Demo Site

Monday, June 16, 2008

SALAMAT

Isang taon na ang blog ko.

Merong 1 800+ na bumisita, 70+ na posts at sa awa ng Diyos, PR1 ang pagerank. Kahit na madalang na ang nagbabloghop dahil alam ko, abala ang karamihan sa "plurk" -- plurking-inang 'yan. Kakaadik.


May ilang beses ko na ring pinag-isipan kung itutuloy ko ang balak kong isara ito ng tuluyan dahil na rin sa ilang personal na dahilan at pati itong blog ko ay idamay sa kalokohan ko. Oo, kalokohan ang pagbablog at ewan ko sa inyo kung maniniwala kayo. Isang taon na din tayong naglolokohan. :-))


Pero hindi. Wish ko lang na puro kalokohan lang ang naisusulat ko dito. Sana nga ganon, para may karma -- may saging na ako pero gusto ko pang magkasaging. Seryoso ako at seryoso ang nababasa n'yo dito.


Sobrang salamat sa mga taong, in one way or another, ay naging kaibigan ko dahil sa blog kong ito. Sa mga taong pinagtataguan at nagtatago dahil ayaw paistorbo kapag may talakan. Sa mga naging kaibigang naging tagapayo at inspirasyon para ipagpatuloy ang nasimulan ko dito. Sa mga nakisimpatya at nakitsismis dito. Malawak ang blogosperyo at parang imposibleng magkita kits tayo pero ganunpaman, hindi mahirap ang makahanap ng kaibigang maari mong pagbuhusan ng nararamdaman na hindi nagreraklamo pero nag-iiwan ng komento.


At dahil anibersaryo ng blog ko ngayon, walang selebrasyon, pero sasagutin ko ang tag sa akin ni Madbong galing pa sa kabilang sulok ng mundo na ngayon ay nagwiwinter -- sa New Zealand.


The Rules:


1. Link to your tagger and post these rules on your blog.

2. Share 7 facts about yourself on your blog, some random, some weird.

3. Tag 7 people at the end of your post by leaving their names as well as links to their blogs.

4. Let them know they are tagged by leaving a comment on their blog.



Okay, so bukingan time.


1. Sa probinsya ako nag-aral mula elementarya hanggang kolehiyo. 23 years old na ako ng lumipat sa Maynila.


2. Ang pinakaunang trabahong pinasok ko after college ay pagiging service crew sa Shakey's sa SM City sa Iloilo kung kaya marunong akong mag-Ilonggo. Pagkatapos naman nito ay naging pasaway sa Star FM sa Kalibo, Aklan kaya marunong akong mag-Akeanon.

3. Mahina ang tolerance ko sa kahit anong maasim kaya ayoko ko ng suka bilang sawsawan pero gusto ko ang ang sinigang pero dapat may bagoong. Sweet lover ako kaya mabenta sa akin ang mga kakanin, chocolates at prutas pwera kalamansi.


4. Mahilig ako sa music pero walang hilig ang music sa akin kaya puro frustrations ang inabot ko. Kahit na anong music pinapakinggan ko pati Max Surban at Matt Monroe. Todo na 'yan.


5. Mahilig akong magluto. Dahil walang choice dito sa Suisse kundi ang matutong magtrabaho, natutong akong magluto para amin ng pamilya ko. Halos lahat din kasi ng kapatid ng tatay ko marunong magluto. Sa ngayon, pinag-aaralan ko ding gawin ang ibang mga recipe ni Jamie Oliver.


6. Lagi akong may backpack o di kaya sling bag na naglalaman ng ilang mga "survival kit" ko -- isang libro (pan-aliw), extra T-shirt (pamalit 'pag pinawisan), bottled water (para sa uhaw), 2 cellphone (1 roaming at 1 para sa Suisse network) , digicam (just in case may kakaibang "moment"), ballpen, mga susi, ang bus ticket (makalimutan na ang lahat 'wag lang 'to) at ang roll meter ko (di ko din alam bakit gusto kong nasa bag ko to).


7. Bicolana ang aking asawa pero di mahilig sa maanghang at gata. Galing sa isla ng Catanduanes at tatlong beses na rin akong napunta doon.


O ayan. Salamat at pito lang ang ilalagay.


At tulad ng nasabi noong huling tumanggap ako ng tag at dahil anibersaryo naman ng blog ko ngayon (pareng madbong, ipapasa ko lang 'to sa isa).

Para sa'yo to:

Doc. Rio



****


Maraming Salamat muli sa lahat ng mga nakialam at nakisawsaw sa munting lungga kong ito. Sana ipamalita nyo na ang mga walang kwentang kalokohang nangyayari dito. :-)

33 comments:

Anonymous said...

huwaw parekoy, idol ko din yang si Jamie Oliver. madalas ko panoorin yung tv show niya. salamat sa paggawa ng tag and congrats sa 1 year mo sa pag-blog.

Anonymous said...

huwaw! hafee pers anniv sa blog mo kuya.. mwah mwah mwah

ponCHONG said...

madbong..balak ko nga din bilhin yong isang libro nya na kompleto na.

salamat sa pagpasyal.

ponCHONG said...

FB..salamat. isa ka sa mga pinagkakautangan ko ng loob.

parang sa yo rin sa 22.

Anonymous said...

pano ka naman nagka utang ng loob sakin? alam ko lang may utang ka sakin chocolate.. lols! happy anniv ulet kuya!

CaleB said...

aba.. congarats..

Anonymous said...

happy anniv sa blog mo...

hmmm kagagawa ko lang ng tag na yan.. kaso sampu ung sa akin bakit ganon 7 lang ung sau.. ang daya ng nagpasa nyan sau hahaha..

hirap kasi mag isip ng random facts eh..

ponCHONG said...

ferbert (ulit) .. kung sana nga lang ok na ang chocolate pambayad...hahah..langkwenta talaga.

salamat. happy 100 day sa kokeymonster.com mo.

ponCHONG said...

caleb..salamat ng madami!

ponCHONG said...

jep..naawa lang siguro kasi alam nyang maysakit din ako ng katamaran.

o sya, magkapitbahay na tyo.

duke said...

hahaha. tongratuleyshon.

there will be times when you won't have anything to write, or wouldn't want to write. but don't delete. it's fun going back to old entries. see how you grow.

posterity.

Anonymous said...

oh my gulay!
i'm so late!

happy 1st year kuya!

ingats ka palagi=]
more post!=]

Anonymous said...

kababayan ko pala ismi mo catanduanes din province ko sa mother side malamang nalibot mo na yun catanduanes at ang ma kweba dun. ayos ha dami mo ng dialect na alam. Happy 100 years este days sa blog mo tuloy lang bro hanggang may napapangiti ka.

Anonymous said...

happy anniversary sa blog mo ponchong.

sana wag mo tanggalin itong blog mo dahil it brings joy to my life. ahihih! feeling ko nakapunta na rin ako sa switzerland. rawr.

ako rin gusto ko na tanggalin ang blog ko, kaya lang kelangan ko i-document ang buhay ko, para kapag namatay ako bukas, maraming makakaalam na naging masaya ako. ahihihi! pero nakakasawa na din.

sana wag ka mawala sa blogosphere. apir!

Anonymous said...

congrats sa iyo!

Anonymous said...

avah..late akey!
haha..
happy anniv!

more blogging days to come.
hindi ito kalokohan..ano ka ba!

isa nga ito sa mga madalas kong dalawin kasi aus ang mga post dito.

PoPoY said...

CONGRATUMALATIONS KUYA GEORGE. 1 year and still kicking hihihi :) more entries to come :) late na ko numati, shet kasing plurk yan hihihi

ponCHONG said...

duke..salamat.

another words to ponder.

ponCHONG said...

ced..may penalty ang late ced. pero ayos lang humabol ka.

salamat.

ponCHONG said...

chellie..saan kayo sa catanduanes? pasensya na pero di ko pa nalibot ang buong isla at isa pa takot ako sa kweba. ibang kweba ang kaya kong pasuking. LoL!

salamat din sa yo. di lang 100 days. 365 days na ang blog ko.

ponCHONG said...

tisay..kaya ako nagdecide na magpatuloy sa pagblog dahil sa nagbabasang katulad mo.

lakas ko talaga sa'yo at pinagtitiisan mo ako.

salamat. apir!

ponCHONG said...

janus..thanks pare.

gusto ko din puntahan ang pinuntahan mo dati ang Eden(?) sa Davao.

ponCHONG said...

janus..thanks pare.

gusto ko din puntahan ang pinuntahan mo dati ang Eden(?) sa Davao.

ponCHONG said...

churvah..ang galign mo talagang mambola.

saan ka ba kasi tumambling at late ka?

salamat din.

ponCHONG said...

popoy..plurking ina poy...salamat at naalala mo akong dalawin kahit wala akong sakit.

congrats din sa nominasyon mo. influential blog -- ibang level yon!

tigilan mo na ang ambisyon m sa saging!

Rio said...

dahil ba na hindi kita nabati ng happy father's day ay pinarurusahan mo ako?? hahahaha!! talagang exclusively lang ang tag na eto sa akin huh??...ni tag din ito ni me at ni lawstude pero hindi ko pa din nagagawa....pagbalik ko, gagawin ko yang mga tag tag na yan...hahaha...maraming salamat!!! belated happy father's day!!! nakahabol pa ako db????=)
at belated happy anniversary sa iyong makulay na blog...=)

napunding alitaptap... said...

whoa!! galing lang po ako sa catanduanes week before last week. . . (ay pagulo)

ayun, uhhh, perstaym ko dun...ALAM MO YUN PIKSUR NG TSINELAS na sinabi mong maganda, sa catanduanes yun!! watda! akalain mo yun! ahehehehe... nga naman!!

dami beach dun, mapuputi pa naman ang buhangin dun, gusto ko ngang lasahan, mukhang matamis(hmf!)

Anonymous said...

sya nga naman ano chungak talaga ko! naglitolitohan nanaman hahaha meron din kasi nag 100dys anniv di ko lang matandaan kung sino kaya nalito ko hahaha

sa Lictin San andress catanduanes, hahah ayos yun atleast di ka takot sa kwebang pinapasok mo hihihihi

ponCHONG said...

rio..doc, sabi ko nman sayo last once may tag ako ikaw lang ang papasahan ko.

saan ka ba uli pupunta at busi-busihan ka?

salamat..salamat!

ponCHONG said...

napunding alitaptap..ganda talaga mga beaches don pero sa totoo lang di ko pa nasubukang maligo.

baka sa susunod pwede na.

ponCHONG said...

chellie..sa virac nga lang siguro kayo..sa viga catanduanes pa kami.

Rio said...

pasensya at na ooverlook ko ang mga messges nyo.hehehe..ako lang tlga ang pinasahan ng tag ha!! astig! salamat kuya..hindi pa din ako makakabalik e..bisi bista muna ako sa mga blog nyo as of now...=)

Rio said...

pasensya at na ooverlook ko ang mga messges nyo.hehehe..ako lang tlga ang pinasahan ng tag ha!! astig! salamat kuya..hindi pa din ako makakabalik e..bisi bista muna ako sa mga blog nyo as of now...=)