Demo Site

Friday, August 08, 2008

when can you say that ENOUGH is ENOUGH?

Sige nga. Pakisagot.


This is one of the striking lines I always remember in Paulo Coelho's Eleven Minutes. Matagal ko na din itong nabasa and I would admit, I am a Coelho fan as influenced by my wife. But I am not to talk about the book today but rather on how I could relate on the experiences of the lead character Maria. Try ko lang din isipin kung saang part ng buhay ko minsan ako nagmistulang prostitute.


Halos lahat sa atin nagrereklamo sa hirap ng buhay. Kadalasang maririnig ang walang katapusang litanya ng kung paano magtipid, paano magtipid at kung papano umasang aasenso sa gitna ng paghihikahos. Lahat iisa ang problema -- pera. Bakit ba ganon na lang talaga ang pag-aasam ng lahat na magkaroon ng marami nito? Tama ba kayang paniwalaan ang sinabi sa isang soap opera na kapag may pera ka, para ka na ring may kapangyarihan.


Noong nasa Pilipinas pa lang ako, inisip ko na tama na ang sitwasyon ko. May trabaho, sumusweldo at ayos lang kahit walang girlfriend, walang gastos. Pero iba pala ang sitwasyon ko. Kailangan ko pala saluhin partly ang mga responsibilidad ng mga magulang ko sa mga kapatid ko. Ito ang isang disadvantage ng maraming magkakapatid at mahirap lang naman ang buhay. Ang mga magulang na mismo ang nagdidikta sa mga anak kung ano ang dapat nilang akuing responsibilidad na may kasamang isang paalala ba ito o babala -- 'wag ka munang mag-asawa. Toink! Kaya tuloy, dumating na din ang point kung kelan kailangan kong mag-isip kung hanggang kelan ko dapat ito gawin. Hindi naman sana ako magrereklamo pero parang sagad na sagad na. Laspag na ako. Gamit na gamit na. At kapag hindi ko din ginawa ang kung ano ang inaasahan nila sa akin, feeling ko ako na ang pinakamasamang anak. Ang hirap.



"Ako, ako. Lagi na lang ako."



Ngayon naman, oo naiba na nga ang sitwasyon kahit papano. At least meron ng pambili ng bigas kahit sabihin mang mahal ang kilo pero syempre naghahanap pa rin ng mura at kung saan may sale. Marami ang nagtatanong kung ano ba talaga ang trabaho ko dito sa ibang bansa. Kayabangan syempre kung sasabihin kung isa akong supervisor sa isang sikat ng pagawaan ng relo dito gayong hindi naman ito totoo. Asa pa ako bagkus, ako'y isa lamang hamak na hardinero. O see! Hardinero na blogger. Bakit hindi? At ano syempre ang iniexpect ng ibang tao, na hindi ko alam ang law of gravity, law of supply and demand, ancient and medieval political theories, marketing strategies, sales projection? Whew! a piece of cake lang yon. It's all academic. Sabi ko nga na wala sa balat ko ang pagiging mayabang. Abou, ikaw ang nagturo nito sa akin.


Hindi naman kasi ako mapili ng trabaho. Kahit ano, kahit mababa ang sahod basta masaya ako habang nagtatrabaho ako at nasa interes ko ang ginagawa ko. Mahirap kasing magtatrabaho ka araw-araw na alam mo mo namang stress lang ang aabutin mo kasi 'di mo gusto ng ginagawa mo. Hindi lumalabas n'yan ang positive attitude ko towards work na s'yang dahilan kung bakit minsan akong nagka-career. Pero sa ngayon, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, araw-araw dng nakikibaka. Kunsabagay, ang buhay naman ay walang hanggang pakikibaka. Pero dapat may hangganan din ang lahat -- ang laging pagpapagod, ang sakit ng katawan. Hindi kailangang ganito pa din pang sitwasyon lima o sampung taon mula ngayon. Kalokohan na ang araw-araw na pag-iisip ng ikayayaman. Kailangang may mabago limang taon mula ngayon. Enough is enough!


Like Maria in Eleven Minutes, sinasabi n'ya na titigil na s'ya sa pagiging prostitute kung napabahayan na nya ang mga magulang n'ya, nabili na nya sila ng isang farm land, kapag sapat na ang ipon n'ya, kapag meron na s'yang pamasahe pauwi ng Rio de Janiero. At nang nagawa na nya ang lahat ng ito, talagang pinanindigan nya na tama na ito. This is enough. I wan't to go home.


In the end, tanging mga sarili lamang natin ang makapagpasya.


When you think you have enough, then it's enough.









kaEMOhan ba 'to?


32 comments:

madjik said...

Malayo pa ang enough moment for me kc i havent yet started goal setting pa. When i did that il comeback here and post ko kung ano at kelan man yun.

Just dropping by a note sa pahina ng nag iisang blogistang hardinero! (nice tagline hehe)

Peaceout!

napunding alitaptap... said...

haha, ako din e, hindi ko na gustong yumaman, payak na pamumuhay lan, yun may enough sa every needs, wala ng luho. . . mahirap din pero parang fulfilling naman.

sa ngayon, sinisimulan ko na yan, swerte ko nalan din na wala nga akong masyadong responsibilidad sa mga tao kumpara sa iyo. . . pero kahit ganun, nakakalungkot din na sinasabi pa din ng paligid mo na hindi enough kung anong meron ako nayun. pressure. ahaha!

namiss kong magbasa dito. buti at napalipad ulit ako.

basa pa ako ng post before nito.

duke said...

ako balang araw, magiging waiter. pangarap ko yan at sisiguraduhin kong mangyayari.

ayoko ng stress.

Abou said...

kung makakapagpabahay at lupa lamang ang prostitusyon madami na mayaman sa pinas. kung meron man yumayaman, sila ang nagiging mama san ha ha

madami ba mahahalay na eksena sa libro na yan?

di ako pwede hardinero, lahat hawakan ko nalalanta ha ha

haeong sanda kimo

lucas said...

wow..cool post..really serious thought...hays...when you think it's enough then it's enough...pero some people don't trust what they are thinking...the feeling sometimes dominates the mind...hehe

Kape Kanlaon\ said...

wow... cool! The blogger gardiner! Am proud of you being able to see great possibilities in little things.
about the prostitute thingy, cguro wala namang mga prostitutes na gusto or love nila ang ginagawa nila noh? I mean, as human as we are, meron din tayong dignidad. I think one could decide if it's the end of it when one thinks that it's already greatly affecting his/her ego.

Kris Canimo said...

i havent read anything from coelho other than veronika and alchemist. yet, youre true. when you think its enough, then its enough.

but the thing is, most people dont know whats enough. i think, we should go back to the basic and start defining things out.

The Gasoline Dude™ said...

This is one of your best post, in my opinion.

Wow! Bigla akong napaisip! Haha. Ako, I'm just starting my new life here in Singapore. Gusto ko magsikap dito para kahit papaano eh mabigyan ko ng mas magandang buhay ang Nanay ko. I'm the only child, at my mom is my only living parent now. Honestly, gusto kong yumaman. Para sa Nanay ko at sa magiging pamilya ko in the future. There's nothing wrong to dream about it. At least you'd have a goal. It would help to keep you going and going and going. (Parang Energizer. Haha.)

Mabasa nga din 'yang book na 'yan. Fave ko din si Paulo Coelho, pero The Alchemist pa lang nabasa ko.

Anonymous said...

hehe.. tama ka..ikaw lang makakapagsabi kung kelan ka mag stop... nice post :D

Roland said...

u r not human kung madali kang makuntento... likas na kasi sa atin yung mapaghanap... i was once like... sbi ko b4, mkpag-ipon lang... mag settle nako sa pinas... but see di ko namalayan 10 years na pala ako coming home and back here... but of course i dont want to see myself na wala ng buhok at uugod-ugod na eh andito pa.

ponCHONG said...
This comment has been removed by the author.
ponCHONG said...

madjik .. kahit sa YM pwede na. LoL..

oo, nagmasteral na ako sa gardening.

ponCHONG said...

napunding alitaptap .. kung minsan ok din na may responsibilidad ka kasi isa din itong magmomotivate sa'yo para magpursige.

ikaw lang makapagsabi when enough is enough.

ponCHONG said...

duke .. isa sana sa gusto kong maging trabaho yong parang teller, yong katulad ng sa ticketing line sa eroplano. hahaha...

lahat din yata ayaw ng stress.

ponCHONG said...

abou .. mama san ha!

ang nadumduman ko eang hay kat nagkaintimate moment sanda it eaki nga naila kana. pero it is not so mahalay man. hehehe...basi paano di man kaantiguhan si coelho kung paano maghalay.

kimo maton!

ponCHONG said...

roneiluke, rn .. kaya nga it takes courage to stand in every decision ne wanted to make.

thanks for dropping by.

ponCHONG said...

lance .. talgang there's nothing wrong with being a prostitue kaya nga tinatax sila ng Suisse government dito. kinakarir kasi.

thanks too.

ponCHONG said...

prosetitue .. sometimes economic situation of a person dictates with what is enough. they don't know how to be satisfied especially of unlimited wants -- it is because the continue wanting.

ponCHONG said...

gas dude .. ganyan din ang sinabi ko noon nung dumating ako dito. kahit na ano basta pwede pagkakitaan para sa pamilya pwede na yon pero kasi kahit na tingin mo meron ka na lahat parang di pa rin kumpleto kaya kakayod ka pa rin.

ang hirap nga sabihin when is enough, enough.

ayan..enough na.

ponCHONG said...

gagitos .. tama ka jan.

salamat.

ponCHONG said...

roland .. aggree ako jan. sa bilis lumipas ang panahon di mo namamalayan na antagal mo na pala tapos ganon pa rin ang sitwasyon. ayoko ko din tumanda ng hindi ko naranasan i-enjoy ang pinaghirapan ko.

Anonymous said...

one of my favorites ko din yung eleven minutes...

anyway, sana malaman ko din in time kung kelan ko sasabihing enough is enough


napadaan lang po

Anonymous said...

5 years ago, kuntento na ko sa life ko diri sa pinas. siling ko sang una, basta kung ano lang mahatag ni Lord, ok na sa akon. those were days... solb na ko sa sweldo ko. halos pwede na gani hambalon nga wala na ko ga ambisyon sang una eh. bisan may offers sa gwa sang pungsod, gin prefer ko nga diri lang. galing, na realize ko dapat gle may goal ko kay kung wala, daw pareho lang nga wala direksyon akon kabuhi. then nagmasakit si tatay... bisan ano pa nga hambal, kinahanglan gid gle ang kwarta. ang regret ko lang sang una, napatay si tatay nga wala ko napagustuhan. he deserved more... and so are the rest of my family. so i decided to quit my job, and enrolled on a caregiving school. yep, i am applying a caregiver in canada. hehehe.... 5 years in UP then i will become a male nanny... i am proud of it though. kung swertehon, umpisa ko anay dira then after two years pwede na ka apply as immigrant... hopefully, buligan ko ni Lord kay naka set na ko sang goal... kag nagapanglakaton na ako sa sina nga direksyon... kabay pa... mayo lawas.

Anonymous said...

sus, nag istorya ko akon layp stori. ja akon comment:

you are doing a good (and honourable) job. your family will be very proud of you. kung sa my girl pa - tira-tira!

Rio said...

wow! kuya! seryus 2? hehe...
matagal ko pa siguro masasabi ang word na yan( enuf is enuf).nagsisimula palang kasi ako sa buhay..at pakiramdam ko din bilang panganay na anak ay kailangan ko ding tumulong sa aking mga magulang....
unfair kasi sa aking tatay na halos buong buhay na nagtratrabaho sa ibang bansa ay hindi man lang nagsabi sa amin na" enough na ang mga ginagawa nya para sa aming pamilya" bagkus ay patuloy pa din ang pagsusumikap nya para sa amin...kaya siguro...hindi ko pa masasabi ang word n yan!! hehe=)

ano bang itinatanim mo habang iniisip mo ang artik na 2?? ang lalim e...tumatagos...hehe=)

PoPoY said...

weeeh kailangan ko bumili ng librong yan. sakto sale sa POWERBOOKS hehehe :)

sugar said...

enough is enough.

parang hindi ko pa kayang sabihin yan..kahit pa nga gusto ko ng sabihin yan ngaun..kaso hindi pa talaga..marami pa akong kailangan gawin.

at gusto ko din yumaman,pucha! sino ba ang hindi,daba? nung nag 21st b-day ako nag set ako ng 10 yr-goal.and by then sana masabi ko ng enough is enough ( kaso 8 yrs pa un) goodluck naman sakin.

na-miss ko talaga pagtambay dito,kuya!

nagpalit na nga pala ako ng blog..^__*

-churvah

Anonymous said...

nakaka stress talaga pumasok sa trabaho lalo na't hindi mo gusto ginagawa mo. ingat ka dyan. pag hindi na kaya, may option namang magpahinga. yun nga lang... wala kang kakainin. hehe.

ponCHONG said...

yowhanna .. so i guess alam mo na rin why eleven minutes ang title.

salamats!


palagpat .. isa man isa sa fear ko sa parents ko -- ang madula nga wala indi makaagum bisan gamay lang nga hamungaya pero abi kon kaisa di mo man malikawan makapaminsar ka sang indi amo labi na gid kon sa pamatyag mo daw indi na balanse ang mga bagay bagay. hambal gani sang asawa ko, palanggaon ta man kaugalingon ta.

malisod gid man abi ang pangabuhi sa abroad. and i noticed daw pare-pareho istorya sang kabuhi sang mga pinoy.

hmm...salamat sa mga tinaga. tira-tira! ano ka gid bala kapuso o kapamilya?

ponCHONG said...

rio .. doc, habang nagsisimula ka pa lang mas maganda na nagsiset ka na ng goal. as to your tatay, for sure pagod na din sya pero syempre kasi may mga umaasa hindi kailangan mapagod pero sigurado kung maari gusto na din non magrelax na.

hindi ako nagtatanim ng mga oras na naisip ko to doc. nagbubunot ng damo kaya sa hirap e kung anu-ano naiisip ko. sigurado, ganon ka din ano?

popoy .. as in now na. hahaha..it only takes eleven minutes poy.

teresa .. kagalang-galang naman ng pangalan mo. heheh..piz! dahil nga kasi marami pang gustong gawin kaya di mo masabi kung kailan enough is enough. ang susunod mo na itatanong n'yan, ano ba talaga ang tamang buhay?

leyn .. nakakamatay ang stress leyn. tama ka pero siguraduhin kong may kakainin ako bago magpahinga. hehehe...salamat sa paalala.

Anonymous said...

Napaisip nga din ako.Pero sadya yata ganun ang tao.Walang satisfaction. Laging me kulang kaya hindi mahinto sa hanggang kailan.Kailan nga ba ang dapat?

Anonymous said...

gusto ko rin mabasa yung eleven minutes ni paulo...i have read the excerpt and i think this is another good read...btw, i also liked your post...goodluck! ^_^