Demo Site

Sunday, June 15, 2008

happy FATHERS

Maraming nangyari ngayong araw na ito.


At dahil sa dami ng nangyari, wala akong maalala -- wala, kasi walang interesting sa mga nangyari. Father's Day daw. Pero bakit hindi ko alam. I am a father 2 years ago pa at last year, isang linggo bago ang eksaktong date ng Father's Day meron ng nag-greet sa akin through text at sabay forward ko din sa mga father na kilala ko. Pero ngayong taon kahit na nasa official talaan na ako ng mga masigasig na tatay sa mundo, wala akong "further notice". O kaya absent lang ako ng i-announce ito.



Nagblog hop din ako 3 days ago at merong mangilan- ngilan na nagpost ng entry na may kinalaman ngayong araw pero deadma ko kasi baka trip lang. Naki-greet pa nga din ako. Pero kaninang umaga ng i-check ko ang roaming number ko may 3 akong messages para sa father's day. So it was confirmed -- Father's Day pala ngayon kaya Happy Father's Day sa tatay ko at sa lahat ng naging tatay-tatayan ko.



Sabi ko nga walang interesting nangyari kaya wala akong maalala.



Since Father's Day ngayon, bumili ako ng callcard para itawag sa tatay ko sa Pilipinas. Makapag-I love you man lamang. Ganyan na kami kaclose ng tatay ko ngayon. Kahit na nasa isipan ko pa din kung paano n'ya sinubukang gawing punching bag ang kanang braso ko noong maliit pa ako sa hindi ko maalalang dahilan kung kaya para maalala ko lagi ito, dito ko pinili na ipalagay ang tattoo ko. Maliit at supot pa ako that time pero 'di ako umiyak. Pinigil ko ang luha ko kahit para na akong mawalan ng malay sa sakit. Minsan lang nangyari iyon at 'di na naulit pa pero kelanman, di ko makakalimutan.



Tahimik na tao ang tatay ko. Kung gaano ako kaingay ganon din sya kareserve. Laging idinadaan sa diplomasya ang mga bagay bagay. Ang kwento sa akin ng halos kaedad nyang mga kababaihan sa amin, s'ya daw ang pinagkakatiwalaan ng mga magulang nila kapag may mga lakaran. 'Yon bang hindi sila papayagan ng magulang nila kapag sila lang ang nagpaalam pero kapag tatay ko ang nagpaalam para sa kanila tanging "Basta mag-ingat ha at uwi sa ganitong oras." -- lang ang drama ng mga magulang. Kung kaya madaming pachuchay si tatay noon kasi maliban sa gwapo e napaka-gentleman kaya di rin ako magtaka kung bakit ganyan din ang nangyari sa akin noon binata pa ako. Iba talaga ang may pinagmanahan. (Ang hangin ko!) Blog ko 'to kaya ako ang masusunod.



'Wag mo nga lang galitin kung ayaw mong dumapo ang hagupit ng "patik" niiya sa likod mo..



Marahil kasalanan ko rin noong panahon na iyon kung kaya sa anim kaming magkakapatid, ako lang ang yata ang nakatikim ng suntok. Ibig sabihin, espesyal ako -- parang special child in english. Pero, hindi lang isang beses sumama ang loob ko sa tatay ko. (Pasensya na. Dapat happy father's day ang entry ko pero otherwise ang nasusulat ko. ) Blog ko 'to. Dahil din sa kanya kung bakit nagpursige akong magkaroon ng kahit konti para ibalik ko sa kanya ang mga nasabi nya sa akin noon. Masyado ng personal 'yon kaya ipaubaya nyo na lang sa akin. I love him less than my mother pero anlaki ng respeto ko pa din. Kahit madalas din ako talakan ng nanay ko, espesyal kasi. Pero naisip ko bandang huli, I can't go anywhere having this feeling of resentment sa tatay ko. Sa tatay ko pa. Mahirap 'yong nagkikimkim ng galit. I could feel that I am not growing as a person. Hindi ako blessed. Kailangan kong lumaya kaya I made a reconciliation. Hindi sa tatay ko kundi sa sarili ko. Acceptance lang naman ang kailangan. Pagtanggap ng pagkakamali at sabihin ang salitang "I'm sorry." Kaya ngayon, ayos na ang lahat. Lalo na pat isa na din akong tatay kagaya nya at naranasan ko na din kung ano ang hirap ng pagiging ama. Sayang nga lang 'di ko sya nakausap. Hindi kasi nakabili ng signal ang nanay ko sa selpon nya bago umulan kaya tuloy paputol-putol ang usapan namin. Pero ayos na 'yon. Alam nya namang mahal ko sya. Mahal namin s'ya.



Sa iyo, Tay -- Maligayang Araw para sa Iyo. Mahal ka namin.



Syanga pala,


TATAY ko.

7 comments:

my-so-called-Quest said...

kuya! happy father's day sa iyo at sa tatay mo!

sana maging close rin kami ng tatay ko.

ingas ka jan kuya=]

FerBert said...

lagi kong sinasabi na idol ko tatay ko.. pero dati yun.. ngayon di ko na sya masyadong kinakausap.. pag tumatawag sya hindi ko na rin sinasagot.. nahihiya na kase ako sa kanya, pinapasakit ko kase ulo nya saka gusto kong maging proud sya sakin yun nga lang eh pakiramdam ko eh failure ako..

gosh ang emo ko..

happy father's day sayo daddy george saka sa dad mo...

Anonymous said...

happy tatay's day sa iyo at sa tatay mo. ngapala, isinama na kita sa blogroll ko nang walang paalam. God bless!

Anonymous said...

happy fathers day sayo pards pati na rin sa erpats mong malupit sa chiks..hehe! mana mana lang yan..

Anonymous said...

happy father's day sa iyo ulet. hehe! at sa tatay mo.

:)

Anonymous said...

dahil sa binati na kita, yung tatay mo naman ang babatiin ko.

HAPPY FATHERS DAY!

ponCHONG said...

ced..

FB...

utoy..

gasti..

tisay..

KDR..

...sobrang salamat sa pagbati.