Kaya talagang may all caps para maemphasize. Pero 'yaan nyo munang magkwento ako. Nag-i-effort ako kaya sana basahin n'yo naman.
I feel like a grilled sausage everyday. Kung ang Pilipinas ay 'di nakaligtas sa bawat hagupit ni Frank, kami naman dito sa Suisse ay parang dinadaing. Ang init ng panahaon. Pati singit ko kumakatas ng pawis. Kung pwede lang sana mag-underwear habang nagtatrabaho (unethical naman kung nakahubo) ay gagawin ko. Mistulang Pilipinas na rin ito kung tag-init. Nakakaulol! Nakakatamad! Nakakagutom!
Dumudugo ang ilong ko sa sobrang init as in literal na dumudugo. Hindi ko na makakayanan ang ganito to think na nagsisimula pa lang ang summer. Kaya kanina, sugod ako sa malapit na shop para bumili ng aircon. Ayaw ko nang magpakastress sa pagpaypay at magpaaway sa misis ko dahil sa electric fan. Gustong gusto ko kasi na nakasteady sa aking ang bentilador.
Kung matinding baha, malakas na ulan at hangin ang dala ni Frank sa Pilipinas, there's a possibility naman na magkakaheatwave this season sa Suisse kaya kawawa na naman nito ang mga olds at mga bata. Compared last year, mas matindi ang summer this year. Parang napupunit ang balat mo pag natamaan ng araw especially kapag nasa peak hours. Ang arte ano? Pero totoo.
Pero kung gaano kainit ang panahon, ganon naman kainit ang mga tao. Hindi alintana ang init, abala ang lahat sa kapaparoo't parito para ibilad ang katawan under the heat of the scorching sun. Tama ba Ingles ko? Laganap ang mga magagandang tanawin. Pabor sa maraming mga naglipanang manyakis. Oo, uso yan ngayon. Maliban d'yan, kaabang-abang ang mangyyaring finals ng EUROFOOT sa Linggo.
Kaya tuloy, malamang, natutuliro na din si Papa GOD sa mga tao. Kapag malamig naghahanap ng mainit. Kapag naand'yan na ang init, hahanap ng malamig. Pero eto 'yon e. Eto ang best time para sa lahat ng mga dapat gawin. Masaya talaga 'pag summer. Nakakataba!
****
Ang susunod na inyong mababasa ay bunga lamang ng walang magawang kaisipan ng may-akda. Salamat sa pang-unawa.
Eto na 'yon. Pansin ko lang, lumalawak na ang blogosphere. Parang nagiging oblate na ito. Marami na ang nangarir sa pagiging blogista. Kahit saang bahagi ng mundo pa man parang, kaharap mo lang sya. Marami ako nakitang blog na ang haba ng blogroll. Daig pa ang listahan ng utang sa tindahan. Ako nga mga sobra 15 siguro and counting..naks! At balita ko din, merong mga time na nagkakasama ang ilan sa mga blogista para sa isang EB, party-han, gimikan at kung ano pang purpose.
Naisip ko lang, maganda rin siguro kung magkakaroon din ng something purpose ang pagiging blogger aside from pagsusulat ng sari-saring emosyon, details sa buhay-buhay. Iyong makakapagreach out tayo sa kapwa. Diverse naman ata ang mga bloggers, merong nurse, engineer, doctor, titser, writer, estudyante, palaboy, bakla, tomboy, driver, entertainer at siguro GRO. Siguro naman, in the name of blogging, pwedeng magkaisa. At since nagkikita naman, pwede rin namang sigurong magyayaan para gumawa ng halimbawa civic actions, outreach programs, environmental related activities. Nag-eenjoy ka na, nakatulong ka pa and it's a worthy experience.
Naisip ko lang. Baka pwede na rin.
38 comments:
ob·late (ŏb'lāt', ŏ-blāt') Pronunciation Key
adj.
1. Having the shape of a spheroid generated by rotating an ellipse about its shorter axis.
2. Having an equatorial diameter greater than the distance between poles; compressed along or flattened at the poles: Planet Earth is an oblate solid.
ahhh...yun pala ang oblate!
ako ay isang manikang nagbablog. joke!
may ilan na nangyayaring mga ganyan na nagkakaron ng sama samang paggawa hindi para tumulong kundi para durugin ang kaaway nila. ang babaw diba??
he hehe..
ang totoo, naisip ko na rin yan dati. ang problema, hindi lahat ng bloggista hindi ganyan mag isip.
recently lang nga naisip ko na magkaron ng sportsfest tapos magkakaron ng beneficiary yung kikitain. marami kasing naging nostalgic sa post ko tungkol sa mga larong kalye, although hindi sports yun, magandang bonding time yan since karamihan sa mga bloggers ay nakakarelate sa mga ganong laro.
merong gro na blogger! AKO YUN!!!
sigurado ka bang evironment friendly ang nabili mong aircon at walang cfc? baka kase lalo ka lang makadagdag sa global warming at hindi na lang ilong mo ang duguin.. anyway. sana maging okay kayo dyan kuya..
mwah mwah mwah
haller, musta naman you there?
hmmm, ganun kainit?? garabe, at nosebleedan!! nakopo! nakakatakot naman dyan!
-
hmmm, okay din yun sinasabi mo na proceeds ng blogging if ever..hmmm.
why not coconut nga ang naisip mo kuya!
at sana maka attend ako pag merong nag organize nun..
sana napawi ng nabili mong aircon ang init ng panahon jan sa inyo..
btw,sa pagkakatanda ko nag comment na ako dito knina,bumalik lng ako to check kung nireplyan mo..tsk,.tsk..o baka nman nananaginip lng ko..hehe!
tara magpapamedical mission ako.
naisip ko na rin yan kuya kaya lang baka walang sumama. hehehe
magsun protection lagi at laging mag hydrate. malakas din and rate ng heat stroke. kaya keep it cool palagi=]
rawr! hindi ko alam kung may GRO, pero may kilala akong callboy...hahaha!
maganda yan. bloggers unite for the good of the world. kung magkakaron ng ganyan sasali ako. apir!
kapag nag-organize ka ng kung anong events for charity jan sa switzerland, pupuntahan ako. pramis! basta may pera ako nung panahon na yun...
wow, dito din ang init. kahit san ka mapunta mainit. kahit sa may aircon mainit pa rin. kakaligo mo lang, paglabas mo ng banyo, pinapawisan ka na ulit. kakasimula lang nga ng summer, ibig sabihin iinit pa lalo. zeusdemet.
ok yung naisip mo masaya yun, Grabe pala init jan badtrip pa naman pag ganyan di ka makapagtrabaho ng ayos dahil nakakairita
wow! napakagandang hangarin. pwedeng pwede yan.
kamusta naman ang utol kong si fb, akala ko ako lang ang blogger na gro sa aming dalawa yun pala pareho kami!
wow! EB ng mga blogista!:) ayos yan..enjoy.:D
neil camhalla..kamusta naman ang manikang blogger?
salamat sa dalaw!
KDR..bossing agree ako sa idya ng palaro mo. basta something na beneficial sa ibang tao. at least through mga larong pinoy na ganyan lesser expenses pero it will surely be a great fun.
bonding! bonding!
FB .. di halata asal GRO ka..LoL
ano ang CFC? sensya mental block kasi. napakarelihiyoso ng tunog..parang Couples For Christ!
yay!
napunding alitaptap..ang haba ng tag name pero ayos lang.
at lest di na dinudugo ang ilong.
pwede naman di ba? pero ang tanong ko, sasali ka ba?
churvah..ang tagal kong magreply sa mga comment lately. ang init kasi tapos di man kami masyadong natigil sa bahay kasi nga trabaho.
pwede ka namang dumalo kung sakali a. di naman siguro iyon palakiha ng shares sa blogosphere kung sakali.
wag ka magsawang dumalaw ha.
ced.. gandang suggestion yan ced. di ko na lang minention. una marami namang blogger na medical related ang profession at soon to be their profession.
oks na oks yon. kahit simpleng BP lang naman pwede na di ba?
tisay..at sino namna ang blogger na callboy na 'yon. ikaw talaga puro men ang inaatupag mo. kunsabagay alangan naman women.
kaso nga lang, wala pa akong kilalalang blogger dito sa suisse. i-nonotify kita pero siguro kung meron man donation muna ang itutulong namin.
naman, ang init talaga sobra. gusto ko na ulit magwinter. ahahha...
ingat jan!
chellie..oy, uragon ka man paran.
kon sa lictin, san andres ang roots mo, asa virac yon banda if i'm right. asa viga ang lugar nin asawa ko, sa tambognon, ang gayun don kasi nga malapit sa tabing dagat kita ang nagsasalpukang alon sa bandang gitna.
sasali ka din ba kung sakali. blogger family day. hehehe...
YODS..at hindi pala nag-iisa si FB. hahahha...magkapatd nga kayo kung ganoon.
sana nga lang may mag-organize.
salamat sa link. i will do the same.
arnie..lagi naman may EB di ba? naisip ko lang naman pero why not.
kaya naman siguro yan.
salamat.
ingats sa heatwave...
salamat sa 'da MOVES na tinuro mo pare.
yahoooo!
ako? sasali? it depends kun nasa manila ako sa oras na yun...
at kung, hmm, hindi ako atakihin ng mga anti-social moves ko. . .. ahahahhaa!
baka ashytype ako kunwakunwarian sa oras na yun.,,,sana hindi..
hmm, ang proceeds, ang proceeds! ahaha...hmmmmmm''
just inform me kuya.
naku chong mabuti na lang napadaan ako sa blog mo!
taralets, madami akong alam na institution, dun tayo sa favorite home for the aged ko. :) matagl tagal ko ng pinipilit yung mga fellow psych majors ko, wla nmng may time. rawr
sa Kanlungan ni Maria, very accomodating sila and dun din ako nag conduct ng reasearch para sa case study ko.
email nyo ko kung sino interesado at organize natin! :) anjialie@yahoo.com
goodluck & Godbless! :) *huggs*
ganon ba...never kasi akong naka-attend sa EB ng bloggers.:(
ha?! GRO na blogger? asan ang link? hehehe... ingat sa heatstroke!
God bless!
leviuqse .. hahaha...di na ako tinatalaban ng heatwave.
kurisujae .. congrats uli!
hinusayan mo talaga ang pag-apply ng damoves ha.
ingat ingat lang.
napunding alitaptap .. meron na daw nagpaplano.
why not naman di ba? baka pag sumali ka mawawala ang hiya hiya mo..wag mo lang sobrahan kundi wlanghiya ka na non.
dyilyan dyosa .. first time mong napadaan?
ayun..ikaw pala may mga alam na institutions. i-suggest mo kaya. malay natin baka mapuntahan ng bloggers..sensya na. kung nasa pilipinas siguro ako pwede akong tumulong kaya lang wla e kaya siguro sa ibang paraan na lang.
salamat.
arnie .. eto na siguro chance mo para maka-attend ng EB kung sakaling magkaroon. never pa din ako nakapunta ng mga ganyan kasi naman naman wala akonng ka-eyeball. wala dito sa suisse e.
bro. utoy .. naku katakot talaga magkaheatstroke. sa totoo lang namatay noong nakaraang summer ang kaibigan kong nagtatoo sa akin sa boracay dahil sa heatstroke.
tsk..tsk..kakamatay na talaga ang init.
ndi ah, matagal na ko bumibisita dito, silent mode lng. haha nakikiepal :P
ako ay isang stalker, lagoooooooot ka bwahahah *joke
ganyan talaga... everyone has his or her own goals when it comes to blogging pero hindi malayong mangyari yang mga civic actions na sinasabi mo. i, for one, want that too. napadaan lang...
meron ngang heat wave jan! napanood ko sa balita... buti na lang rainy days na naman dito.. kawawa yung nalubog na barko..
dyilyan dyosa .. salamat at sa wakas may stalker na ako.
wahahhaa...
ifoundme .. kamusta naman ang pagdaan mo? sana di ka natisod.
salamat.
janus .. grabe talaga dito pag summer. parang pinas na din.
ilang araw ko nga ngang sinusubaybayan ang balita tungkol jan.
Post a Comment