Demo Site

Sunday, July 27, 2008

what's wrong with FARTING?


Nanonood kami ng PDA last week, 'yong episode kung saan ilang beses na umariba ang sirang tyan ni Bugoy. Naisip ko tuloy bigla ang sarili kong karanasan sa ututan.

Iba't ibang reaksiyon meron sa ganitong sitwasyon. Depende sa okasyon at depende sa kung sinu-sino ang naroroon. Kadalasan inis sa taga-amoy at pigil na tawa na may halong hiya naman sa guilty. Bakit kaya ganoon? Nakikiamoy na nga lang sila galit pa? Di na lang nila lunukin e wala namang tinik 'yon. Mas mahirap kaya ang umutot.


Bakit nga ba nauutot ang isang tao? Bakit lahat ng utot mabaho?


Ayon sa isang source, ang UTOT daw ay kombinasyon ng mga hangin (nitrogen, carbon dioxide, oxygen, methane at hydrogen sulfide) mula sa tiyan ng tao papunta sa anus. Nangyayari daw ito kapag ang isang tao ang nasobrahan ng hangin o di kaya ay kumain ng sobrang pagkain na hindi kayang tunawin ng tiyan kaagad kaya nakukulong ang hangin sa tiyan at walang ibang choice kundi ang lumabas ito sa wet-paks.


Kaya daw daw mabaho ang utot dahil sa hydrogen sulfide na naglalaman ng sulfur na nagiging sanhi ng mabahong amoy. Mas maraming sulfur sa pagkain, mas mabaho ang utot at ilan sa mga pagkaing ito ay repolyo, beans, keso, soda at itlog.


At ito pa, flatus o flatulence ang scientific name ng utot.


At ito pa uli:


Did you know?



  • On the average, a healthy person farts 16 times a day.

  • Hey guys, don't be fooled by girls who never told you that they never fart. Everyone farts, including girls, In fact, females fart in as much as males.

  • Animals fart too -- cats, dogs and cows. Elephants fart the most.

  • People fart most in their sleep.

  • Farts that contain large amount of methane and hydrogen can be flammable.


Di ko mapigilang tumawa sa natutunan ko ngayon. Madalas kami mag-away ni misis dahil sa utot lang. Ngayon ko napatunayan na mas mabaho ang utot ng mga babae kesa mga lalaki. Bahala na ang magreact, opinyon ko yan. Paano kasi sobrang sensitibo ng tyan ng asawa ko lalo na kapag hindi nya trip ang pagkain, ang daling masira tapos unconsciously, nagbubuga ng masamang hangin.


Alam ko nam dahil sa karanasan ko sa utot, hindi ako makakalimutan ng mga kaklase ko noong first year high school pa lang.


" A, si kwan...'yong umutot?"


Departmental exam kasi noon. (Di ko alam kung bakit ganon ang tawag sa exam na 'yon) Panghapon ang shcedule namin. Hiwalay ang kwarto ng mga lalaki sa mga babae. Bago magsimula ang pagsusulit, kabilin-bilinan ng nanay ko na huwag kumain ng itlog pero pwedeng kumain ng mani. Pampatalino daw ang mani kahit alam kong 'di ko na kailangan 'yon, kasi pwede naman akong mangopya. Kaya, inubos ko baon kung 5 pesos para bumili ng piniritong mani. Sobrang confident ako kahit ako star kid. Medyo may kahirapan ang eksam. Basta Math mahirap sa akin 'yon. Nakatingala ako sa kisame na para bang hinahanap ko don ang kasagutan pero hinihilo ang paningin ko nga isang butiki. Di ko pa rin maalala ang tamang sagot. Tingin sa kanan, sa kaliwa, tingala uli. At ayon, biglang parang naapakan ko ang pato.


"Purrrrttt..t.t..tt.ttttt!"


Okey sana kung maigsi lang pero 'yong tipo talaga na parang warning bell sa haba at parang may mikropon sa puwet ko at abot hanggang row 7 ang tunog. Syempre, in denial ako. Hindi, hindi ako yon. Pero pulang-pula na ang mukha ko sa hiya. Lahat ba naman kasi ng kaklase ko humahalakhak at syempre all eyes ako. Letseng mani 'yan. Pero di pa din ako nagpaapekto ang tinapos ko ang pagsusulit saka nauna akong umuwi. At syempre, hanggang ngayon yan, di makakalimutan ng mga "may ugali kong kaklase."


Wala namang masama pag umutot. Ganyan ang tinging ng mga Swiso dito. Mas okey pa daw ang umutot kesa magburp. Kapag nagburp ka daw kasi, you just bring the pig in you ang tingin nila at mas bastos ka kesa sa umutot. Natural phenomenon daw kasi 'ikanga ang utot at nasa manners naman daw ang burping. Kaya never kang gumighay kapag Swiso ang kaharap mo para bang 'wag kang kakain sa kaliwang kamay mo kung Arabo ang kaharap mo.


Sabi nila, di daw dapat ma-insecure ang mga mahirap sa mayaman, kasi pagsamasamahin man daw sila ay walang ipinagkaiba sa amoy ng utot nila -- parehong mabaho.


Pero sana siguraduhin mo lang na walang ibang makakaamoy kundi ikaw lang.


Ayan na nauutot na ako.



*****



PS



Natuwa naman ako. Umakyat na sa PR2 ang Page Rank ko. Sobrang salamat sa lahat ng bumibisita sa bahay ko.

18 comments:

PoPoY said...

kuya bakit ndi natin isuugest na gamitin ang utot para solusyon as tumataas na singil sa kuryente? natural gas naman pala ang utot di ba? hahhahaha :D

Cryptomillions said...

natawa ako sa post na ito.dagdag pang nagpatawa c mr.popoy, galing ng comment...muntik na akong mapautot hehe.

duke said...

si angelina jolie hindi umuutot!

my-so-called-Quest said...

ang bango bango! aheheh

oks lng yun kuya lahat naman tayo umuutot dba? at si popoy humirit pa. hehe


naalala ko ung prof ko dati. ang babae daw kahit anung ganda, pero pag umiri at umutot nakaka turn off. ahehe

Anonymous said...

ang kulet ng mga comments. hindi talaga umuutot si angelina jolie! hahaha!

ako, usually wala akong pakialam sa mga umuutot sa paligid. basta malaki ang space ayus lang. pero kapag closed area, gaya ng elevator. zeusdemet. ayoko ng ganun.

† Yods† said...

matanong ko lang kuya ponchong, naranasan mo na bang umutot habang naglalakad? at bakit kailangang iangat ng bahagya ang puwitan pag uutot habang nakaupo?

masarap umutot pero mahirap ang sitwasyon pag umiihi nay may mga katabi tapos parang nauutot ka. napipigil yung wiwi hindi ka rin makautot lalo na kung alam mong may tunog.

ang baho na dito, amoy utot na! ahaha

Dakilang Tambay said...

naku. ahahaha. nagllbm ako.

Leyn ♥ said...

nalerki naman ako. 16 times ang pag utot ng isang healthy person?

shet. mabilang nga. haha.

ponCHONG said...

popoy .. di ak talaga nauubusan ng ideya ano po?

pero tama ka. utot ang sagot sa problema. saan ka pa?

ponCHONG said...

lovely0921_ph .. wag mong pigilan. pera ng doktor yan.

ponCHONG said...

duke .. maniwala ako doc. mas maalingasaw pa nga siguro amoy non.

ponCHONG said...

ced .. agree ako sa prof mo. alala ko din sabi ng tita ko, pero hindi ito tungkol sa utot.

sa lalaki daw kahit anong porma at gwapo daw kung may bitbit na manok panabong, ampangit daw sa tingin nya.

ponCHONG said...

tisay .. hahaha...siguradong ututan ang laban kapag nagkataon.

ponCHONG said...

yods .. kaya tumutunog ang uto ng malakas lalo na kapag inaangat ang puwet kapag umutot.

mas lalong mahirap kapag natatae ka. natitigil ang ang pag-labas ng isa kapag pinagbigayan ang isa.

ano ba? tama na!

ponCHONG said...

dakilang tambay .. uy! si mia. naandito.

wag ka alang mag-iwan ng utot ha.

salamat!

ponCHONG said...

leyn .. hala ka. kapag di ka umabot sa standard na bilang, masamang senyales!

Rio said...

ahaha!! kuya ponchong!! basta kapag utot ang pinag uusapan!! tuwang tuwa ako lalo na kapag naalala ko ang mga kapatid ko na nagagalit sa akin kapag kakain ako ng sinigang na baboy!! hindi na yan tatabi sa akin dahil kapag umutot na ako..parang panis na sinigang na baboy ang utot ko!! hehehe=)

Anonymous said...

wala palang masama kung uutot ka sa harap ng maraming tao..natural lang naman un.. pero pili-in mo ung maga naka mask..hahahha

tayo na!ututan na!