Demo Site

Saturday, June 07, 2008

'til my heartaches END

Galit ako.

Galit na galit na para bang gusto ko kitang pukpukin ng martilyo hanggang sa magiging parang cornstarch ka at i-flush kita sa inodoro ng CR ko. Pero di pa iyon sapat bilang ganti ko. Nilinlang mo ako. Alam ko may pagkatanga ako kung minsan pero this time talagang nasaktan ako sa ginawa mo.

Akala ko walang iwanan. Akala ko magsasama tayo ng pangmatagalan. Pero peste ka. Ilang araw pa lang tayong magkakapiling bumigay ka na. Iniwan mo akong nag-iisa. Bakit?

Hindi mo ba alam na ikaw ang inuna ko kesa sa anong pa mang bagay. Pinilit kong bigyan ka ng puwang sa sarili ko at pati na sa bulsa ko. Alam mong ilang buwan din akong mamumulubi dahil sa'yo. Ipinangalandakan kong papalitan ko ang luma kong CPU para sa'yo. Kahit na alam mong mas gusto ko sanang bayaran ng buo ang bubong ng ipinapagawa kong kubo. Inuna kita higit sa lahat kahit apektado ang married life ko pati na ang sex life ko kasi akala ko mas matutulungan mo ako, na ikaw ang magbabalik sa nawalang confidence ko. Pero, peste ka.

Ginto ang katulad mo. Mahal ang ipinuhunan ko sa iyo. Para akong ninakawan ng harap-harapan dahil sa'yo, alam mo ba 'yon? Nanaisin ko pang di ko kumain makapiling lamang kita. Oo, hindi ako komportable ng una dahil siguro naninibago ako at hindi ako sanay na nasa paligid kita. Pero, optimistic ako na magkakasundo din tayo pagdating ng panahon. Pero kahapon, lumabas ang tunay mong anyo, pinanindigan mo na talagang peke ka at nababagay ka sa mga katulad mo din peke. Iningat-ingatn pa man din kita. Tiniis kong hindi kainin ang dating gustong gusto kong nguyain dahil ayokong masaktan kita. Pero bakit ganon? Peste ka talaga.

Nagsisi ako kung bakit higit sa lahat ikaw ang pinahalagahan ko. Ngayon paano na ako. Paano na ang buhay ko.




Ikaw...ikaw...na PUSTISO ka!






FYI: Ang mahal magpadentures dito sa abroad. Mas mura pa ding di hamak sa Pilipinas.


14 comments:

Anonymous said...

hahaha!
sabi ko na may punchline dun eh..
kaya scrolldown ko,bago ko binasa ulit..

bakit ano bang nangyari sa pustiso mo?

ponCHONG said...

churvah -- natanggal ang walanghiya. kasi dapat fixed sya. sayang nga laki ng binayad ko.

Rio said...

ipa-recement mo nalang muna..wag mo hayaang tumagal yan na hindi nakakabit dahil baka hindi n yan mag fit kapag pinatagal mo pa...nag momove ang mga ipin gradually kapag walang mga katabi..=)
mas mura tlga d2 sa pinas magpa dentist=)

ponCHONG said...

doc. rio -- ang problema ko nga doc sa france ang dentist ko e sabi nya once na narecement at natanggal uli for third time, ibi-bridge na daw nya. ikakapulubi ko na yon. kaya eto dinidisplay ko muna ang ngipin ko. :-(

my-so-called-Quest said...

naku, buti na lng may friend/blogger/dentist!

yan kinakatakot ko, ang magkapustiso... anu kayang phobia yan? hmmm..

Anonymous said...

zeusdemet. pano na ang porma mo nyan? naglalakad kang may gap sa ngipin. hala! paayos mo na kagad.

baka mabawasan pogi points mo. harr...

superboi said...

naku pow! walang warranty? parang cpu celfone lang eh.

The Gasoline Dude™ said...

Pucha! Bigla akong kinabahan! Magpapakabit din kse ako ng ganyan sa dentist ko. Di na kse kaya ng pasta at root canal. Nasukatan na ako. Ang mahal! Paano na kung masira agad??? Huhuhu mamumulubi din ako!

Ayus sa blog ah! Balik ako. Hehe.

ponCHONG said...

ced -- kaya nga ced kung pwede pang iwasan, iwasan mo at nakow! ..ang mahal tapos.

ponCHONG said...

tisay -- kaya nga pero buti na lang kasi medyo hindi naman kita maliban na lang pag humalakhak ako.

ponCHONG said...

superboi -- wala as in walang warranty. sa case ko, i rerecement lang nya at kung di pa rin magwork-out wala na daw sya magagawa. kitam!

ponCHONG said...

gasoline dude -- oo. kakatakot talaga ang presyo sa totoo lang. maganda nga habang nasa pilipinas ka pa, paayos mo na dapat paayos sa ngipin mo kasi pag nasa abroad ka na, kadalasan hindi voered ng insurance ang mga dentures at iba pang apparatus. pare, isang ipin pa lang yan. dalawa kaya ginawa sa akin. kakalula ang presyo dude!

thanks sa pagdaan.

Anonymous said...

aw a, abi ko kung ano na...

ponCHONG said...

palagpat -- wala a. gapraktis ko kon kabalo man ko mambtin! LOL!