Demo Site

Wednesday, July 09, 2008

meron akong KWENTO

Sa mga malimit bumalik dito sa haybol ko, sobrang salamat sa inyong lahat. Pasensya na kung natagalan bago muli ako nakapag-update medyo occupied lang ako this week at dahil don masarap nang magpahinga pagdating ng bahay kinagabihan.


Pero dito na uli ako at meron lang akong ibabalita.


  1. Since summer is at peak na, kaliwa't kanan na namn ang imbitasyon namin para sa mga piknikan. Kaya magwawala-walaan na naman kami sa weekend.


  2. Nahirapan pa din akong makontak ang pamilya ko sa Bisaya. Wala pa ring matino na signal pero sa awa naman ng Diyon ay hindi naman sila masyadong nasalanta ni Frank unlike sa Kalibo. Eto pala, alam kong medyo ayaw ipaalam ng kaibigan ko ito. Sa mga sumusubaybay pala sa blog ng kaibigan kong si Abou, nais kong iparating na kaya sya super hiatus ay dahil walang kuryente at internet connection magpahanggang ngayon sa kanila sa Kalibo. At hanggang ngayon pa din ay lubog pa din sa putik ang lugar nila at hirap malinis kasi, wala ding supply ng tubig sa kanila. Pero in time, malupit syang magbabalik.


  3. Akala ko biro lang n'ya. Pero kahapon natanggap ko ang snail mail na sinasabi ni ayz sa plurk. 'Di ko na ididetalye ang laman ng sulat nya pero isa lang ang masasabi ko, "Ayz, wala kang hilig magkwento."



  4. Meron akong bagong pinagkakaabalahan ngayon. Gustong gusto ko kasing matutuong mag-ice skating. Kahit noong nasa Maynila ako lagi akong nakatambay malapit sa skating rink sa Megamall. Inggit na inggit ako sa mga marunong mag-skate. Kaya gusto kong matuto pero this time, kahit feeling ng iba ay ang tanda ko na para dito di bale na. Eto ang pinagkakaabalahan ko ngayon.



  5. Finally, nagpasya na ako pagkatapos ng tatlong taon na pagkakasama namin na iwanan na sya. Nakakapanhinayang man at masakit sa loob ko pero kailangan kong magpakatotoo sa sarili ko at siguradong mamimiss ko s'ya.






'Yon lang!





20 comments:

Anonymous said...

pwede bang magpaturo magrollerblades? gusto ko rin mag ice skating pero yung ice skating ang ayaw sakin. hehehe!

Anonymous said...

haha..di rin ako marunong mag skate.

nag ka galos ako sa binti dahil jan.
di na ako umulet mag aral.
di talaga meant to be na matuto ako niyan..kahit mag bike di rin ako marunong..kaya tuloy hirap ako matuto mag motor.

Rio said...

gudluk kuya sa skating karir!,hehe..busy busyhan tau ngayon ah!=)

Anonymous said...

wahh.. kahit apat ang gulong hindi kayang magbalanse.

ayzprincess said...

aysows!! buti naman at nakuha mo na?! ang tagal tagal ko nang hinulog yan..

pasensya na ang panget ng sulat ko?! :P atska..ang igsi nga ng sulat ko e.. wala na nga akong maisip na iba pang sasabihin e. :P

marunong din akong magrollerblades :D magaling ako dyan.. at nakapagice skating na rin ako.. mas mahirap mag ice skating :D

Anonymous said...

huwaw binubuhay ulet ni ayz ang snail mail.. woot!

dinudugo ka pa rin ba kuya?

The Gasoline Dude™ said...

Wala akong sense of balance. Kapag nag-ice skating kami dati, lagi akong sumesemplang. Sa roller blades pa kaya. Ahuhu.

Anonymous said...

ako din gusto ko din matuto mag ice skating. yung tipong umiikot ikot pa sa ere. lolz

Anonymous said...

bro, nahilig din ako sa inline skates nung nasa sweden ako.

bakit iiwan mo yung doggy mo? ibigay mo na lang saken hehe

Leyn ♥ said...

sosyal ang sport mo ha.

ponCHONG said...

ifoundme .. kung ok lang sayo na magkalasog lasog ang katawan mo bakit hindi..LoL..determinasyon lang nag kailangan.

ponCHONG said...

churvah .. ako pati kamot me mga galos pero gusto ko talaga e kaya go..go..

ponCHONG said...

rio .. oo nga doc. sabay sabay kasi ang mga pangyayari..nakakalimutan ko na minsan umutot. LoL

ponCHONG said...

KDR .. di yata pati bisikleta nahirapan ka sin e dalawa lang gulong non e.

ponCHONG said...

ayzprinces .. at ikaw to. tinanong ko pa asawa ko kung kanino sya me iniexpect na sulat kasi kapangalan mo pinsan nya plus familiar din ang apelyido at taga-laguna din sila. 'yon pala sa akin. btw ate, papano ko ba sasagutin ang sulat mo?

ponCHONG said...

ferbert .. talaga, alang alang sa karir ng mga kartero.

parang asiwa ako sa tanong mo. parang babae ang tinatanong mo. pero sige na nga, oo. at may appointment nga ako for check sa isang EENT dito.

ponCHONG said...

gas dude .. singaporean with ka na pala ha. musta naman dyan? ayos lang ba presyo ng gas?

BTW, lahat naman napag-aaralan. praktis lang ng praktis.

ponCHONG said...

yods .. ibang level na kaagad gusto mong matutunan a.

ponCHONG said...

madbong .. mas mahirap ata ang skating kaya eto muna ang magiging preparatory ko. gusto ko din matutunan yon.

si doggy? masakit nga din lood ko na iniwan ko sya kasi three na kaming magkasama non pero kailangan ko talagang mamili para di kumplikado sa trabaho.

ponCHONG said...

leyn .. ano naman ang ikinasosyal nito. bago ka matuto e di hamak na sakit sa katawan ang dadanasin mo.

impeyrnes, happy ako dito.