Demo Site

Thursday, July 03, 2008

KALYO

Meron ka ba nito?

Eto ang pambungad kong tanong sa inyo sa buwan ng Hulyo. Matapos ang ilang araw na rin na pagsubaybay sa mga kaganapan sa Pilipinas, sa pinsala na dala ng bagyong Frank (ang sosyal ng pangalan, tunog matanda), hanggang sa pagkapanalo ni Pacman, di ko pa rin maiiwasan ang makadama ng awa at maisip ang mga naiwang pamilya ko sa Pilipinas. Kelan kaya lahat ito matatapos? O may katapusan kaya ito? Buti na lang on the lighter side e, naandyan si Bugoy ng Pinoy Dream Academy. Kahit papano e may pambawi ang mga balita.


At ano naman ang kinalaman ng kalyo sa mga sinasabi kong ito? Ewan ko pero ang alam ko lahat tayo meron nito.


Kasabihan sa probinsya namin na malalaman daw kung ano ang trabaho ng isang tao sa pamamagitan ng mga kalyo nito sa kamay. The more na makapal ang mga kalyo, masasabing mas masipag sa daw buhay ang isang tao. Syempre, malalaman mo ito kung kakamayan mo ang isang tao. Dahil sa ganitong kasabihan, 'di ko alintana noon kahit makapal na ang kamay ko. Alam ko medyo may pagka-unfair etong kasabihan na ito kasi papaano naman kung sa propesyon mo ay hindi mo kailangang humawak ng araro, martilyo, lubid, sagwan, pala, sa halip papel at ballpen. Pero, pwede ka ring kalyuhin sa kapepitiks lang a. Maghapong finger-an.


Sabi ko nga, minsan din akong nangarap at nagsikap para hindi ako hahawak ng araro, lubid, martilyo, pala at kung anu-ano pang nakakapagpakapal ng tisuyin kong mga kamay. Pero ngayon ko mas narealize ang value ng mga taong may ganitong trabaho. Sa dinanas na delubyo ng Pilipinas ngayon, papano na lang kaya kung walang mga taong gustong tumulong doon sa mga kababayan nilang apektado ng kalamidad, kung walang taong lulusong sa putik para maghatid ng kahit man lang kaunting tulong, kung walang gustong sumisid sa dagat para sa ikalalakas ng mga taong naghahanap ng pag-asa. Paano na lang kung ang lahat ng tao sa kabila ng mga pangyayari ay mistulang walang pakiramdam at walang pakialam? Siguro lalangawin din ang laban ni Manny Pacquiao. Pero, kasi likas sa ating mga Pilipino at pagiging matulungin at may malasakit sa kapwa. Dapat ko bang isali ang mga maeepal na pulitiko?


Masipag daw ang taong kalyuhin ang mga kamay. HIndi lamang mga magsasaka, mangingisda, construction workers ang tinutukoy ko. Syempre, 'yong mga taong nagsisikap, naghihirap at walang sawang kumakayod sa pagnanais na maiangat ang estado ng buhay ng pamilya at 'yong mga taong nagsasakripisyo para sa iba. Pero kung kalyo mo ay may kasamang amoy, aba'y ibang usapan na yan. Ibig sabihin, gastos na yan.


Sa mga tulad kong kalyuhin ang mga kamay, wag kayong mahihiya. Pero kung di n'yo na kaya aba'y problema n'yo na yan.

27 comments:

arnie said...

may point naman yung mga matatanda...i see the logic. kaya nagkaka-kalyo ay dahil sa masipag nga at gamit na gamit ang mga kamay o paa.

kung ayaw ng kalyo e magpa-spa ka.;)

ponCHONG said...

ambilis mo pareng arnie. yon yon, tama ang sinabi mo.

churvah said...

ahaha..ako dati nagkakalyo(manipis lng nman)ang thumb kakatext..pero la na ngaun,di na kasi aq nagtetext masyado.

totoo yan,likas sa ating mga pinoy ang matulungin..isa yan sa mga traits nating mga Pinoy..na pwde nating ipagmalaki san man tau mapadpad.

cge na isama mo na ang mga epal na pulitiko...nakakatulong din nman sila kahit pano.hehe!

PoPoY said...

kuya george, tama ka. masipag ang mga taong may kalyo. bakit naman ako masipag walng kalyo? hahaha.

tama yung unag nagcomment, kung ayaw ng kalyo meron naman SPA. o kaya para ndi magkakalyo, eh magsuot ng guwantes hehehehe.

pero seryoso, kalyo ang simbolo ng kasipagan :)

Anonymous said...

kuya, sa ibang rason ata bat ako nagkakakalyo sa kamay. heheheh

pero nakakahiya minsan na masabihan na malambot ang kamay.

masipag talaga tayong mga pinoy. kasi iba tayo magisip e. iniisip natin pano ung bukas natin kung tatamad tamad tau.

kaya magaaral na po ko. hehehe

Anonymous said...

akon part', proud gid ko sa kalyo ko sa kamot... aga kag hapon daan akon...

agwada sang tubig. PG si thoto... wala pa inugbakal motor sa tubig...

btw, gin-tag ta ka gle ha.

† Yods† said...

isang kamay lang masipag sa akin kaya yun lang ang may kalyo. yung kanang kamay ko. isipin mo kung saan masipag ang kanang kamay ko. lolz

lakwatsyero din ako at sa sobrang pagiging lakwatsyero gabundok na ang kalyo sa mga paa ko. di na kakayanin ng foot spa haha.

wag na isama mga puliko, masipag lang sila pag may kamerang nakaharap at pag panahon ng kampanya. opinyon ko lang naman yun. :)

Rio said...

hindi naman siguro batayan ang pakapalan ng kalyo noh!? e papano kung nag papa spa nga?
ako, hindi naman masipag pero nagkakalyo din naman ako..hehehe

chroneicon said...

well said. napakalalim mo mag-isip pare.

teka, patambay sa blog mo ah...

gillboard said...

paepal lang...

ako walang kalyo... tamad kasi ako. hehehe
biro lang po...

lotion lang katapat niyan!

Anonymous said...

ako bro wala ko kalyos...puro hard working ko ya..indi man na siguro makita sa calyos lang kundi sa resulta..i prefered sa words from other people ko mabatian on how hard working I am, keysa sa makita nga puro callos ang kamot..ahehe..

daw natagaan man ko sang hope mangabuhi amidst the calamity nga naagyan namon ba....bangong ilonngo!

mahal mag pa spa...

ponCHONG said...

churvah .. me pulitiko kang kamag-anak ano?

ponCHONG said...

popoy .. naks! as in simbolo ha. pakapalan tayo ng kalyo.

oy..hapi na bertdey sayo!

ponCHONG said...

ced .. nakakalyo din ng utak ced ang pag-aaral at di ko alam kung ano ang ibig sabihin non kapag nangyari. tanong na lang natin kay ka popoy.

ponCHONG said...

palagpat .. ay..ay..di bala may gripo na dira sa inyo? aga , hapon? karir ko man na sang gamay pa ako.

salamat sa tag.

ponCHONG said...

YODS .. hahaha..buti di pa pasmado ang kanang kamay mo?

kaya pa yan ng foot spa yon nga lang para mas epektip pangkayod sa cheese ang ikakayod.

yaan na natin ang mga pulitiko. kasama yata yan sa development plan nila ang magpacute sa camera.

ponCHONG said...

rio .. o sya doc. siguro pakapalan na lang ng mukha!

di pala applicable ang kasabihang ito sa doc. iba ka talaga.

ponCHONG said...

chroneicon .. oy, nadalaw ka.

salamat!

ponCHONG said...

gillboard .. lotion? talagang alam na alam mong iwasan ang kalyo ah.

merci à vous!

ponCHONG said...

maldito .. abaw, kahumble ba!

pasalamat na lang kita kay bisan paano buhi pa man rason para kinahanglan nga di madulaan paglaum.

may grasya gid na maabot!

duke said...

kalyo ko nasa paa.

duke said...

nasabi ko ba kinakagat ko kalyo ko?
buwahahaha!

Anonymous said...

bloghopping.

uyy hinde yata ako agree na kapag may kalyo mas masipag.

kase ang tamad ko pero may kalyo ako sa paa. LOL

CaleB said...

cguro mas mahirap lang talaga ang trabaho nila.. pero kung titignan mas maliit ang kinikita nila kesa sa mga nasa opisina at walang ginawa kundi pumirma at umatend ng meeting.. haish..

c chuvaness sa taas.. cguro malakwatsa kaya ganun.. hihi..

Anonymous said...

bro, yung mga prosti daw sa keps ang kalyo ahahaha

Anonymous said...

Hi!

My friends and I came up with SparkandStyle, an online clothes shop for men and women (although we have more stuff for men right now). We're selling mostly concept tees obtained from up and coming shirt designers in Bangkok. All unique, all original.

We'd be thrilled if you and everyone reading your blog can drop by and shop with us.

Thanks! ;-)

Anonymous said...

sa trabaho ko dati, lagi kaming naghahandle ng dagta ng papaya. so kahit kalyuhin ako, ninipis din dahil natutunaw ng dagta ng papaya. ito yata ang secret ng papaya soap.
ngayong seminarian na ako, sa tuhod ang kalyo sa kakadasal. ang itim, parang pasang nagbabalat. hehehe...