Eksaktong dalawang linggo akong nawala sa sirkulasyon ng mga "elite". Mas mabuti na rin ang ganoon para kahit papano e mamiss nyo ang kutong lupang ito. Kung hindi naman, ayos lang kung nadelete nyo ako sa blogroll ninyo. Pero sa loob ng dalawang, nandito lang ako, nagmamatyag, nakikiramdam sa mga nangyayari at maaring mangyari sa blogosperyo. Try nyo din maghibernate, mas exciting!
Magpapaalam na ang tag-init dito. Saksi ang unti-unting pagkatuyo at pagkalagas ng mga dahon ng maple na kelan lang ay sabay sabay na sumibol. Mapapadalas na rin ang ulan. Mag-gu-goodbye na sa mga mamahaling havaianas na parang di man lang napudpod bago itabi. Hindi ko sana ramdam na magpapalit na ng panahon dito kung hindi ko tinignan ang kulay green kong kalendaryo. Ugali ko na kasi yon lalo na kung katapusan - para magkwenta ng bayarin kahit walang pambayad. Hayy, mas exciting uli yon.
Teka, multitasking pala ang pag-uusapan. Meron ka bang ganitong kakayahan? Kaya mo bang gawin ang tatlong gawain at once? Ng tama? Asus! Ngingisi-ngisi ka jan! Ano ka may limang processor? Pero totoo, sa panahon ngayon, kailangan nating maging mas efficient. Mas maraming accomplishment in a day mas maganda. At mas magandang nagagawa naitn ito ng tama.
Ang multitasking daw sa konsepto ng tao ay isang kakayahan kung saan nagagawa nya ng sabay ang dalawa o higit pang gawain. Imposible daw ito at kung mangyari man kadalasan sayang lang oras kasi di naman nagagawa ng tama dahil sa hindi pagkakaroon ng sapat na atensyon doon sa ginagawa. Ang utak daw kasi ng tao, ayon sa mga pag-aaral, ay makakapagperform lamang ng isang task at a time. Kailangang pagjumejebs, jebs ka lang, di pwedeng umihi. Magkaiba ang charging non. Wala huya! Ganon?
Sa isang progresibong bansa katulad ng Suisse, masyadong mahalaga ang bawat oras. Walang dapat masayang. Masyadong matindi ang kompetisyon. Masyadong mabilis ang takbo ng buhay na kung pabaya-baya ka ay talagang mapag-iiwanan ka. Kasimbilis ng pagpalit ng panahon ang pagbago ng buhay na kailangan mong habuli para makasabay ka sa standard. O ha! Di ba stressful? Kung kaya dapat talaga magmultiply este multitasking. Mas maraming trabaho = maraming kita. Kung pwede nga lang na 24 oras ka magtatrabaho bakit hindi. Pero kasi tao tayo at kahit nga computer nababug down. It's only a matter of choice.
Sabi din sa isang pag-aaral, mas magaling daw sa multitasking ang mga babae kesa sa mga lalaki o kadalasan daw sila ang nagmumultitask. Ibig sabihin din ba nito e mas maraming mayaman na mga babae kesa sa mga lalaki? Statistics, statistics! Pero sabi ng iba, dagdag pogi points daw sa lalaki kung epektib kang magmultitask. Good husband material ka daw. In layman's view, you are under de saya in the making. At tuwang tuwa ang mga babae nyan.
Ang sa akin lang, wala namang masama kung mahilig kang magmultitask. Mas maganda nga ang ganon, para ka na ring may superpower. Pero sisiguraduhin lang natin na tama ang output ng ginagawa natin. Kung kaya mong magluto habang naglalaba habang naliligo aba'y kakaiba ka nga pero siguraduhin mong di sunog ang niluluto mo, malinis ang pagkakalaba mo at suot mo underwear mo pagkatapos maligo. Focus on the quality ng gawa mo kesa sa quantity. Think of how did you do it rather than how much did you earn doing it.
This is, I think, a BETTER SUCCESS.
16 comments:
ay ako mahilig mag multi-tasking,
naglalaba habang nagluluto,(siyempre katulong ko si washing machine dun)
telebabad habang may katext din..hehe,o kaya watch movie online habang may ka chat,mga ganun lang naman,hehehe.
i agree dito-->Focus on the quality ng gawa mo kesa sa quantity. Think of how did you do it rather than how much did you earn doing it.
waaa! aminado ako. hindi ako magaling sa pagmumulti task. mas gusto ko yung one at a time kasi sigurado ako sa kalidad. may pagka-perfectionist pa naman ako..hehe! pero i got your point.. :)
wow... ang saya nman... magpapalit na ng panahon dyan. :)
i dont know if this is bad... but when i am alone in my room... i watch tv while listening music while browsing the internet and taking my meal.
multi-tasking rin ba ang tawag dun?
marunong din ako niyan. nanonood ng tv at nagcha chat sa cp habang ako ay tulog. at quality pa un ha.
quality sleeping.
sa kin madalas mangyari yan. kausap ko si doc habang kumukuha ng gamot,habang nag e explain sa bantay at may tinatanong sa manager..
riot!. syempre di kami nagkaintindihan ng maayos hehehe.
@ madjik - kawawa pasyente nyo dyan pag ikaw ang duty ha ha alam din ba nila na masakit ka magturok ng injection ha ha
teka bakit ako ang sumasagot ng comment dito? ha ha ha churi
@ABOU::oi hindi po ako masakit mag injection.. slight lang! hehe.
depende na lang siguro pag na carried away.. you know what i mean. hehe.
hunga! bat ba ikaw ang sumagot sa comment?? MOMENT ni george ngayon ... teka, asan nga ba si george??
kahit pano napraktis ko na din ang pagmu multi task, pero madalas akong nalilito. lituhin kasi ako e. kaya mas mabuti siguro sa kin yung focus muna sa paisa isang
ampay ko na ang multi tasking. maka chat samtang naga obra report. kag mas mayo pa gid subong kay windows vista, pwede ka multiple profiles, pwede ka run sang programs in one PC but different profiles.
nako, oks ako sa multitasking.
naglalaba tapos naka online.
nagbabasa ng buk tapos ngumunguya. aheheh.
pero capable naman tayo gumawa ng 2 bagay na sabay. napapractice ata un=p
dlawa lang ang kaya kong gawin, katulad kanina, tumatae ako habang naggugupit ng kuko. astig.lols.
@ teresa .. pwede mo ring gawing motto yan in life. LoL!
@roneiluke, rn .. naku sabi daw mahirap makisama ang mga perfecionist. ibig sabihin pintasero ka rin?
tag-ulan na nga dito uli.
@ roland .. it's not multitasking. a waste of energy yon. hahaha...
@ abou .. a, alam ko na sakit mo yon.
@ madjik .. asa ka pang magkaintindihan kayo. at ginawa pa ninyong forum itong comment page..
@ yods .. madali ring mataranta ang mga lituhin. epekto yan ng sobrang pagkakape.
@ palagpat .. yan ang medyo di ko pa maintindihan sa windows vista. hahaha...mawindows vista na paano ako in a week time.
@ ced .. effortless naman kasi ang isang activity mo e.
ibig sabihin kulang lang ako sa praktis.
@ popoy .. mas matindi nagagawa ko poy. kumakain habang tumatae. instant replenish yon.
Post a Comment