Demo Site

Thursday, July 31, 2008

wala ako sa MOOD

Hindi ako perpektong tao.

Sana kung ganoon nga kalevel ko na si GOD. Pero ilusyon lang 'yon. Ayokong maging perpekto, ayoko kong maging GOD. Sobrang busy kaya maging ganon. Ayoko ko ng komplikadong buhay. Ayoko ng magulo. Di ko sinasabing magulo si GOD.

Pero sa buhay, madalas kung minsan ang, kahit anong pilit mong ilayo ang sarili mo sa isang magulong sitwasyon lalo kang itinutulak ng pagkakataon palapit dito. Pinipilit nating maging isang mabuting tao sana pero hindi maiiwasang makabangga mo ang iba na taliwas ang paniniwala at kuang anumang panuntunan sa buhay meron kaya nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan. Kung sarili mo lang sana ang mundo, walang makikialam, wala kang pakikibagayan. Pero paano naman kaya 'yon? Hindi na social animal ang magiging definition ng tao.

Meron akong isang alam sa buhay na malaki ang epekto nito sa araw araw na nabubuhay ako. Eto rin siguro ang dahilan kung bakit tingin ng iba ay masayahin akong tao at minsan, nagiging sanhi din ng pagiging makasarili ko at 'yong happy-go-lucky-attitude meets one-day-millionaire. Lagi ko itong nasasaisip.

"Ang buhay ay simple lamang, ang tao lang ang gumagawang komplikado. "

Malaki ang naging impluwensya ng panuntunang ito sa akin. Ito rin marahil ang nagdala sa akin sa sitwasyong kinasasangkutan ko ngayon. Sabi ng iba, life is a matter of choice. Depende sa kung ano ang pinili mo ang magiging buhay mo. E, ano ang destiny? A-uh..gumugulo na.

Minsan, natigil din akong mangarap at iniisip na lang na makontento ako sa kung ano ang magiging meron. Kahit wala ng ganito, walang ganyan, basta ang importante masaya. Simple lang naman ang buhay. Hindi naman daw lahat ng mga materyal na bagay ay makapagbigay ng tunay na kaligayahan. Materyal lang 'yon -- nawawala, naluluma. Sabi nga ng tatay ko, 'yaan na natin yan, di naman nila yan madadala sa kabilang buhay. Ambait ng tatay ko.

Paano ba talaga ang maging masaya? Meron bang point talaga sa buhay ng tao na pwedeng marating at kapag naabot mo na 'yon, you will be ultimately happy? Sa anong stage kaya? To think na pababa na ng pababa ang life span ng ordinaryong Pinoy, may pag-asa ba kayang maabot yon? Anu-ano ba ang mga dapat pagdaanan? Kung sana ganon nga ang tamang kaligayahan -- hindi s'ya abstract. 'Yon bang pwede mong mabili o mahiram o manakaw o matrade-in, sana lahat meron ng collection ng kaligayahan.

Simple lamang ang buhay. Ang mga unlimited wants at paglimot sa mga needs ang isa ring dahilan kung bakit masyado ko ring pinapahirapan ang sarili ko. Kung minsan 'di ko na din kasi alam kung need ba o want ang isang bagay -- na madalas mangyari. Basta I want it just for the sake of having it. Naalala ko pa nag isang katrabaho ko dati. Her main goal kung bakit sya naging service crew is to earn to buy the Nokia 3250 and it makes someone "sosyal" that time. 'Yong magkaroon nga lang ng Nokia 5110 ay kaastigan na. Kaya daw sa every punas na ginagawa niya sa mesa, sa bawat ligpit niya ng pinagkainan ng kustomer, iniisip niya, "celfone 'to, celfone 'to." 'Di ko alam kung nabili nga nya kasi nauna akong nag-endo sa kanya pero na-impress ako sa kanya. At least meron s'yang motivating factor para magtrabaho at iyon ay para sa kanyang sariling kaligayahan, walang ibang responsibilidad, walang umaasa sa kanya. I also want to have this attitude 'yong for personal upliftment lang ang iisipin ko pero 'pag ginawa ko to, maraming magsasabing ang sama sama kong tatay, asawa at anak.

Hindi ako emo, wala lang ako sa mood. Masama lang talaga ang loob ko nitong nakaraang araw dahil lamang sinabihan akong "wala ako sa mood." O ha! Parang sex life ano. Wala sa mood, bakit? Then there was silence . . . . . . . . . . . . . !

Wala akong nagawa kundi pagbigyan ang emosyon ko. Tao lang din ako kaya at di ko maiwasang di magtampo. Never kong iniisip na sisihin ang sitwasyon ko ngayon kasi dito ako masaya. Natural lang daw yon. Normal lang daw at ang ibig sabihin daw n'yan -- MARRIED LIFE!


17 comments:

. said...

naku,
wala sa mood si ponchong
mukhang may problema pa at dinidibdib..
hmmm?...

Anonymous said...

hmmmm.... para sa akon ang tawo ang naga desisyon kag naga hatag sang direksyon sa iya nga kabuhi. kung indi sya happy sa isa ka butang, pangitaan nya paagi nga maging happy. ngaa abi mantiner ka kung indi ka man malipay. sus, milyon ang choices, basta palapada lang ang isip. ang importante, himua ang mas labing maayo para sa imo kag isigkatawo kag handa ka mag tindug kag mag atubang sang ano man nga konsekwensya kag resulta sang imo hinimuan, maayo man kung indi.

PoPoY said...

ayoko pa magasawa. marami pa akong gagawin kuya. hanggang magsawa na siguro muna ako sa pagiging singol. enjoy enjoy muna.


Chillax lang. Lilipas din yan :)

† Yods† said...

Sabi nila para daw matagpuan ang tunay na kasiyahan kailangan lang daw maging kuntento sa mga bagay na meron ka sa kasalukuyan. Kasi daw pag marami kang gusto at paiba iba ang gusto mo hindi ka magkakaroon ng satisfaction. yun ang sabi nila, pero ewan ko lang din ha.

Tama si popoy, kuya, lilipas din yan. daanin na lang sa tagay. ahaha

my-so-called-Quest said...

relax lang kuya.
pagpasensyahan mo na at di kita naramayan nung nakaraang araw.

ingats parati jan ha.=]

Leyn ♥ said...

in order to feel happiness, you have to sacrifice success... para you always get the feeling of fulfillment sa lahat ng bagay na ginagawa mo.

look who's talking, isa nga pala akong happy go lucky na tao. hehe.

Abou said...

mingko nagbaylo ing template color o akon eang nga panan awan may diprensya. ok eang may LQ no basta may *toot* he he

ponCHONG said...

enday .. apektado lang ako sa linyang "wala ako sa mood." pero ayos na din.

ponCHONG said...

palagpat .. tani, kadali lang magpili halin sa mlyones nga mga choices kag tani wala pressure kon mamili. pero, may mga tion nga kabudlay ang mamili kag magdesisyon. mo nga kon kaisa, sugal man ang kabuhi.

asus..perte!

ponCHONG said...

popoy .. baka mamalayan mo nyan poy late na para mag-asawa.

mas malaking problema pa yon.

ponCHONG said...

yods .. sana may katagay nga ako.

kuntento naman na ako sa kung ano ang meron ako ngayon pero tulad ng iba, i just want to be happy -- ya ang ultimate goal ko. superlative na yon.

ponCHONG said...

ced .. salamat ced. di problema 'yon at 'wag mo na isipin yon.

kayang kaya.

ponCHONG said...

leyn .. sacrifice success for happiness? paano kaya gagawin 'yon e di ba you're happy when you're successful?

ponCHONG said...

abou .. ano ka. owa ako nagbaylo it template. color blind ka eot ing?

sakto! mas abu ngani ang *toot* kon may LQ.

hahaha...

Anonymous said...

naguguluhan ako kung anong gusto mong i point out. parang ang daming ibig ipakahulugan nito.

ponCHONG said...

KDR .. bossing, wag mo na piliting intindihin kung hindi mo maintindihan kasi kahit ako naguguluhan.

ganyan talaga pag wala ako sa mood.

LoL!

napunding alitaptap... said...

minsan, mas maganda pa din na ang rason ng ginagawa mo, pagmamahal ang patutunguhan.

parang kung magtatrabaho ako para sa cellphone, naku, matutulog nalan siguro ako. . .

pero kung magtatrabaho ako para may magsilbi sa mga taong kumakain, parang mas ayos yun.

anlabo! parang napaka-out-of-this-worldly-world ang sinabi ko..hehe.

flyfly!