Demo Site

Friday, September 19, 2008

armagedDON

Doomsday.

Laman ng balita nitong mga nakaraang araw sa Geneva. Usap-usapan sa mga radyo at artikulo sa mga peryodiko. Tinalong bigla ang American politics. Ewan kung nauunawaan ng madlang people ang usaping ito dahil parang deadma lang sila -- pakiramdam ko lang.

Actually, ganon din ako noong una. Sobrang technical kasi ng mga pinag-uusapan at nahihirapan na akong i-recall ang mga concepts ng Physics na natutunan ko noong high school. Maliban sa mga numerical facts (syempre computation na naman) medyo mahirap ma-absorb ang mga technical terms na kung hindi mo propesyon malamang matutulala ka.

I am talking about the LHC or the Large Hadron Collider. Ito na ang pinakamalaki at pinakamalakas na particle accelerator sa buong mundo. Ginawa ito para mabigyang kasagutan ang mga tila walang kasagutang tanong sa larangan ng particle physics. Sabi ko nga masyadong technical kung kaya sundan mo na lang ang LHC sa link na ito para mas lalo kang maliwanagan.

Ito ang logo ng ahensyang namamahala dito. Ang CERN -- European Organization for Nuclear Research originally Conseil Européen pour la Recherche Nucléaire in French. Sa tuwing makita ko ito lagi kong naalala si Robert Langdon at ang antimatter sa Angels and Demons ni Dan Brown kung saan una kong nabasa ang ang word na ito. Minsanan lang mag-open ang CERN for public and this year, pinakita nila ang LHC pero di ako nakapunta kasi di pwedeng ipasok ang anak ko. Pero hindi iyan ang isyu. Planong isagawa ang unang collision sana noong September 10, 2008. Pero sa mga kung anong kadahilanan ay hindi ito naisagawa.

Ang kinatatakutan ng karamihan dito ay ang maaring idulot na epekto ng magarbong proyektong ito. Una na dito ang blackhole -- kung saan hihigupin ang mundo on the 10sec on the billionth power. Sa akin ok lang at least mamatay akong di virgin at mabuti sana kung ako lang. Iniisip ko ang mag-ina ko. Kung magkataon, isa kami sa maaring apektado. Ilang kilometro lamang ang layo ng tinitirhan namin sa Meyrin kung saan naroon ang CERN. Paano na lang kung pati Chatelaine biglang magdisappear? Sumunod ang concern ng cosmic rays, strangelets, vacuum bubbles at magnetic monopoles. Lahat ito maaring magcontribute sa tuluyang pagkasira ng mundo as in literal na masisira. Tunghayan ang ilan sa mga larawang ito courtesy of google.




Kung minsan, ang akala ng tao, his invention makes him GOD and he would think he could conquer GOD. Pero kadalasan din, ang katalinuhan ng tao ang nagdadala sa kanya sa isang kapahamakan.

Ikaw? Ano ang tingin mo sa pangkalahatang pangyayari sa mundo maging gawa man ito ng tao o kalikasan?


12 comments:

madjik said...

masyadong madaeom gid a mig.gaeupad pa ang espirito. basta..

gani man. sa angel and demon ko eang man ha encounter tag haning cern ngaron.

wa gid at sense da ang comment ngara! hahaha.

ponCHONG said...

hay nano!

HAPPY BEERDEY na lang a.

ok lang kung uwa't sense, nonsense man ra!

The Gasoline Dude™ said...

Akala ko sa mga pelikula at libro lang 'to pwede mangyari. Malay mo, dumating bigla si Superman to save the world. O kaya si Kapitan Inggo. Nyahaha! *LOLz*

Anonymous said...

dati pa lang, nababasa basa ko na yang particle accelerators na yan pero kung anong pilit kong intindihin ay di ko talaga maintindihan. hanggang sa matapos nga yang LHC at siyempre, thank you Internet at nakapagimbestiga ako kung ano nga ba ang nangyayari diyan.

ang pinakapunto nila kung bakit nila ginawa yan ay para malaman kung ano ba talaga ang bumubo sa anything in the universe that occupies space and has mass. ang itinuro sa eskwelahan, atoms ang pinakamaliit na bagay na bumubuo sa matter. at ang atom ay binubuo ng proton, neutron at electron.

hindi satisfied itong mga siyentistang ito at naniniwala sila na may pinakamaliliit pang particle na bumubuo sa mga ito. at ang hinahanap nila ang Higgin's Bosson o sa madaling tawag ay God's Particle na siyang bumubuo sa lahat.

Nais kasi nilang malaman kung paano nagsimula ang universe, at siyempre pag nalaman mo kung anong simula nito ay malalaman mo na rin kung anong pwedeng patunguhan nito.

maraming natatakot dahil hindi nila alam kung anong maaaring mangyari sa mga eksperimento na isasagawa sa LHC. manalig na lang tayong lahat na wala sanang mangyaring kababalaghan na ikakapahamak nating lahat. :)

at siyempre, mas goodluck sa inyo diyan sa france lalo sa swiss dahil mas malapit sa inyo ang LHC. ha haha. kung baga, kayo ang unang mamamatay. wag naman sana.

ps
una ko ring nabasa sa Angels and Demons yung CERN na yan. di ko makakalimutan na para raw 666 yung logo niya. alam naman nating lahat kung anong meron sa bilang na yan.

:)

The Gasoline Dude™ said...

Pucha KDR! Isa kang adik! ADIK!

*LOLz*

lucas said...

i'm currently reading angels and demons right now. mainly because of the issue. nawala sa isip ko na sa Geneva ka pala... and now im really interested what CERN has to offer...

i have never been interested in physics until i read angels and demons and what CERN is trying to do is really promising... and almost spiritual if were going to relate it to Dan Brown's words...

but are the answers worst risking innocent lives? i think not. and i also believe there are things that should be kept unanswered. but CERN would not be able to understand that...

"Science is still too young to understand..."

--leonardo vetra

my-so-called-Quest said...

una, gusto ko batiin si KDR! iba ka rin e no? hahaha


sa Angels and Demons ko rin nabasa yang CERN. siguro hindi kuntento ang ibang tao. gusto pa madagdagan ang kaalaman nila kahit alam naman nilang may consqeunces. mapamaganda o pangit.

RJ said...

sabi kasi sa bible, magkakaroon ng great tribulation na hindi pa nararanasan ng buong mundo mula noong una pa, bago dumating ang wakas. gutom, lindol, sakuna etc etc.

pero diyan, ewan ko lang. nabasa ko nga rin iyan kay kay dan brown.

Abou said...

ok lang magunaw ang mundo basta sa langit ang punta ko! ha ha

manami ing template pero kaadya pa ro sidebar. sus naghambae gid ang, medyo manami gid abi ro akon ha ha

ponCHONG said...

@ gas dude .. sana nga sa mga panahong ito magkatotoo din ang mga superheros na likhang isip. kung pwede sana silang itext gagawin ko.

@ KDR .. at may dagdag kaalaman pa. actually, according sa mga news, noong mag open ang CERN for public viewing ng LHC, isa sa mga dumating ay ang atheist na si Mr. Higgs. coincidence kasi yon ang ultimate goal nila -- to find the higgin's bosson.
may sa demonyo talaga ang mga taga CERN.

ponCHONG said...

@ roneiluke, rn. .. and it should be kept unanswered. yan ang hindi pwede sa mga scientist. everything has an answer and they will continue to find it.

enjoy your angels and demons

@ ced .. to the point na umaabuso na sila. buti kung sila lang apektado.

ponCHONG said...

@ rj .. nakakatakot nga din kung iisipin ang nakasulat sa bible regarding signs of times. pero siguro sariling gawa rin iyon ng tao o nagkataon lang.

@ abou .. ag sigurado mo gid abi nga sa langit ka gaagto. suma, kinahanglan ni san pedro ang katagay.

ag syempre gabutang man kuno ako it header.