di naligong Arab sa amoy. Sus! Ano pa? Syempre kunyari di ako kilala ng asawa ko ang drama. Alam naming di kami late pero kita na kaagad namin na meron pang pila sa labas gayong in 15 minutes ay magsisimula na. Deadma at kunyaring relax para walang stress pero pagdating sa ticket booth, eto ang tumambad sa amin:


oh no! see! may humihirit pa. tama ang spelling n'yan -- that means sold out.

Damang dama ko kung paano ang mapahiya. Para kaming binagsakan ng pader pareho. Sana pala kasi bumili na tayo a week before..sana nagpareserve na tayo ng ticket kanina..sana bumili na din tayo online..sana..sana.. Pero yan ang totoo. Sabi ko sa misis, sige na uwi na lang tayo. Nood na lang tayo PDA sa internet. Kunsabagay, di lang naman tayo ang di nakapasok. Pero ayaw pumayag ni misis kaya nag-antay pa kami nang biglang mag-announce ang takilyera na meron pang dalawang available. Sakto! Nakuha namin in short pagkatapos makipagsikuhan ng asawa ko. Kaya sugod kaagad kami sa loob. Ang isa pa kasing ikinatutuwa namin dito pagpasok mo sa loob, libre na kaagad ang ice cream, tapos may laptop sa hallway na may libreng internet connection, eat-all-you-can na gummy candies plus free iced tea kapag uwian na. O saan ka pa!


Halos tatlong oras din ang palabas. At habang papalalim na ang gabi, papalamig na din kung kaya nginig hanggang buto ang inabot ko dahil isang manipis lang na pull-over ang suot ko at wala pang hood. 'Langhiyang Batman 'to. Mapupulmonya pa yata ako. Halos hindi umobra ang init ng katawan ng asawa ko habang yakap ko pero no choice, kailangang matapos namin 'to. Sayang ang bayad and for the sake of free iced tea later.


Pero kahit na nanginig sa ginaw at pagkastiff neck ni misis dahil sa hindi nakuhang igalaw ang leeg kasi tutok na tutok ke Batman, the movie was indeed a good one. Ledger was superb and the effects was quite impressive. Isa lang ang di ko gusto -- ang boses ni Batman. Nakakadistract ang masyadong paos. Parang hindi superhero ang dating. Pero talagang nag-enjoy kami. Kaya lang syempre sa sobrang late na natapos, wala na kaming masakyan pauwi kaya sa ayaw at gusto ko, sagot ko ang pamasahe sa taksi pauwi.


At eto pa:

ganito kahaba ang pila, di sa takilya kundi sa CR. ganyan ang kalakas ang impact ni dark knight.



Next summer uli.

20 comments:

Anonymous said...

huwaw!
maganda dba kuya?
sayang talaga si heath ledger...

mahaba pila sa cr ng lalake? bago un ah! hhehe

Anonymous said...

we have the same observation about batman's voice. basta gani maghambal na sya nga paos, kadlaw kami kag maghambal:

omg, ginsapi-an sang esperitu ni inday garutay...

ate luds ikaw ba yan...

heheh

Kape Kanlaon\ said...

saang country ba eto??? kawawa naman ang sinehan nyu dyan..hehehehe

madjik said...

Huwaw! Hearing impared friendly gid a!. Mas masaya siguro kung live sa harap yung taga sign! Hehehe.

Buti pa nga dyan Huli man si batman, at least naipapalabas. Dito sa saudi hanggang DVD!,DVD!.. Lang at walang sinehan dito.

PoPoY said...

sulit naman kuya. masaya ang ganyan.

halos lahat ng nakapanuod eh ganyan ang reklamo... yung boses daw ni batman hahha

next summer ulit :)

Abou said...

kuya di ako maka relate. wala kasing sinehan dito ha ha ha aantayin ko na lang sa hbo ha ha kung kelan di na sya uso ha ha

hay sus kad-ayad gid a, abu nga libre. cgurado may punutos ako karon pag nag uli ha ha

† Yods† said...

better late than never kuya ponchong! at least napanuod mo na din.

weirdo nga ang boses ni batman. parang nakapustiso na galing sa ilalim ng lupa na ewan. ehehe

lucas said...

waaaahh!! ang galing naman ng sine dyan..may libreng ice cream, ice tea, gummy bears at kung anu ano pa! waaa! sana may ganyan din dito sa pinas...

sobrang late n nga ng showing dyan. samantalang dito, minsan, nauuna pa sa premiere. hehe!

ang galing nga daw. unfortunately hidni ko napanood sa sinehan yan. tsk

sana si penguin or catwoman makalaban niya next summer..weee!

Anonymous said...

sa awa ng diyos kahit paulit-ulit ko ng sinabi sa napakadaming blog na papanooding ko to, hanggang ngayon hindi pa din!

Roland said...

wow saya naman dyan... buti nakapasok din... talagang, kung may tiyaga may ice cream may kasama pang iced tea.

sa mga kasabayan nito, e2 pa lang napapanood ko:
HANCOCK > di ko gusto
WANTED > i loved this. inulit-ulit ko.

may nakuhang pirated copy si room mate ng INDIANA JONES 4, we'll see it tonight.

Anonymous said...

libre gummy bears??? wow! sana may ganyan din dito sa pinas para naman ganahan kaming manood lalo

ponCHONG said...

ced .. talagang ayos ced.

ano pa! sabay sabay na jumingle lahat kaya nagmistulang box office ang pila sa CR.

palagpat .. ayun, nadumduman ko si inday garutay. basi siguro masyado nakuga sang iya outfit.

ponCHONG said...

lance .. laiitin ba ang sinehan sa Geneva. ganyan talaga pag wlaang pera, sa gilid na lang ng lawa tinatayo ang sinehan.

madjik .. siguraduha nga bukot pirated ing ginabakae ha! may mas kaueoy pa gali kesa sa amon iya. ahaha..

ponCHONG said...

popoy .. ayos talaga poy. sulit ang bayad, sa freebies pa lang.

abou .. isisi ang lahat kay frank manong.

syempe, makara gid abi du mga pinoy pirme no, may pinutos. puno gani ang bulsa it gummies .. hahaha...bungkoe abi.

ponCHONG said...

yods .. pero better never late mas maganda.

para siguro maiiba sya kaya ganon. ewan lang.

ponCHONG said...

ronieluke, rn. .. totoo yan. dina-dub pa kasi plus subtitle.

i heared in the news na si catwoman yata ang susunod na makakalaban at si angelina jolie ang gaganap. pero this week, me isa pag pagpipilian -- ang singer-actress na si cher. pwede?

prinsesamusang .. ayun. pero super late ka na yata. hahaha

ponCHONG said...

roland .. haven't seen HANCOCK and WANTED pa. antayin ko na lang din sa DVD.

ifoundme .. kahit wala kang kasama basta may gummy candies ayos lang?

The Gasoline Dude™ said...

Ahuhuhu. Buti ka pa nga napanood mo na 'yan. Ako hindi pa. I'm such a loser.

Pinapalabas din ba d'yan mga movies nina John Lloyd at Bea? Hehehe.

FerBert said...

dark knight?
ano yun?
hahaha

Anonymous said...

Ako din halos dalawang taong hinitay yan. SUGOD AGAD AKO SA IMAX sa Bangkok. Nung umpisa na, nagkaroon ng technical problem. Ayun, ordinaryong sinehan ko pinanood.