Demo Site

Friday, July 18, 2008

meron pa akong KWENTO

Sobrang nakakahiya.

Pasensya na sa sandamukal na mga pakialamero at tsismosa't tsismoso na nagawi sa lungga ko kahit parang brown-out at abandonado na ito. Nandito lang naman ako pero talagang kulang talaga ang oras ko para mag-update ng blog ko kaya sa abot ng aking makakaya at isasakripisyo ko pa ang sex life ko para makagawa ng entry na ito. Pauna ko na, sa inyong lahat, sobrang salamat.



Sa totoo lang kasi, medyo mabigat ang pasok na buwan ng Hulyo sa akin. Mabigat, in the sense that, kailangan kong gumawa ng mga desisyon na alam kong makakaapekto sa isa pa. Kaya kailangan ng tamang pagmumuni muni at lakas ng loob para gawin ang mga bagay bagay. Sa wakas, kasi, napuno ang isang buong linggo ko ng trabaho. Ibig sabihin milyonaryo na uli ako. Oo at sana ganon lang kadali 'yon. Pero hanggang salita ko lang ang pagiging milyonaryo. Kaya tuloy, masyadong gamit na ang matipuno kong katawan at unti-unti ko ng nabibilang ang natitirang buhok ko sa bunbunan. Hirap talaga ng buhay. Sa eto ang hinahanap ko, e di eto ang ibinigay pero ayos lang.


At dahil na rin sa di, maintindihang panahon kung minsan dito, maiinit tapos biglang uulan at the next day pagkagising mo malamig, parang nilalamukos ang laman ng ilong ko. Hindi ko alam kung bakit pero may mga time na hindi ako komportable at salamat talaga sa super concerned kong asawa -- kinunan n'ya ako ng appointment sa isang EENT. Sana nga lang 'di masyadong seryoso kunga anuman 'to.


Araw-araw ko ding napapanood ang mga balita sa Pilipinas sa tulong ng pinoychannel.tv. Balita na kung minsan ay pare-pareho ang sinasabi -- ang walang kamatayang pagtaas ng gasolina, pamasahe, bilihin -- at ang klasikong walang dagdag sa sweldo. Pero ganunpaman, nakakamiss din ang Pilipinas.


At syanga pala, pagkalipas ng ilang araw na pag-i-ensayo at pagkaroon ng mga galos dahil sa pagkakadapa, pananakit ng paa at beywang, nagbunga na rin ang determinasyon kong matutong magrollerblades. Sa tulong ng expertvillage.com, nakakuha akong online guide para sa mga beginner na gustong matuto. 'Langhiya, I'm a beginner.


And finally, naikabit na uli ang pustiso ko. Ibig sabihin, dyeta na naman ito kasi bawal kumain ng matigas, bawal muna inguya. Utang na loob, di ko kaya ang puro sabaw at lugaw. Epektib palang magpapayat ang pagkakaroon ng dentures lalo na kapag bagong kabit.


Sa mga nagtag pala sa akin, pasensya talaga kung di ko pa nagagawa. Pero, paisa-isa matatapos ko yon.


Salamat kaibigan!






12 comments:

Anonymous said...

wow! congratulations sa iyo ponchong at unti-unti ka ng natututo mag rollerblades. =)

sana wag ka masyado magpaka-toxic sa trabaho, magkaka-wrinkles ka nyan. heheh! apir!

Anonymous said...

bat mo pa tinakpan yung face mo? anonymous kuno? hahaha.. sana maging maayos lang konsultasyon sa doctor.. at sana maging milyonaryo ka na para maipadala mo na dito yung chocolates ko!

nga pala? sponsor rev ba ito? magkano binayad sayo nung mga site na nakalagay dito? hehehe

Abou said...

magbutang ka it pictures nga naga skates ka.

Anonymous said...

ilonggo ka man gali? hehehe! te no choice paniwang gali na kay ang pustiso binalik. hehehe!

Rio said...

kuya pag yumaman ka..manlibre ka naman ha!=)

buti ka pa natuto ng mag rollerbalades..ako hindi pa din..takot ako matanggalan ng ipin kapag nasubsob ako..tanga pa naman ako...hehehe=)

epektib tlgang pampayat ang pustiso lalo na kung may singaw ka..hehehe=)
enjoy ur new denture=).poging pogi ka na naman ngayon nyan kuya!

Anonymous said...

kaya pala pag nippm kita hindi ka sumasagot. ngayon alam ko na kung anong ginagawa mo. he hehe!

ponCHONG said...

tisay .. tyagaan lang tisay.

di lang wrinkles, nakakalbo rin. tindi kasi ng pangangailangan.

ponCHONG said...

ferbert .. utang nga ang bayad nila. sayang lang ang effort ko.

ponCHONG said...

abou .. kahueoya!

ponCHONG said...

ifoundme .. ay te, oo, ilonggo man ko pero original ako nga karay-a.

musta lang da a. ahahaha..

ponCHONG said...

rio .. ay oo doc. sabi nga ng isang ale na nakakita sa akin, "monsieur, attention les dents!"

50 pogi points nga ang nadagdag. hahhaa..at binibilang ko talaga.

ponCHONG said...

KDR .. bossing, nasagot ako ikaw lang ang di nagrereply. syado ka kasing isnabero!