Demo Site

Wednesday, June 11, 2008

Sir, MAHAL ho 'yan.

Mapanuri ang lipunang Pilipino.

Mapanghusga.

Malupit.

Mapanlait.

Laging nakabantay ang mga mata nito sa kung ano ang estado ng buhay ng isang tao. Laging may pagkakakilanlan. Laging may pagkakahon. Laging may babae at lalaki -- parang agwat ng mahirap sa mayaman.


Pangarap ko ang yumaman. 'Yong hindi naman sobra. Plastik ako syempre kung sasabihin kung happy ako sa klase ng buhay na meron ako. Kasi nga mahirap mahirap ng maging mahirap. Mahirap 'yong nilalait-lait ka at hindi mo kayang gumanti kasi pakiramdam mo nai-empower ka nila. Kapag naman sumagot ka at gumanti, sasabihin nila na wala kang breeding, walang pinag-aralan. Ang laki talaga ng nagagawa ng kinang ng salapi sa buhay ng tao.

And since, hindi ka well-off sa buhay, syempre kita yan sa kung paano ka pomorma, kung ano ang unit ng cell phone mo, anong brand ng damit ang suot mo at kung minsan tatanungin ka, "Anong dala mo?" (referring to kung ano ang sasakyang gamit mo). Ganito na ba ka-materialistic ang tao? Wala kang gagawin kundi deadmahin. Kunsabagay, material wealth lang yan. Pero nakakapikon lang kung minsan lalo na kapag sisinuhin ka ng saleslady sa mall sabay sabi:


"Sir, mahal ho yan!"


Kakainis talaga ang mga sitwasyong ganyan. Biktima rin ako nito minsan. 'Yon tipong hindi ka i-entertain-in kasi nasa sale items ka pumipili. Parang ipinaparamdam sa'yo na, "hindi ako magkakakomisyon dito." Malupit kasi nga prejudging yon e. Kaya ako natutong magsinuplado at magkaroon ng konting yabang lalo na kapag alam kong kustomer ako. Kailangan hindi ako magpapasindak kahit na alam kong alaqm ko kung hanggang saan ang kaya ko. Mahirap na ang maunahan. Pangit pero kailangan kong sabayan ang laban.


Kahapon, niyaya ko si misis na pumasok sa isang shop para tumingin ng kung ano ang pwedeng iuwi. Wala akong pera sa bulsa pero hindi halata. Titingin lang naman e. Tapos sabi nya, "Wala tayong pera." Sabi ko, "Okay lang yon. Mukha ko pwede ng ipambayad. Baka makakuha pa tayong libre." Kapalan lang ng mukha yan.


Isa din sa nakaimpluwensya sa akin ay ang kwento ng dati kong manager. Ayon don sa kwento nya, gusto nyang ibalik ang underwear na binili nya. Alam nyang di na daw pwedeng ibalik pag ganyang underwear ang binili mo. Pero never naman niyang sinukat at nakakabit pa nga daw ang tag. Ibabalik lang nya at papalitan kasi mali ang nakuha nyang size. Ayaw pumayag ng sales staff ng department store kesyo ganito, ganyan. Kalmado pa sya sa simula pero nong parang medyo matagal na nag-iba na sya ng approah. "Miss, wala akong pakialam. I'm too tired to listen to your explanations. Ang gusto ko lang palitan ang item na 'to. Pero parang ayaw mong pumayag kaya kung okay lang, pakitawag ng supervisor mo."


Alam kong minsan sa buhay mo ay nakaranas ka ding laitin, husgahan at sindakin dahil lamang sa panlabas na anyo mong nakikita ng iba o sa iba pa mang dahilan. O kaya minsan, ikaw ang gumagawa ng ganito. Lahat naman tayo merong other side na personalidad pero sana matuto tayong magconsider sa pakiramdam ng iba. Isipin mo kayang nagkapalit kayo ng sitwasyon.


Eto lang, matuto kang magpakatao.



20 comments:

Anonymous said...

puta yan..!
kaya nga hindi aq pumapasok ng mall or kahit anong shop pag wala akong pera eh..

ung tipong dedma ung saleslady,kahit pa nga my pambayad nman ako..mukha namn kasi akong dukha kaya di ko siya masisi, pero mali tlga ung ganun..

maling mali!!
kaya lng talamak ang gnyang pag uugali sa mga pilipino.

di mo rin minsan masisi ung mga mahihirap na yumaman tapos biglang naging mayabang kasi malamang sa hindi nakaranas din sila ng malupit lupit na pang lalait..(though mali nman un)

Anonymous said...

kaya ako para hindi na ako matrato ng ganyan.. pasimple lang ako magwindow shop. at pag bibili na ako, hindi na yung sobrang tagal na papaasikaso pa ako ng todo sa saleslady. kumbaga, alam ko na size ko. bili agad wlang tanong tanong.

nakakainis din yung ibang consumers na panay yabang lang ang bitbit sa katawan. kaya siguro madami ding saleslady ang naiinis sa ibang hindi naman bumibili. eh pero.. ayun nga. courtesy and respect. parehas lang naman tayong nakikinabang sa bawat isa. kaya tratuhin na parang tao ang lahat. whoa. ang haba ng comment?!

Anonymous said...

aba, daw pwede ma-relate sa post ko. te ano kung wala kwarta basta PG... pwerte gwapo. hehehe.

may istorya ko re: sa unit sang cellphone. pagpa manila ko recently, kadlaw ko sa lahug sang abyan ko. indi ko kuno pang bilin ang cellphone ko kapin pa kung sa mall. basi makita sang mga switik kag ihaboy sa akon. hehehe

Leyn ♥ said...

haha andaming ganyan sa mga mall stores. mataray ako sa mga ganyang mapang husga. dati may nainis sakin dahil hindi ko binili yung pinakuha kong item, nag-inarte sya na parang "can't afford" ko ang bagay.

ang point ko naman, magyabang sila kung kaya rin nila bilhin. kung mapera sila edi sana hindi sila saleslady.

lol, ang mean ko. mapanghusga rin pala ako. :P

Anonymous said...

rawr, so deep naman.

buti na lang di pa ko nakaka-meet ng mga ganyang salespeople, pero minsan isang beses may nangokray ng buhok ko, suklayin ko daw! hahha! pang asar nag-walk out na lang ako. buti sana kung beauty shop yung shop nila, eh clothing store naman.

pero para maka-relate lang ako, naaasar ako sa mga pilipinong nami-meet ko d2. ewan ko kung ganto din jan sa inyo pero mga pinoy d2, pagkatapos mag hi-hello, tatanungin ka kung taga san ka sa pilipinas, tas susunod na ang malulupit na mga tanong...

tatanungin ka kung pano ka nakapunta abroad, may bago ka na bang kamag-anak na blondie, anong car mo, kung may bahay na kayo, anong trabaho mo sa pilipinas, anong trabaho mo dito, san ka mahilig pumuntang mall, nakatikim ka na ba ng sushi, eh ng mexican cuisine?

lahat yan naitanong na sakin, sa ate ko, sa magulang ko. tas ipagmamayabang nila yung mga gamit nilang may pangalan.mga kalechehan sa buhay.tas iko-compare nila sarili nila sayo. zeusdemet.

lumangoy ako papuntang america! at please lang, sana wag nila ipagmayabang ang bag nila na parang hindi pa ko nakahawak kahit kelan ng original na LV, dahil alam ko kung anong itsura ng orig at fake, and most of the time katulad ng personality nila, fake din ang bag nila.

kaya konti lang mga kaibigan kong pilipino, puro pinsan ko pa. rawr.

ponCHONG said...

churvah -- sister, ang puso mo dahan dahan lang. pag ganyang parang sinisino ka lang, pahirapan mo ang sales staff. makaganti man lang.

ponCHONG said...

V -- as in ate Vi? ikaw ba yan? agree ako sa yo pero kasi may mga pagkakataong merong ibang nilalang na hindi makaintindi kung ano ang courtesy at respect kaya parehong nagpapataasan ng ego.

Bow!

ponCHONG said...

palagpat -- nabasa ko gani ang rated PG mo nga entry. amo na gani pirme paminsar ko, pwede na ibambayad tsura ko. nga linintian!

perte na gali nga switik sa aton, gampamili kawaton!

ponCHONG said...

leyn -- di ko malagyan ng heart ang dulo ng pangalan mo. di halata ang katarayan mo kung ganon. mahina lang siguro magsales talk ang staff kaya hindi ka napabili. patay ka! baka tinatandaan nya itsura mo kaya ingat ka sa susunod baka gantihan ka.

ponCHONG said...

tisay -- kakalula. wala naman palang pinag-iba ang mga pinoy d'yan at pinoy dito. kung dati daw pag nakasalubong ka ng kababayan dito, pakiramdam mo nakakita ka ng kakampi pero ngayon pag nakasalubong ka ng kapwa pinoy, parehong nag-iiwasan. kaya di nga ako masyado nakikisalamuha sa mga kababayan natin. pangit pero kasi pag feeling close na kayo, katulad d'yan, uungkatin ang buhay tapos, iri-relay sa iba. tsismis na ang labas kung minsan. maangas din kasi kung minsan mga kababayan natin. hehehe...payabangan sila ng amo!

Anonymous said...

ilan beses ko na ring naranasan yang ganyan. isa lang yang uri ng diskriminasyon na laganap sa bansa. err... nakakasar talaga sila. kung manghamak akala mo kung sino ng can afford. wtf.

PoPoY said...

sabi nga ni NICOLEHIYALA at CHRISTSUPER, "pagsasamahin ang mayayaman at mahirap, pag umutot, iisa lang naman ang amoy, MABAHO!!!"

lahat tayo ay pantay pantay. TAO ka tao ako, pero nasa sa atin na din kung pano natin tignan ang kapwa.

tayo lang ding mga tao ang gumagawa ng "lebeling" na yan na estado natin.

matagal na yan nung may caste system pa, nagevolved na lang ngayon :)

my-so-called-Quest said...

yan masakit sa tin, mapanghusga.
di ko kuya idedeny minsan ganyan ako pero i take thingson a lighter side at sa mga kaibigan ko lng naman.

pero ung mga saleslady na ganyan, sarap btukan at mabigyan ng isang wapak. nakakabastos.

ang pera maraming nagagawa sa tao. pero sana hindi naman maging pamantayan sa pagkatao kung anong klaseng pamumuhya meron ang isa.

ingats jan kuya=]

Rio said...

dapat tinampal mo ng maraming barya sa mukha!! lol..

duke said...

tangenang saleslady yan.

nakakainis din mga guard dyan sa mga malls sa pinas minsan. Dati nauna na yung 3 kasama ko sa loob tapos ako gusto paiwan yung bag ko eh di hamak na mas malaki yung bag ng mga kebigan ko. Ang siste, di ako kaputian. hehehehe. baka masyado ako mukhang indio.

pero nakakainis talaga. nasira araw ko kakabasa netong post na to. wahahahahaah!

ponCHONG said...

KDR -- masyado sigurong halatang can't afford ka bossing kaya nabiktima ka rin.

ponCHONG said...

popoy -- wala na akong update sa TAMBALAN.

mahirap lang kasi merong mga tao na talagang mataas ang tingin nila sa sarili nila kaya hindi sila maaring magpapababa sa iba.

tama, pare-pareho lang tayong tao pero, mas gwapo ako sayo. LoL (bangag lang ako poy)

ponCHONG said...

ced -- tama ced. nagkakaangas ang tao dahil sa pera. wala akong pera kaya di ako maangas, mayabang lang. (ganon din ba 'yon?)

ponCHONG said...

rio -- muntik na nga doc. kakukonsenya lang din kasi mukha na ngang piso tatapalan pa ng maraming barya. baka magmukhang alkansya na sya. wawa naman!

ponCHONG said...

duke -- ay, pasensya na doc kung nasira araw mo pero sana bumalik ka uli.

mga gwardiyang, pati butas ng tenga ko pinapa-inspect ko baka kasi kako may bomba pa. pang-asar lang sa kanila. kakahighblood kasi every pinto na pasukan mo maya maya usyusuhin bag mo.

thanks doc!